kwentongjeep

PARA DUN SA MAGSYOTA SA JEEP

Dun sa magsyota s jeep, grabe naman kayo magexpress ng love sa isa’t isa, kulang na lang maglagay na ng kama. Anong kaartehan at nagsisiksikan kayo jan sa dulo, may kandungan epek pang nalalaman eh tatlo lang naman tayong pasahero . HOY SA BAHAY NIYO NA ITULOY YAN! ISABAY NIYO SA PUTUKAN ! Ayos lang naman sana kahit magchukchakan kayo jan eh, lakompake..IABOT NIYO LANG YUNG BAYAD KO ! KANINA PA KO NASIGAW NG “BAYAD PO, BAYAAAAD POOOO!!!” . Pareho pa naman kayong lalaki -.-

JGH

Biyaheng Langit dre! Sinasampal ako ng hangin sa bilis ng pagpapatakbo ni manong driver :3 Sarap din niyang sampalin ng jeep, muntik na kaming tumalsik aba -_-
Ge. Goodnight guys :)

Laftrip kanina may pumara sa jeep na sinasakyan ko. LALAKE siya. Una mong mapapansin sa kanya yung balbas niyang color brown pero yung buhok niya itim na itim.

Pag-akyat niya sa jeep biglang humangin.. AMOY KIWI.

Naisip ko tuloy bigla.

*ANO? GINAWANG WAX YUNG KIWI?* HAHAHAHAHAHA! HE MADE MY DAY! =)))))

Kwentong Jeep: "Pamasahe"

Susmaryosep! First time kong manigaw sa co-pasahero ko sa loob ng jeep :|

Eh pano ba naman kasi kanina, may lalaking nag paabot ng bayad niya, walang umaabot, so ako naman ehh naaawa na kay kuya. Kinuha ko ung bayad niya, I stretched my arms na ibig sabihin ay makikisuyo ng bayad. mga 5 seconds siguro ay wala padin kumukuha nung bayad kahit punong puno ng tao ung jeep.

So humirit pa ko ng, “Makikisuyolang po.” 

…..

Deadma. Pokingina. Nainis*

Sumigaw ako. “Makikiabot lang po nung bayad!” Napatingin ung iba, sabi nung kasabay kong friend ko. “Taray ahh.” ako naman ngiti lang. Tas nung may umabot na. Nilakasan ko ung boses ko tas, “Salamat po!!” tapos tingin sila..

HAY NAKO LANG KASI. Pag kayo nag-papaabot ng pamasahe niyo ang bait ninyo, pag may nagpapaabot ng pamasahe sa inyo deadma kayo. Grabe lang, :| Kainit ng ulo

First time kong tumawa sa jeep kanina, nang ako lang mag-isa :))

Kanina kasi sa jeep na pa-Cubao, tumigil sa SM Sta. Mesa para magbaba at magsakay ng pasahero. Eh diba uso sa Manila yung mga bagets na namamalimos na umaakyat sa mga jeep. Meron isang bata don na biglang kumanta ng..

Tuwing sasapit ang bagyo.. (umuulan kasi) ..lumalabas mga KALBO! (kalbo yung driver) ♪♫

I was like..

tapos biglang may pumasok na bata. Eh malakas yung soundtrip ni Manong Kundoktor. Edi etong si bagets eh NAGSASAYAW para mapalimusan. Nabigla kaming lahat. Di ko na napigilan :))))))

Put your head on my shoulder ♪♫

Pareparehas talaga scenario sa loob ng jeep pag gabi na no? Mostly, makikita mo yung mga taong tinatawag na ng kama. AS IN INAANTOK HA.

Kanina kasi, may katabi akong manong na super duper antok na. Napapalean na yung ulo niya sa balikat ko. Akala ko nung una nararamdaman na niya na nalalaglag na pala yung ulo niya. Hanggang sa antagal na di padin siya nahihimasmasan. Alangan naman sikuhin ko mukha niya para magising siya. Sakto eh mejo napadaan sa humps yung jeep. AYON! Sa wakas nagising din!

KANINA SA JEEP.

May isang student ng PUP na mejo katapat ko. She was looking outside at parang tulala. Bigla biglang tumulo yung luha niya habang hawak-hawak ng boyfriend niya yung kamay niya, and her bf keeps on whispering something to her.

Tama kaya hinala ko? Kawawa naman si ate. :(

Kanina sa jeep~

May katabi akong girl, HS student, she’s smoking. Yung amoy niya, parang yung perfume ng /HERBENCH na pinausukan. Grabe. Sakit sa ilong. Tapos nagbayad siya ng fare..

ATE: *cough* *cough* Bayad po manong, *cough* *cough* Kasiglahan lang.

I was like, grabe ka ate, kabata mo pa tila may terminal lung cancer kana? Tas mag yoyosi kapa kahit inuubo ubo kana?

Kabataan nowadays. Feeling siguro nila cool ang nag yoyosi. And girls, ang sagwa tignan, masama pa sa katawan. :(

Kwentong Jeep: "Jollibee :))"

Palabas na kami ng UPD. Sumakay kami ng Jollibee/PHILCOA na jeep.

Pasahero: Manong, Jollibee po ba ‘to?

Kuya Carl*Bumulong* Ay hinde kuya. Jeep po. :)

I was like…. 

 

Tangena! Ayusin mo tanong mo kuya :)) Buti tahimik ung mga UP students na kasakay namin :D

Kwentong Jeep: "Piso"

Kanina habang pauwi ako. May nagbayad ng pamasahe niya.

Pasahero1: Kasiglahan po! *Nag bayad ng 20*

Pasahero2: Bayad po! Robinson’s lang (Montalban Town Center). *She paid 7pesos ata? Minimum*

Kunduktor: Piso pa po. Otso na minimum.

Pasahero2: Ano? Eh kakaimplement palang naman kanina ahh. Bakit atat na atat kayo magtaas ng pamasahe?! *Nakakunot-noo na siya*

Pasahero1: Onga manong! Kakabalita lang eh!

Pasahero2: Wala pa nga kayong FARE GUIDE ehh!

Kunduktor: *explain explain. blah-blah..*

Pasahero2: Aysos! Grabe naman kayo! *Pero nag abot parin siya ng pisong kulang niya*

Pasahero1: Ay nako! Akin nalang ung sukli ko, magkakalimutan pa tayo niyan ehh.

-Nagngingitian na yung ibang pasahero

Ako naman, sa isip isip ko. *WTH O_o Warfreaks. Para piso lang. HAHAHA*