lecinwonderland

lecinwonderland replied to your post: Congratulations Gwendolyn Ruais for winning First-Runner Up in Miss World 2011

Mas inaabangan kasi ng ibang Pilipino ang Ms. Universe kasi yun ang pinakasikat sa lahat ng beauty pageant. Hehe. Anyway, hooray kay Ms. Ruais! Napapahiyaw ako kanina nung rumampa siya. :) :D

Di ko napanuod yun pagrampa nya dahil tanghali na ko nagising HAHAHAH. Pero ang ganda ng sagot nya kanina. Full of confidence at kitang kita yun pagiging henya. :)

Pisibiliti Istadis ni Lec.

Kakatapos ko lang gawin yung Financial part ng Feasib(ility) namin. PARTY LEC! Nakayanan ko siya, di ako makapaniwala. Biro lang, katulong ko ang nanay kong CPA. Pero hindi pa, di pa pwede. Sa Lunes pa namin malalaman ang hatol ni sir. Kahapon pa ko kinakabahan dahil sa Feasib na yan eh. Hindi ko na naasikaso yung Case Study ko, ayun, tuluyan na siyang tinubuan ng kabute at kamote sa alikabok niya dito. Tsaka pa lang siguro ako makakahinga ng maluwag kapag nalampasan na namin ang Defense against Dark Arts kay Dr. Dr. Engr. Engr. Professor Sir. Tipong aligaga na ko sa lahat ng bagay. Nawalan na rin ako ng gana kumain. Ni hindi rin ako makatulog. Ganito talaga ko ma-aligaga eh. Wala sa katinuan. Kelan nga ba ko tumino? Bueno, medyo ayos na ko at natapos ko na siya. Bale, edit-edit na lang bukas. YES! Kahit mga dalawang araw, makaka-petiks na ako kahit papano. Matapos lang talaga ‘tong Feasibility na 'to. PARTY HARD NA! Goodluck teammates! Dasal lang. :)

Para sa Masa.

Hindi ko alam kung pa'no sisimulan ‘to. Isa lang ang nasa utak ko ngayon. Napakasimple ng buhay noon kumpara ngayon. Sa lahat ng aspeto ng buhay natin. Napakalaki ng pinagbago ng klase ng pamumuhay noon at ngayon. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro tungkol sa mga gawain ni Rizal at kung anu-anong kaeekekan pa ang konektado kay Rizal. History, sanaysay, liham, pati love life ni Rizal nadamay na. Kung iintindihin mong mabuti yung istorya, sobrang simple. Payak. Walang cellphone, laptop, tablet, iPod iPad, Facebook. Purong manu-mano at pinaghihirapan talaga ang lahat ng bagay. Snail mail, ika ng marami. Kakaunti ang krimen. Tumigil lang ako pansamantala sa pagbabasa dahil may kalabuan na rin 'tong mata ko at mahapdi na siya. Nagsoundtrip muna ko. Kanina, nung nag-online ako sa Facebook account ko, syempre update ng status dito, check ng notifications, check ng page. May bigla akong nakausap sa comments (pasensya na, nadamay pa 'to) . Usap. Usap. Usap. Bigla kong nabanggit yung kanta ng Eraserheads na 'huwag mo ng itanong’ tinanung niya kung kanta 'yon, ako naman, oo. Sa totoo lang, wala ako sa katinuan nun eh. Hindi sa baliw, mabigat lang ang pakiramdam ko. May nabasa kasi ako nun. Pero ayoko na ikwento kung ano yun. Basta. Hinanap ko sa youtube yung kanta, pinakinggan. Sunod kong hinanap yung 'Para Sa Masa’. Sa lahat ng kanta nila (Eraserheads) yun ang pinakanagustuhan ko. Nagandahan ako sa tono ng kanta. Dati, wala akong pakialam sa lyrics nun. Dahil wala pa ko sa mood kanina mag-aral, inintindi ko yung lyrics. Dun ko lang napagtanto na napakalalim pala nung lyrics. Ngayon kakatapos ko lang ulit pakinggan, pinanuod ko ma rin ang official video, lalo ako napaisi na malaki ng pinagbago ng mundo, ng Pillipinas mula noon kumpara ngayon. Ang sarap lang balikan ng nakaraan lalo na kung magandang alaala yung babalikan mo. Habang pinapanuod ko yung video, ang sabi ko kay Ely ang baduy ng porma niya noon. Pero namiss ko talaga yung pagiging jologs nating mga Pilipino noon. Wag ka magkaila. Gusto ko lang ibahagi. Masyado bang malalim ang Tagalog ko. Ayos lang yan, sabi nga ni Ms. Shamsey, di bale ng masabihang 'uy makata’ kesa 'wrong grammar’. Sa susunod na henerasyon namin, sana makaimbento na kayo nng Time Machine, at sana buhay pa ko kapag nakaimbento na kayo. At malugod ko kayong itutour sa year 1990s, 2000. Good Night.