Turn On: Yung mahilig sa "HA"
  • Kumain kana ha?
  • Ako lang ha?
  • Wag mo akong iiwan ha?
  • Mahal na mahal kita ha?

Iba yung dating e, kasi mararamdaman mo talaga yung sinasabe niya, parang may force na dapat gawin mo yung sasabihin niya, ang sweet lang ng dating. Iba kasi yung “Ingat” sa "Ingat ka ha?"

SANA LALAKI NA LANG AKO PARA…

  • Malalaman ko kung paano manligaw.
  • Malalaman ko kung gaano kasakit mabasted.
  • Malalaman ko kung bakit niloloko ang babae.
  • Malalaman ko kung bakit pinapaiyak ang babae.
  • Malalaman ko kung paano tratuhin ang babae.

KUNG LALAKI LANG AKO..

  • Papahalagahan ko ang babae.
  • Seseryosohin ko.
  • Rerespetuhin ko.
  • Aalagaan ko.
  • Iingatan ko.
  • Ipagmamalaki ko.
  • Ipagdadamot ko.
  • Mamahalin ko.
  • Kung lalaki ako, magbabago ako, magtitino ako para sa isang babae at patutunayan kong hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho.

Dear Bestfriend,

First, i want to thank God for sending a person like you. I am blessed that we both found each other and this is absolutely priceless. I just want you to know that i love your company. I go crazy and vain, i enjoy a lot of things with you regardless of the personalities we have. Yes, i am weak but with you i get stronger. You are stupid and i am weird. You are bitch and i am a slut. Sorry if i annoy you a lot. I fail but you still here right by my side whenever i want someone to hang on. We are not perfect but that `s what i love about US.
Bestfriend, thank you for listening when i make drama to you. Thank you for the overnights, thank you for sharing your food, thank you for being a loyal fan when i sing. Thank you for keeping my secrets. Thank you for showing me that i am not ALONE. Thank you for showing that i dont need a BOYFRIEND. I know we came from different mothers but you are not just a bestfriend, you are a sister. I love you bestfriend.

Dear BOYS
  • Kaming mga BABAE, magaling magpretend.
  • Kapag nasasaktan kami, nagpapakamanhid kami. 
  • Kapag may nakitang hindi maganda, nagbubulag bulagan kami.
  • Kapag may narinig na mali, nagbibingi bingihan kami.
  • Pero kapag mag isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit.
  • Dun kami umiiyak.
  • Kaya ang pangarap naming lalake ay yung sensitive sa mga nararamdaman namin.
  • Yung kayang i-handle kung anong nararamdaman namin.
DEAR CRUSH,

Kung kailan nawawalan na ako ng feelings para sayo, saka ka naman magpaparamdam. Ano to gaguhan? Napagod na ako. Okay?
Nasaktan na ako. Okay? At siguro nga mas mabuti kung hanggang dito na lang tayo, yung hindi "NAGING TAYO"

DOTA or GIRLFRIEND.

Dear Boys. Sino nga ba? Hindi naman kailangan humantong sa puntong kailangan niyong mamili. Ang kailangan niyo lang gawin ay malaman kung anong pinagkaiba ng DOTA sa Girlfriend.
Ang dota nag-iisa lang sa mundo. Ang dota hindi kayo iiwan. Sa dota 20 pesos lang masaya na kayo. Ang dota kapag iniwan niyo handa pa rin kayong tanggapin. Sa dota kapag nakakahanap ka ng bagong hero hindi nagagalit. Maaaring tama ang lahat ng sinasabe niyo pero wag niyong ikumpara ang pagmamahal ng isang babae sa DOTA.

Ang Girlfriend, marami niyan sa mundo pero tandaan niyo mahirap makahanap ng isang babaeng magmamahal ng totoo. Ang girlfriend iniiwan kayo dahil rin sa pagkukulang niyo. Kulang sa oras, atensyon na dapat sakanila niyo ibinibigay at hindi sa DOTA. Ang girlfriend sa 200 pesos, hindi pa masaya bakit? Hindi naman pera ang nasusukat ang kaligayahan ng mga babae kundi sa pagmamahal niyo. Yung simpleng makasama kayo. Yung simpleng tawanan niyo. Yung simpleng lambing. Yun lang. Ang Girlfriend kapag iniiwan niyo, mahirap balikan, oo tama dahil sobrang hirap tanggapin na basta basta niyo lang silang iniiwan at pagkatapos basta basta niyo na lang babalikan. Ang Girlfriend nagagalit kapag nakakakita kayo ng ibang babae, boys common sense alam niyo kung bakit dahil natatakot kaming mga babae na ipagpalit at mawala kayo. Ayaw namin kayong naaagaw.

