4

JOMAR and IAN sayang wala kayo dito. :(

This was taken during our Graduation Picture Taking. Tapos na kasi silang lahat, palibhasa 30 seconds lang naman sila inaayusan tsaka ang dali sa kanila na magpalit ng mga damit. Samantalang tapos na silang lahat, wala pa sa kalahati ng girls ang naayusan.

Halos lahat ng mga lalaking iyan naging kaklase ko na simula elementary. Halos kuya na ang mga turing ko dyan. Sila yung mga lalaking kakaiba, hindi nagdoDOTA, hindi naghahanap ng chix, hindi nambabastos, at kung ano pa ang ginagawa ng isang typical na teenager na lalaki. Mas interesado pa sila sa mga insekto, sa mga corny jokes, sa mga literal na recipes (ex: pineapple upsidedown, lechong kawali) at madaming pang iba na kagigiliwan talaga ng mga bata.

Pero yun ang rason kung bakit ko sila labs na labs. Yung bang mature na sila pagdating sa mga babae, hindi nambabastos o gagawan ng malisya kapag yakapin mo o kung ano. Tapos ang jokes nila ay for fun lang, hindi nakakapanakit ng iba. Sabi nga ng iba kong mga kaklase, kung may natitira mang matitinong lalaki sa mundo, wala ng iba kundi ang mga are nalang. HAHAHAHA. Love you guys!

BTW, 12 lang ang boys namin. Kaya hangang hanga ako sa mga iyan kapag Intrams eh. May fighting spirit talaga kahit ‘hindi naman masyadong’ obvious na patalo na. HAHAHAHAHA

You are my light, You're the lamp upon my feet, all the time my Lord I need You there~

September 10 - 11, 2012 - LS401’s Retreat

Ikwekwento ko sana dito lahat ng mga nangyari sa akin, sa aming mga bading na barkada at sa klase namin. Kaso magiging spoil naman ako sa ibang hindi pa nakakapagretreat kaya hindi ito masyadong detailed.

First time lang ata sa DLSL na ang retreat house ay sa Inosluban, dati dati kasi sa Tagaytay pa. Noong una, parang nagrereklamo kami kasi mas trip namin ang malayo pero narealize ko din na makakain ng travel time yung mga pangsession time namin. Pag pasok ko sa retreat house, hindi ko ineexpect na ganun pala kacomfortable/kaganda yung venue. Akala ko kasi old houses. Tapos napapalibutan pa ng nature. Para sa akin, perfect talaga for a retreat.

Pagkatapos ibigay ang mga instructions, feel na feel at home na agad ako. Wala na kasi akong pake kung ano ang maging itsura ko at ng mga damit ko, basta’t comfortable ako. Tapos pasarap buhay talaga kami doon kasi lagi kaming pinapakain, ang sasarap pa ng mga pagkain nila. Lagi nga kaming mga varsities ang nauunang kumain, nakakahiya. HAHAHAHAHA. Tapos nagkaroon pa ng siesta time after, pero nakipagkwentuhan nalang din ako.

Pagkatapos naming magpakasarap buhay, sunod sunod na yung mga sessions namin. Ang bawat session ay may nakalaang topic at activity. Grabe, hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon dahil sa mga naging sessions na iyon. Para bang naging light na yung mga dinadala kong mga problema, mas nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko, mas naappreciate ko yung mga taong nasa paligid ko at mas naging close talaga ako kay God. Ilang beses din kaming nag-iyakan, ilang beses din kaming natawanan at ilang beses ko ding niyakap ang lahat ng mga kaklase ko. Sa retreat din ito, para bang mas naniwala ako sa sarili ko at nalaman kong lagi silang nasa tabi ko. Nasabi ko din sa mga magulang ko ang mga gusto kong sabihin na hiyang hiya akong sabihin sakanila sa personal AT hinahayaan ko na talaga si God na ang magmaneho sa ekspedisyon ko.

Sayang lang talaga at 2 days, 1 night lang ang retreat namin. SOBRANG BITIN!!! Tapos kagabi, 1am na kami nakatulog kasi nagkwekwentuhan kami sa mga crushes at lovelives namin, though wala na ang akin. HAHAHAHAHAHA. Tapos dahil mga rebelz kami, pagkatapos lahat ng mga sessions namin kagabi, kumain lang kami ng kumain kahit mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain sa loob ng dorm. Tapos habang kumakain pa kaming mga varsities, nangtitrip talaga kami kaya utas lang kami sa kakatawa.

