kumquaats

Ma kwento ko lang ha

Akala ko matatapos tong araw ko ng hindi maganda. Badtrip ako kaya di ko muna tinext si Ken kasi baka matarayan ko lang sya kahit flood na ko ng text nya. Kaya natulog muna ko pagtapos maglaba. Paggising ko, tumawag siya. Sabi nya nandito na sya sa Dasma, pupuntahan nya daw sana ako kaso di daw ako nagrereply. Ughhh malay ko ba kala ko nasa Imus pa e. Napakagaga nun, usapan namin bukas pa sya uuwi. Pero okay lang kase sobrang namimiss ko na din sya.

Nag-aya siya lumabas kasama tropa, tapos tapos, nanood kami ng basketball nila. Di pala ko nanood nagkwentuhan lang kami ni Tipang, nabobored kasi ako sa ganun e. Pagtapos nila, nagulat ako nung niyakap nya ko ng mahigpiiiiiiit. Yuck pawis pa nga. Pero okay lang kasi namiss ko din yung bading na yon.

Tapos nung pauwi na kami nakita namin yung pinsan ko (Frej) bumibili ng isaw may bike. Hiniram ko muna. Pagkaikot ko isa nakasalubong ko si Ken (langya sabi ko ibili ako Pop). Ayun inangkas ko sya tas nagstroll mg onti. Parang movies lang, kaso parang baligtad -___- Tawa lang kami ng tawa. Kasi ba naman nanginginig ako, ang likot pa nya tapos bawat humps masakit daw yung ano nya. Charot.

Bago umuwi dumaan kami kila Frej. Tambay, kwentuhan, gitara. Tapos hinatid nya na ko pauwi.

Happy kid here :) Salamat sa mga Trops!