Dear Boys. Paano kaya kung magpalit tayo ng posisyon. Lagi niyong tandaan na ang mga babae ay hindi katulad ng DOTA na kaya niyong paglaruan. Ang babae pinahahalagahan at hindi pinagpupustahan. Ang babae ay may damdaming nasasaktan ang DOTA wala. Iba yung kaligayahan sa DOTA sa Girlfriend.

Sabi nila, mahigit 11 million ang tao sa Metro Manila.
Sa dami ng taong yon paano mo kaya malalaman sakanila kung sino ang para sa iyo?
Paano kung nakasalubong mo na siya kaya lang hindi mo pinansin? Dumaan na pala sa harap mo noong yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala kaya lang lumingon ka para tingnan ang traffic light.
Baka andun na siya humarang lang yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao may masusuwerteng nakahanap na. May mga naghahanap pa.
"Yung iba sumuko na pero ang masaklap yung na sayo na pinakawalan mo pa"

TIPS para sa mga New bloggers.

Makiramdam. Ang Tumblr ay ibang iba sa lahat ng social netwroking sites. Hindi ito kagaya ng Facebook at hindi lalo ng Twitter. Dito kailangan mo munang alamin ang bawat kilos/ugali ng mga Tumblrista at ang environment sa Tumblr bago magreact at sabihing walang kwenta dito. Hindi ang tumblr ang mag-aadjust ng mga bagay-bagay para sayo.

Makisama. Ang Tumblr ay blogging site, hindi “Friendster”. Dito kailangan mong maging matiyaga sa pakikipagkaibigan. Bakit? Hindi lahat ng blogger sila ang lalapit o mag-TTA para sayo dahil ikaw kailangan mo ring mag-effort bago mo sabihing SNOB or walang kwenta ang mga bloggers dito . Be approachable.

"Yung pakiramdam na PAGOD ka nang MAHALiN siya pero ni minsan di sumagi sa isip mo na iWAN siya"

Ang totoo hindi sapat ang pagmamahal para hindi ka mapagod. Oo nakakapagod pero ayaw mo siyang mawala. Hindi mo siya kayang iwan. Siguro tama sila na maaari kang mapagod pero hindi ang magsawa. Magsawang mahalin siya, intindihin siya, unawain siya at alagaan siya. May dahilan kung bakit tayo napapagod yun ay para matutunan natin kung kailan ba dapat huminto at kung kaya pa bang ipagpatuloy. 

Itanggi mo man sa lahat na mahal mo pa siya, magpanggap ka man na masaya ka at hindi mo na siya kailangan. Hindi mo pa rin maloloko ang sarili mo dahil hindi nawawala yung oras na namimiss mo siya lalo na kapag maalala mo yung panahon na masaya kayong magkasama.

When someone suddenly or slowly stops talking to me I end up with this negative thoughts pile up in my head. I always take the blame and gather up the things that could’ve been wrong with me and what they probably didn’t like about me. Questions like; Maybe I wasn’t enough, maybe I was too much.

Single.

Minsan hinahanap mo yung pagmamahal sa iba, yung pagmamahal na galing sa isang tao, yung matatawag mong boyfriend/girlfriend.
Hindi naman sukatan ng pagiging masaya ang pagkakaroon ng partner/boyfriend/girlfriend. Bonus lang sa buhay mo kung magkakaroon ka. Ang buhay ay Single ay di lang umiikot sa sarili mo mismo. Hindi porket Single ka, ay choosy ka. Hindi porket Single ka, walang nagkakagusto sayo. Minsan mararamdaman mo na lang na Okay lang kahit Single ka. Yung okay lang kahit wala kang ka-holding hands, yung okay lang kahit walang nagtetext sayo ng “I love you, Wag kang magpapagutom, Ingat ka. Labas tayo mamaya” 

Turn On: Yung Lalaking Ipagmamalaki ka ♥

Sa una palang dapat maramdaman yan ng mga babae at syempre kailangan mag`effort naman yung mga lalake. Masarap yan sa pakiramdam, tipong pwede ka ng mamatay sa sobrang kilig.
Yung lalaking magsasabing:

  • wow ang ganda naman niya.
  • Ang swerte ng magiging Boyfriend niya.
  • sana ako na lang.
  • kung ako talaga, iingatan ko siya.
  • gusto ko siyang mapangiti sa paraang kaya ko.
  • hindi siya bagay sa iba, sa AKiN LANG.
  • at kung ako ang magiging BOYFRIEND NIYA,
    promise ako na ang pinakamasayang lalake sa mundo.

Sana may natitira pa <3

Dont blame me…

Don’t walk out of my life then blame it on me for not chasing you. Its not you didn’t matter enough to me, that actually you mattered too much. You mattered so much that when you made it seem so easy to walk away I took at as you being better off without me.
Don’t come up to me , you would’ve stayed if you really wanted to, I’m done feeling like I’m forcing you.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video