koreanovela

Tip sa ibang Boys.

Minsan ok din manuod ng mga Telenovela, o Koreanovela.

Syempre alam mo naman kasi na paborito ng babae yan diba? Pwedeng pagumpisahan ng magandang kwento yan, kung wala ka naman masyadong ginagawa at nanunuod ka na lang rin ng TV at may trip kang kausapin na babae na mahilig sa mga ganyang palabas, aba pagkakataon mo na!

Minsan kasi kapag mahilig ka sa mga palabas sa TV o sa intsik na palabas mas madali kang makakarelate sa kwentuhan ng babae, totoo nga bang ang tunay na lalake eh nanunuod ng koreanovela? Dahil minsan ang lalake eh gusto rin kiligin? Umpisahan mo daw manuod ng mga gumiho na yan, o kaya ng mga crazy crazy love na yan.

Tignan mo, isang araw lagi mo na siyang kasama, at natutuwa siyang makipagkwentuhan tungkol sa latest episode sa Koreanovela/Telenovela na gusto niya.

Minsan naisip ko, ung tao bang destiny sakin nakasalubong ko na? Nakatabi ko na sa jeep? Nakasabay ko na bumili sa isang Milk Tea Shop? Nahagip na din ba sya ng camera sa likod ko habang tinitignan ko ung taong gusto ko? Nandun ba sya sa tabi ko nung panahong kinikilig ako sa mga text ng taong gusto ko? 

Sabi nila may mga taong nakalaan para satin. Pero sana lang talaga, hindi na mag effort si Lord na ipakilala sakin ung taong gusto nya para sakin. Sana ung taong gusto ko nalang ung destiny ko talaga.