magmur

Midnight thoughts.

Okay, here I am again. Midnight na naman kasi. Hirap talaga pag inaabot ako ng ganitong oras na gising pa ko, dami kong naiisip at gustong gawin. Pero ang kinahahantungan, e kumakain nalang ako. Haha. Gusto ko maglinis ng kwarto. Tapos iarrange yung kama sa magandang pwesto mga ganun. Tapos magmural painting ulit. Kasi nananawa na ko kay Detective Conan gusto ko syang lagyan ng makakasama. Gusto ko gumawa ng doodle sa dingding ng kwarto. Gusto ko tupiin lahat ng damit para maayos. Nakakainis! Bakit feeling “Masipag” ako pag ganitong oras? Pag may oras naman para gawin lahat ng naiisip ko nanonood lang ako ng TV saka natutulog. Grabe sipag ko no? Hahaha. Gusto ko din ng kausap bago ako matulog. Yung pagkukwentuhan namin yung nangyari ng buong araw. Hanggang sa makarating kami sa kalawakan. Out of this world na yung pinagkukwentuhan. Saya kaya ng ganung kausap. Osya, tama na kwento. Kailangan ko na matulog. Ayoko umabot sa delikadong oras. Di ako ready makita si Annabelle. Good Mornight mga tao! :D