GRABE, SOBRANG SAYA, SOBRANG FULFILLING at SOBRANG MEMORABLE ang naging retreat namin na ito. Sabi nga nila, parang reunion na namin ito kasi after graduation, hindi na ulit kami makukumpleto kasi laging merong hindi makakaattend. Thankful talaga ako kay God kasi dahil sa retreat na ito, ang dami kong narealize at mas naging positive na ang tingin ko sa buhay. Ngayon pa nga lang nagiging nostalgic na ako kahit kahapon at kanina lang nangyari. Thankful ako sa mahal na mahal kong LS401 na nagsilbing pamilya na talaga sa akin, sa mga magulang ko na walang sawang nagmamahal sa akin at syempre, sa Diyos na Siyang ginagabay, inaalagaan at minamahal ako. I love you my LS401 family. I love my parents and my family. And I love God so much. <3

2

4th Place - Mass Dance 2012

Maaaring sabihin ng iba na “Ay, 4th place lang pala ang Cream A.” Pero para sa amin, masaya na kami. Bakit? Kasi bago kami makapagsayaw sa Sentrum kanina, ang dami naming mga pinagdaanan, sa pahirapan sa pagvovolunteer sa mga girls na maging acting boys (kasi 12 boys to 30 girls kami), sa pagpapalit palit ng mga themes at halos napagdebatehan na kung ano ang mas maganda, sa pakalat kalat/hindi pagsasabay sabay/pagkakagulo namin sa aming routine, at madami pang iba. At ang lahat ng iyon ay nalampasan namin na nagkakaisa pa din ang klase namin. Tsaka yung bang kaninang umaga, parang isang oras lang kami nag-ayos ng costume, nagbihis, nag-ayos ng buhok, at nagmakeup, halos nagpapanic na kami kasi magsisimula na yung program, ang dami pa ding nagsabi na ang ganda daw ng mga ayos namin. NUXX HAHAHA. Tsaka kanina, kahit ang daming nagkamali sa pagsasayaw (isa na ako doon) at madaming mga unexpected na nangyari, nag-enjoy nalang kami sa pagsasayaw. Yun na din lang naman ang habol namin eh, ang makapag-enjoy at makapag-entertain. Tsaka yung bang chinecheer pa namin yung mga subject teachers namin tsaka pinapalakpakan pa namin yung mga naging 1st - 3rd place.

Basta, wala ulit mga salita ang makakapagpaliwanag kung gaano ko kamahal ang mga kaklase ko at ang klase namin. Oo, sa simula parang nakakasira sa aming mga relasyon itong mga contests pero sa huli, ito pala ang nagpapatibay ng aming mga relasyon. ANG DRAMA GRABE. HAHAHAHA. At sabi ko nga before, pamilya ko na din sila. <3

Whooooooooooooooooo

1st Day ng Intrams namin ngayon. Kaninang umaga, shette, badtrip talaga ako. As in, puro mga mura lang ang lumalabas sa bibig ko. Taena kasiiiiiiiiiiiiiii. Pero buti nalang nagkaroon kami ng mass kaninang tanghali kasi kahit papano kumalma ako at nagkaroon ng konting peace. HEHE. Pagkatapos ay nagkwentuhan kami ni Jomar tungkol sa mga problema namin. Pareho lang naman kaming HB eh. HAHAHAHA Pero sa pag-oopen up ko sakanya, medyo gumaan din naman ang pakiramdam ko. Nagamit ko na din ang Monopoly Deal Cards ko kanina!!! YEYYY HAHAHAHA. Nakalaro ko si Aileen, at kahit papano nakapanalo din ako sa kanya. WEEEEEEE

Pagkatapos ay nagpractice na kami para sa mass dance namin bukas. May mga binago kasi tsaka mas pinabilis pa nila yung mga steps. Bale hanggang 7pm dapat kami magpapractice. Noong una, pinaayos lang samin ang mga formations, tsaka polishing ng mga steps. Pero nang linagyan na ng music. SHT LANG. Kalat kalat na talaga kami, kagulo, wala na ang mga formations namin, at hindi na sabay sabay. Parang past 5pm na yun. Kaya yung iba kong mga kaklase, napapaiyak na, tapos meron ding iba na nagwalkout muna. Kita ko nga din sa mga kaklase ko parang nawalan na ng pag-asa, kahit ako. Hindi na maipinta ang mga mukha namin. In between water breaks, parang nagkaroon na ulit kami ng motivation. Kaya hyper na talaga kami. May energy na kaming sumayaw at ineenjoy na din namin, kaso hindi pa din talaga sabay sabay. HAHAHAHAHA. So yuuuuun, nagpractice pa kami ng konti tapos inayos namin ang ending namin. Habang inaayos namin yun mga positions, ang daming mga nakahawak na phone na ginawang flashlight, wala kasing ilaw. HAHAHAHA Buti nalang tapos na yung nagtetraining. Tapos yun konti pang practice and we said goodbyes na kasi past 7pm na.

