kwentotbuhay

Ano kayang feeling na may secret admirer ka?

Yung mag-aanon sayo. Yung feeling na may magmemessage sayo ng random. mangungulit. may pagkaclingy. tapos maiinlove ka na rin

Donya Ina ang peg.

Kachat ko kanina yung anak ko dahil pinapagalitan niya ako, nakabasa kasi ng post ko sa facebook ng hindi gusto ng kanyang mga mata kaya ayun medyo nahurt ang feelings niya pero after niya ako pagalitan ito na andrama sabi niya “Mommy sorry po sa mga pinag gagawa ko sayo at sa mga sinasabi ko sa inyo, plsss wag na po kayong umiyak ako po talaga ang may kasalanan sa inyo ehh mukhang nasaktan kayo sa sinabi ko sa inyo sana wag na kayong malungkot plss mommy sana unawain nyo po ako sorry na po ha bibigyan ko kita ng malaking i love you para hindi kana malungkot I LOVE YOU!!
” Medyo sweet din kasi, “mommy bukas na lang tayo magchat lowbatt na ako eh basta im always said i love you and i miss u.. sige mame bukas na lang po i love you walang katapusang i love you muaa” hahahaha sarap kulitin hindi alam nagdadrama lang ako para hindi na siya magalit toinks. At meron pa helpful din siya ha sabi pa “sige na mame magrerescue pa ako ng mga pet eh, level 55 na ako.”
Hahahaha, masaya lang kasi kahit magkalayo kame andun parin kulitan namin.

TUMBLR ALA-EH MEET UP 12

Am i late? HAHA.
Thank y’all for coming to this event! It was fun, indeed! Co-organizers thank you and congratulations, i hope it will not be the last! HAHAHA! To all amazing racers who really participated on every games and activities, thank you! Enjoy your prizes and treasure TAEMU experience!
"TAEMU will always be TAEMU”

Ano ba ang Born Again Christian? Ang totoo hindi ito isang religion at para sa akin, isa itong pakikipagrelasyon kay Jesus. Yung buhay mo sinusurrender mo na sakanya, may pagkilos ang Lord sa buhay mo. Natural na kilala na natin si Jesus, mentally but not spiritually. Iba yung basta kilala mo lang siya, iba yung basta naniniwala ka lang sakanya, sabi nga ng Pastor namin, dapat FAITH with ACTION, yung may pagkilos ang Lord sa buhay mo at may pagkilos ka sa mga salita niya. Sabi nga nila kung ang religion daw ang makakapagligtas sa mga tao, bakit nagkaroon ng iba’t-ibang religion, iba-ibang paniniwala? Basta para sakin, at the end of the day its not about the Religion, its about your relationship with God.
Masarap ang buhay Kristiyano, yung pakiramdam mo na para kang walang problema sa buhay, yung everything is masasabi mong "ang sarap pala mabuhay" mabuhay sa piling ng Lord. Yung marerealize mo na ang mga bagay na akala mong TAMA, yung mga bagay na akala mo COOL ay mali pala, masama pala at masasabi mo nalang na “Lord, sorry ang dami ko palang naging kasalanan” “Lord, nahihiya ako sa pinag-gagawa ko dati”. Sabi nila, bago pa raw tayo magkasala ay pinapatawad na tayo ng Lord. Ikaw, kahit ang dami mong pagkukulang sakanya, ang Lord, never na nagkulang sayo. Promise, mababago ang buhay mo. Ako nga minsan sabi ko, di ako takot mamatay, kahit kunin na ako, okay lang dahil im secured. Alam ko kung saan ako papunta, alam ko yung mga plano ng Lord.
Maraming interpretasyon na kapag Born Again o kaya naman Kristiyano ay “perfect” hindi po. Sa sampong tama na nagawa mo, sigurado akong hindi nila yon nakikita pero sa isang pagkakamali mo lang, pansin na pansin ka, andun yung puna, yung sampong tamang bagay sayo ay nabubura ng isang pagkakamali. Sabi pa ng iba, weird daw ang mga Christiano pero hindi po. Sa mata ng Lord, never naging weird yung pagpraise, pagworship, pagluhod at pag-iyak sakanya na natural lang na nararanasan at nararamdaman. Ikaw, sa ngayon nasan ang Lord sa buhay mo? Ano na yung mga bagay na nagawa mo para sakanya? —-
Ako, bilang isa sa anak niya isa akong masuwerte na nakakilala agad sa Lord, yung mas napalapit ako sa kanya, yung hindi ako nahihiyang pumalakpak, tumalon, kumanta at sumayaw para sakanya. Kung noon, sisimba lang ako dahil gusto ko makasama yung mga kaibigan ko, kung noon, maaalala ko lang ang Lord kapag may problema ngayon, masasabi kong hindi pala dapat ganon. At dahil dito, gusto ko pang mag’spread ng salita niya, maranasan pa nung iba yung SALVATION at i’share yung saya ng nararanasan ko, itong tumblr account ko na supposedly dapat deactivate na pero dahil isa itong medium na pwede kong magamit sa pagshare ng Word of God, eto standing still at nakakapagkwento ako about Him, nakakapagtestify ako. Ayun lang at sa Lord lang ang mataas na papuri at pasasalamat.

Online Check ✔️

Goodevening. Tired and sleepy af. Ugh. I cant think of any post here, bcos im really not in the mood. Bloggers havent been as active lately and its so sad. Haha! Hi! Pa’backread? =))

Andito na ako sa point na gusto na kita, actually di ko alam kung kailan ko pa ba to naramdaman pero sure ako nung magkausap tayo kahapon, alam ko gusto na kita. Mahirap yung sitwasyon kasi baka kaya mo lang ako nagugustuhan kasi gusto mo makalimot sa ex mo. Hindi ko alam, di ko alam pero kung ano man to hindi mo na kailangan malaman. Ayoko sirain kung ano mang meron tayo ngayon. Ayoko ng pressure, ayoko mailang sayo. Please.