luhae

Ngayon ko lang naranasan ito.
ang ganitong sakit mula sa pagluhod ko.
dinaig pa nito ang pagluhod
ng mga bata sa asin o munggo.

Sobra ang sakit nito.
pero hindi pisikal na sakit ang nararamdaman ko.
sumasabay sa bigat ng puso
ang mga luha na tumutulo.

Kasabay nito ang pagnginig ng mga labi ko,
ang pagpupumilit ng utak ko,
na sana'y mabanggit ko ng diretso
“Nawa'y patawarin mo ako.”
—  Isang pahina mula sa pagkamartyr ng isang nagmamahal na nilalang. (Patawad)

Paano ba ako nakamove on kaagad? sa loob ng 1 week and 3 days?

Relasyon ko na nasira, 4 years and 6 months, iniwan nya ako sa loob ng isang minuto at gamit ang tatlong salita. masakit syempre sobra, minahal mo ng sobra eh. tapos nasayang. una, nagpigil ako ng iyak, yung sakit na nararamdaman ko diko inilalabas. lumapit ako kay mama, kinausap nya ako, so many advices. at binaon ko yung mga yon. hindi ko kinalimutan mga payo ni mama. then nung isang gabi naisipan ko iiyak lahat hanggang maubos luha ko at bigla nalang makatulog. kinabukasan manhid ako. wala akong maramdaman na sakit. tapos nakita ko photos nila nung bago nya, kumirot na naman. iniyak ko ulit lahat lahat. then ayon, lumipas ang mga araw kapag iniisip ko sya wala akong nararamdaman ni katiting na sakit. tinry ko icheck kanina accounts nya para masiguro kung wala naba talagang sakit sa puso ko, nakumpirma ko. nakamove on na talaga ako. grabe. ang saya lang. akala ko hindi ko kaya. pero nakaya ko. nakaya ko dahil sa mga kaibigan ko na walang sawang sabihan akong tanga, magulang ko na pilit akong kinocomfort, at syempre dahil palagi ko ding nilalapitan ang panginoon. time out na muna ako sa pag ibig. hayaan nalang dumating si the one, wag madaliin. lahat naman may tamang timing. :)

EXO as youtubers

Suho- “How to be a good mother”
Baekhyun- “How to do a smoky eyeliner look”
Kai- “How to dance for experts only”
Chanyeol- “How to be the class clown”
D.O- “How to hide a dead body”
Sehun- “How to do aegyo like a pro”
Kris- “Step by step tutorial on flying”
Lay- “UNICORNS SIGHTING!”
Tao- “Strolling On The Beach Playlist”
Chen- “How to achieve a curly middle part hairstyle”
Xiumin- “How to get rid of a clingy best friend”
Luhan- “Tips on being romantically closer to your best friend”

Nagsasayang ka lang ng oras kakahabol sa taong kahit kailan, hinding hindi ka kayang mahalin. Masasayang lang yung effort mo, masasayang lang din yung mga luha mo. Sabi nila kapag mahal mo, lahat kakayanin mo. Pero hanggang kailan ka ba magtitiis? Hanggang kailan mo lolokohin yung sarili mo na masaya ka talaga sa piling niya? Dapat ikaw na mismo magpalaya sa sarili mo. Bigyan mo ng chance yung sarili mo na maging masaya, bigyan mo yung sarili mo ng pagkakataon na maranasan naman na mahalin ng isang tao ng buong buo, yung walang hinihiling na kapalit, mamahalin ka niya sa kabila ng lahat.  Kung magbubulagbulagan ka lang, sa huli maiiwan kang mag-isa, mapag-iiwanan ka ng panahon. Kaya dapat habang maaga pa gawin mo na yung tama, huwag mo ipilit yung pagmamahal mo sa isang taong hindi naman deserving sa pagmamahal mo, kasi may isang tao jan sa likod na handang tanggapin at suklian yung pagmamahal mo. Kailangan mo lang magpakatatag sa buhay para mahanap yung taong yun.

Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi. Umiyak ako nang sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinaka-mabisang panglanggas sa sugat ng puso.

Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko. Nakakatawa. Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na ‘to, puro alaala ng mga away at hindi natin pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko. Na sila ang mahirap gamutin. Na sila ang, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo. Sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at kung paanong ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nadurog ako noong gabing umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nadurog ako noong gabing sinabi mong ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako sa gabing tinanong mo ako kung puwede pa ba. Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, at nagdurugo ako, at nagdurugo ako, at nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang magsabi ng “Mahal kita.”

Mahal. Kita.

Kung titignan ko nang maigi ang mga salitang isinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko. Mahal. Kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad-unan ko, nagmamahid na sila. Mahal. Kita. At sa dami ng luha na pinanglanggas ko rito, naglalangib na sila. Mahal. Kita. At sa tagal nilang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal. Kita. At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay “Mahal kita.”

Mahal, kung magkita tayong muli at tanungin mo ako uli kung puwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa'yo ay mga bagong unan. Dahil lahat ng akin ay 'kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.
—  Mga Basang Unan, Juan Miguel Severo

Maawa ka sa sarili mo, tigilan mo na paghahabol sa taong pilit ka namang tinatakbuhan. Sayang lang luha mo wala naman siyang pakealam sayo.

Best friend POV

Dito nalang ako sa mas tatagal tayo. Doon sa mas sure nating ok ang lahat. Mas pipiliin ko ng maging kaibigan nalang kesa makipag kompitensya at masira pa lahat ng kung anong meron tayo. At least kahit kaibigan lang ako kaya kong pasayahin ka. Kaya kong patawanin ka kapag malungkot ka. Kayakong hawakan ang kamay mo. Kaya kong Yakapin ka, punasan ang luha mo sa twing iiyak ka at higit sa lahat kaya kong ipadama sayong mahalaga ka sa akin yung hindi ka maiilang.

Masaya naman ako eh kahit ganito lang ang set up natin. Kase alam kong kaya kitang ipagtanggol kaya kong isigaw sa buong mundo kung gaano ka kasarap kasama. Pero lahat may limitasyon. Alam ko Oo masakit para sa part ko na hindi kita kayang halikan hindi kita mapapakasalan sa harap ng madaming tao at sa kung saang simbahan mo gusto pero kung makikita kitang masaya sa piling ng iba mas matutuwa ako kase alam kong masaya ka.

Ok ng best friend lang ako kase alam ko sa tuwing malungkot ka ako ang unang tatawagan mo. Mas mahalaga sa lalaki ang makitang masaya ang babaeng mahal nila. Hindi man sa piling namin kahit sa piling man ng ibang lalaki yan basta masaya siya masaya na din kami.

Kaya Dito nalang ako. Dito nalang ako sa pagiging isang best friend mo. 😃