Pero grabe, pababa namin sa hagdan (5th or 6th floor kasi kami nagpractice), nagtatakutan na kami. Ang dilim kasi. Yung ngang isa naming kaklase, umiiyak na. Tapos biglang nagbukas sara yung ilaw. Akala ko talaga mag nagloloko samin. Nang papunta na kami sa Robinsons, sabi nila wala talaga ang nagbukas sara sa ilaw kasi nasa baba pa daw yung switch, which is wala pang tao that time. Tapos habang nagpapractice kami, biglang nagstop yung music sa cellphone. Akala namin lowbatt na, pero hindi talaga. SHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIZ. First time kong minulto sa school.

Ayun, kasama ko si Jomar na kumain sa Jollibee kahit magsasara na ang Robinsons. Tapos sabay na kaming nagbyahe pauwi kasi pareho lang naman ang sasakyan namin jeep. And ito na talaga ang pinakalate kong pagbyahe pauwi. HAHAHAHA

Kahit masakit na talaga ang mga binti ko at pawis na pawis ako kanina at halos nawalan na ng pag-asa, natutuwa pa din talaga ako sa klase namin. Meron kasi kaming something na hindi basta basta makikita sa ibang klase. Yung bang kahit in desperate and hopeless times na, may fighting spirit pa din talaga kami. At kahit yung unting fighting spirit na iyon ay nadadala ang buong klase at mas magiging motivated. Sana nga talaga maging sulit lahat ng mga naging hirap namin bukas. Kayo na po ang bahala sa amin God. :)

Thanks to my makeup artist, Trisha Molina!

Habang linalagyan ako ng makeup, kinakain ko na yung chocolate syrup. HAHAHAH. Kami lahat talaga nag-aamoy syrup na. Tapos nahaluan pa ng pawis nang nasa old gym kami. EEWIE

