August 4 - 5, 2011

UPPER LEFT PHOTO:

Friday nun. Ang plano talaga namin kakain kami ng unlimited cake sa TCB.

12 ang usapan. 12 ng tanghali aalis na, tutal hanggang 12 lang naman klase namin nun. Kaso 1:30 na ata kami nakaalis kasi ang tagal dumating ni Kilop. :))

Ang sarap lang ng unlimited cake, unlimited coffee pa. wooo. haha

kaso naka tatlong slice ako. yung totoo ambigat sa tyan haha. Pero okay naman sha.

May mga kasma pa kaming famous. amp ano be yeeeeen :”> hahaha.

UPPER RIGHT PHOTO:

After namin kumain. Direcho kami ng Ayala triangle.May night photography kami nila Raphie at Denise, PLate sa photog. Sila Vin, Roi at Dhalaine pupunta dapat exhibit kaso ewan ko anyare. haha, Yun. Medyo late na nga kami natapos. 

LOWER LEFT PHOTO: 

Nag kayayaan mag overnight kanila Raphie, wala naman mama nya saka delikado na kung uuwi pa kami mag isa kaya yun overnight. sa Laguna lang naman kami mag oovernight eh hahaha. Ayon. Nagka yayaan pa uminom kaso di din natuloy. Medyo di kami ready. Paunahang ma low batt. Ang bango lang namin :)) 

Eto pa pala : Mga 3:30 nagising ako, di ako makatulog! =)) Di ko alam kung bakit. Pagulong gulong nako. sinilip ko na yung bintana, tinitigan ko na matulog mga kaibigan ko, di padin ako makatulog kaya ang ginawa ko nanggising ako. Ang layo ni Denise kaya yung katabi ko nalang ginulo ko. pinindot pindot ko muka nya, kiniliti sa likod at kinausap ng kinausap. Sabi ko “Huyyy di ako makatuloggggg. Huy huy huy” Sabi niya “pakelam kooo. wag ka maingayyy” Tapos tatawa ako hahaha.

Pero nakatulog din ako. sa wakas. :))

Nung umaga na. Okay na. Ligo na kami, kung ano damit namin nung gabi yun ulit pag balik sa Manila. Ako, Vin at Denise nalang.

LOWER RIGHT PHOTO:

Nung papunta na kami sa exhibit kami nalang ni Vin pero inantay namin si Dhalaine sa Cash tapos yun na kaming tatlo pumunta ng Exhibit nila sir Rai. Yung 3x3x3 hngggg~ Ang awesome lang eh hahah. Tapos yun naaa. after nun umuwi na kami :)  

— Medyo lutang padin ako ngayon haha.

U G O K S ~

Di pa nag papasukan sa Mapua sila na kasama ko. 

Oo nabawasan din kami. mga 5? =))

Ehhh wala eh nag kanda leche leche ugali nung iba kaya ayun. =))

Masaya. AS IN MASAYA ako pag kasama ko sila :) 

SUPERB haha. Walang araw na hindi kami tumatawa, Minsan medyo nag kakainisan. Pero di din nag tatagal.

Grabe iba, ang saya talaga. 

Kala mo ride eh :)) Deh kasi nga seryoso na ako.

Pag may problema ako, anjan sila

Pag nabobroken ako haha, anjan sila

Pag gutom ako, lalong anjan sila

Lagi silang anjan. Di sila umaalis jan. loljk~

Lagi nila ako sinusuportahan sa kahit anong bagay, di din sila natatakot na sabihin saking nag kakamali na ako sa ibang bagay. 

:) Iba ang UGOKS eh :”>

Lalo na pag nanlalait kami? haha. Wala ang saya. 

minsan 3 na ng umaga gising pa kami, ay yung totoo. Nanlalait lang ginagawa namin haha.

Bastaaa. Eto muna masusulat ko, nagugutom nako eh :”> 

UGOKS. MAHAL KO KAYO AH :”> K. Corny. Inooom~ =))

Hi :”> Nakuha ko na Cardinal notes ko hihi :”> Kala ko hindi ako makakakuha. HOHO.

Salamat kay Vin at Dha, na pumila habang nasa klase kami ni Denise :D

Pinagtripan pako. haha chura ko, nalungkot ako eh. Kala ko di talaga sila nakakuha :l

Pero shempre. OZM kami. haha. nakakuha kami :”>

Honggondo longs~

<3

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video