kwentongkalye

Ang napapala ng di makapaghintay

So ayun sumakay ako ng jeep na pa Baclaran Tambo tas ang balak ko talaga sasakay ako ng fx sa kabihasnan. Ay jusme nung nasa Kabihasnan na ko e nakakatakot ako nlng pasahero syempre bumaba na ko. Haha. Tas mejo madilim pa nun nung nasa Kabihasnan ako. Tae nakakatakot oki haha. Tas wala pa kong masakyan na UV. Sobrang konti lang tas mga pa Quiapo lang tas punuan nmn pag pa Lawton. Kya wala rin sumakay n dn ako ng Baclaran Coastal tas nag lrt ako kasi yako maghintay at makipag agawan ng UV sa Coastal or Lydias.

Tas grabe toool! Nung nsa lrt ako e sobrang haba ng pila kasi isa lang yung teller! Tas 20 na pa UN tas ang ikinagulat at kinainit talaga ng ulo ko e 150 na yung stored value!!!! Sino bang di mababadtrip nun?! Kya di na ko bumili ng Stored value. Sayang :3 pag iisipan ko pa. Ge.

Ayan ang napapala ng di makapaghintay :3 Sana pala naghintay nalang ako ng jeep na pa Baclaran Coastal kasi sobrang tagal atleast mas mura at di hassle. Hays. Patience is the key! Hays hays.

Usapang Salawahan 101

Kanina, habang pauwi habang hinihintay kong makasakay yung officemate ko. May narinig kaming sumisigaw na babae. Sinisigawan niya yung lalaking kadadating lang. Pinagmumua niya sobrang lakas ng boses niya sinasabi niyang may kabit yung lalaki. Naaawa ako dun sa lalaki, siguro nga nagkamali siya pero pwedi nilang pagusapan yun na sakanilang dalawa nalang yun. Diba? Hindi magandang madaming nakikisawsaw sa problema dahil lalong lumalala.

Nasagasaan

Habang nasa paDon Galo na yung jeep na sinasakyan ko e may nadaanan na batang umiiyak na karga karga nung driver ng tricycle tas dun sa lapag e may dugo tsaka pares ng tsinelas. Sinakay nya yung bata sa tricycle nya tas kinaripas n nya yung andar. Bago sya umandar nun e ang sabi nya “E kasi e. Biglang tumakbo yung bata”.

Nakakaawa yung ngawa nung bata. Mga nasa 10 yrs old n sguro yun o 12. Tas dmn mas nkakapanghina yung mkakita ka ng dugo dun sa kalsada. Eff. Grabe. Sana maayos na yung lagsy nung bata :3