Inferno by Dante Alighieri
  • Ilang weeks naming pinagpraktisan ito. Siguro mga 2-3 weeks? Pero ang practice namin ay hindi seryosohan. Yung bang isang pasada lang, bahala na. Tapos habang yung ibang mga sections ay hanggang 6-7pm umuuwi, kami’y walang pang 5pm, umuuwi na.
  • Tapos noong una, dahil puro mga intonations lang ang mga practices namin, tapos para sakin ay simple yung mga steps at intonations namin, sinasabi ko na sa sarili ko na “Ay, parang ang boring naman.” Kaya yun, feeling ko hindi na naman kami makakapagfirst place nito.
  • Tapos after like a week or two weeks of intonation practices, ito na ang mga problema. Nagkaroon ng misunderstanding sa ibang section, ng mga kaguluhan sa klase at halos sumuko na yung iba. Kasi parang palapit na ng palapit yung contest, we were stuck with intonations, samantalang yung ibang sections ay may actions na. At ang daming mga bali-balita na nagpapaturo daw yung ibang section sa mga college. Samantalang kami, wala pang napapag-usapang props at costumes, at yung mga actions ay hindi pa finalized. AT hindi pa talaga disiplinado ang klase. Kaya aaminin ko, kahit ako, mawawalan na sana na pag-asa.
  • The week after that, buti nalang ginanahan na kami. We keep our heads on the game kasi sa Friday na yung contest. Naging disiplinado kami, naging productive at we really exert our effort. Kita ko naman sa mga kaklase ko. Kaya in like 2 days, nagawa namin yung mga glancing, dictions, pauses at actions. Nasabi pa nga ng English teacher namin na kung aayos ayusin pa namin, feeling niya magiging first kami. Well ako, dahil hindi ko pa talaga nakikita ang buong performance namin, hindi ako masyadong naniniwala. Ang nega ko ano? HAHAHAHA. Pero yun, noong Thursday ay inabot kami ng hanggang 7pm kina Trisha. Hindi nga namin ineexpect na pupuntahan din kami ni Sir Fred at ng asawa nyang English teacher na si Ms. Haidee. Grabe, narealize ko doon na very supportive ni Sir Fred samin. Kahit nakaupo lang siya at nanonood saming nagpapractice, he was always there for us. Kaya thankful ako at siya yung napatapat na adviser namin. And we ended our practice in a meaningful prayer.
  • And the day all grade 10 students have been all waiting for - Friday. Pang-apat kaming klase na magpepresent. Actually, wala kaming props. Ang props lang namin ay mainipis na red cloth na binasta ng gupitin the day before ay ang mga pillars with cloth na mismong umaga lang ginawa. We focused more on our reading instead eh. Tapos simple pa yung costume namin, walang mga kung ano anong nakapatong o nakapaint. Black tshirt at black slacks. Kaya inisip na namin na kailangan na naming dalhin sa dramatic reading itself ang presentation namin.
  • Sa CAT, pinayagan kaming magpractice sa parking lot. Nang pinanood ni Ms. Merlin ang practice namin na hindi todo, naenganyo na siya. That encouraged me na to do my best sa performance kasi kayang kaya rin naman pala namin magkaplace kung ibibigay namin ang best namin. Physics time ay nag-experiment lang kami. Boohoo. Pero sa Economics, pinayagan kami ni Ms. Jonson. Yung iba samin ay nagulat. HAHA. Tapos sa English, nagpalit nalang kami at sa lunch time, cramming sa pagmakeup.
  • So after lunch, bumaba na kami sa old gym. Kita ko yung iba, props kung props, makeup kung makeup, at costume kung costume. Nahiya naman ako sa suot namin. HAHAHAHAHA. So yun, kinakabahan ako ng konti habang pinapanood ko yung mga nauna samin. Pero lagi ko nalang isinasaisip, mas maganda ang amin.
  • Nang kami na ang sunod, nagkaroon ng problema. Yung tanging props namin na pillars, hindi stable. Pero sabi ng iba, hayaan nalang daw. So yun, halos ibuga ko na ang baga ko tapos tingin talaga sa audience kung tingin, exag na kung ecag. Pero ah ah, dahil malimit akong nasa unahan, nanginginig ang kamay ko. Sana hindi napansin. Tapos hindi ko marinig ang sarili ko kahit halos pasigaw na ako at feeling ko kalat kalat at hindi kami sabay sabay. So after ng presentation, natuwa ako at tapos na.
  • Bawal pumalakpak after presentation kaya di ko alam kung maganda nga ba yung amin o hindi. At wala talaga akong idea kung paano namin naexecute yung presentation namin. Kaya habang pinapanood ko yung ibang mga sections, may kutob akong wala kaming place kasi para sakin, ang gaganda ng kanila. Yung bang iba ay may drama as group eh kami walang ganun. Basta, feeling ko talaga sa mga oras na pinapanood ko sila, parang mas mataas pa sila kesa samin.
  • Tapos habang nag-aannounce na ng mga winners, doon na talaga ako kinabahan ng sobra sobra. Nang tinawag na ang 2nd ay hindi kami yun, halos takpan ko na ang mga tenga ko kasi baka hindi kami yun. Eh kung wala kaming place, ah ah, iba na ang magiging tingin ng iba samin. Pero ng narinig ko na ang section, SHT LANG. Naghihiyaw at nagtatalon kami sa tuwa. AS IN. Tapos ako lagi na akong “OMG OMG OMG OMG OMG” Grabe, ang conyo ko lang. Tapos hanggang sa stage, ganun pa rin. No words can really express how much happy we are. Basta, masayang masayang masaya talaga kami ng mga oras na iyon. One of our happiest and unforgettable moments. Tapos kita ko ang daming mga teachers ang nagcongratulations kay Sir Fred, mga yumakap. After ng program, nagprayer muna kami. Kasi sobrang blessed talaga kami, at sobrang thankful kami kay Lord. After ng prayer, kami nalang ng aming kapitbahay ang natitira. Naka-3rd place sila tapos yung nagcongratulate kami sa isa’t isa tapos nagpasalamat. Nakakatuwa lang ang moment na iyon.
  • Ang dami naming natutunan na mga values all throughout sa preparations ng presentation namin. Kaya sabi nga ng kaklase ko, doon palang panalo na kami. Kasi natutunan naming maging disiplinado, maging mapasensya, magkaisa, magtulungan at to give out our 100% best. At hinding hindi ko rin makakalimutan ang mga practices namin na iyon kasi kahit papano neenjoy ko rin naman. Nagpapasalamat ako sa lahat lahat ng mga kaklase ko kasi ang gagaling talaga nila. Mas lalo na yung nagturo samin ng mga intonations, actions, etc. Mas lalo na sa mayor namin na super patient samin, kahit super stressed na siya. At sa mga teachers namin, mas lalo na kay Sir Fred. Napaluha nga siya kanina sa tuwa. Basta, sa sobrang tuwa at sobrang thankful ko, walang mga salita ang kaangkop dito. Grabe. This is one of the main highlights of my senior year. Hindi dahil sa 1st place kami, pero dahil ito talaga yung pinagsikapan namin, kinaya namin at naenjoy namin.
  • I love my LS401 family so much, and to God be the glory!
Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video