kwentuu

Hays.

Hahahahahha. Potek nayayamot ako sa sarili ko kasi kanina nung uwian namin dumaan kami dun sa mga nag-ii-skateboard kasi baka nandun yung crush ko eh kaso wala kaya mga 3 minutes lang kami nagstay dun sa kinatatayuan namin tapos nung paglingon ko may nakaeye-contact akong lalaki na nagii-skateboard din tas tinignan nya ko, tinignan ko lang din sya, tas bigla syang nagsalita sabi nya “Anong pangalan mo?” pero di ako sumagot kahit may itsura yung lalaki kasi ewan nayayamot sa mga ganun tas nung bumaba nako dumaan kami sa likod nung mga nagii-skateboard tas tinanong uli nung lalaki yung pangalan ko kaso iba yung sinagot ko sabi ko “Wala po si Jorel?” Hahahahaha si Jorel yung kras ko. Potek ewan ko kung bat ayun sinagot ko dun sa lalaki pero nakakayamot kasi sya eh tas sabi nung mga kasama nya “Aw. Si Jorel pala hinahanap eh.” Nung sinabi yun nung ibang kasama  nya naawa ako kay Kuya. Hahahaha. Toyo kasi ako eh. Tas nayayamot din ako sa crush kong isa kasi nagtatanong nang topic saken para makatext ko sya eh jusko nayayamot talaga ko pag nagtatanong nang ganun. Hahahahaha. Okay puro kayamutan ko lang sa buhay ang laman nitong post nato.