Pagkagising ko, eto agad naisip ko eh.

Minsan, may nagsabi sakin, hindi daw pera ang puhunan sa pambababae, sabi ko naman, ano? Yung kapogian? Ayos ahhh. Parang ang popogi nyo.

Bakit kaya nauso ang manloloko ngayong panahon natin? Naisip ko lang, dati naman hindi manloloko ang mga lalaki, stick to one kumbaga. Loyal at takot manloko. Kumbaga, mismong syota nga nila, hirap na hirap silang tyumempo kung pano hahawakan yung kamay, kiss pa kaya, diba? Pero tignan mo ngayon.. Kasabay ng pag-unlad ng technology natin, aba, umuunlad na din ang panloloko ng mga lalaki at syempre, pati nadin ang mga babae. Nakakainis isipin na ang daming malalandi sa panahong ito, kapag sinabi mong malandi, di mo alam kung babae ba o lalaki kasi pareho na eh.

Di ko alam kung bakit ang daming taong naaatim na manloko. Na-sasatisfy ba sila? Pumopogi ba sila o gumaganda? Ako, naranasan ko nang maloko, pero hindi ang manloko.. Oo, takot ako, dahil alam ko namang makakarma ako. Wala naman akong mapapala eh, mag-aaksaya ako ng panahon? Para ano? Para makasakit? Sus, di ko yun gagawin, lalo na sa isang relasyon.. Syempre, ang sinasabi ng iba, wala lang yun, nilandi lang sila. Eh para naman akong pinanganak kahapon lang, diba? Hindi ka naman malalandi kung hindi ka nagpapalandi, ano yun? Wala kang isip? Wala kang sariling decision?

Nayayamot ako sa tuwing may niloloko na babae, nagagalit talaga ako, unlimited mura ang nagagawa ko. Mapapa-tangina this ka. Yung mga nanloloko pa, mga mukang pwet.. Akala mo kung sinong mga gwapo, mga wala namang pera, walang puhunan kumbaga.. Di naman katalinuhan, alam mo yun? Na-gegets mo? Mga manloloko ngayon, yung mga hindi naman dapat manloko dahil mga pangit sila, simula muka hanggang ugali. Tangina talaga no? Ang nakakainis pa dun minsan, okay nanaman yung mga partner nila, naghahanap pa ng iba.. Ang masklap pa dun mukang aso o jejemon pa ang hinahanap. Kung gusto nila ng mukang aso o jejemon, sana hindi nalang sila naghanap ng matinong babae, diba?

Kung manloloko ka rin lang, mas maganda pang iwanan mo nalang. Kung ayaw mong masira ang tiwala sayo na binigay ng partner mo, hindi ka dapat gumawa ng mga bagay na alam mo namang ikakasira ng tiwala niya. Kapag nasira yung tiwala niya, mag-ddrama-drama ka na wala naman siyang tiwala sayo. Wag tayong maglaro ng tanga-tangahan. May mga sarili tayong mga utak. Wag mang-mang, please.

ANON

image

image

image

image

image

Yan. Ako yung nag-anon kay Pilosopo Gyno. Kasi, need ko ng load, wala nang bukas na store. Gabi nadin. Delikado sa labas kasi ang daming tambay. Ayun, sinubukan kong magtanong kay PilosopoGyno kung may alam siya loading station at.. ayan na nga ang nangyari. Lol. Nakakahiya man pero, lakasan nalang ng loob. Pinagmalaki ko agad sa mga kaklase ko yan, yung iba di sya kilala kasi wala naman silang tumblr, pero yung friend ko na si Colline, kilala siya. :) At tuwang-tuwa siya nung nalaman nya to. Hehehe, ako deeen. Im super happy. :))))) sobrang bait nya at hindi snob, okay pa nga kasi, pareho kaming IT student. =)) May iba pa kaming konti napagusapan about sa programming language na ginagamit ko/namin kaso, di ko na prtscrn. Sakin nalang yun! :P Super thanks PilosopoGyno! :)) Ang bait nya, promise!!! :) Hihi.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video