klyne

youtube

Klyne — Paralyzed

Page 143 of 365

May 23, 2015

Nakakatuwa kasi 7:30am palang magkasama na kami ni Bebe ^_^ kasi may Pagdadalaw sa San Juan. So ayun, sabay kami na nagpunta sa Lokal ng San Juan, kasabay rin namin si Jj.

Pagdating namin sa San Juan, grabe. Late na kami. Hahaha 8:30am naman kasi talaga ang start ng Pagdadalaw pero dumating kami 8:45am na. :D nakakahiya kasi ang dami na nila dun. Pero buti nalang talaga naabutan pa namin sila. 9am na kami nakapagstart magdalaw. Nakakatuwa at masaya rin kasi nakadalaw kami sa ibang Lokal at maraming bagong mukha, may mga bago kaming nakilala. Mababait naman sila. Tapos maraming bata rin kaming nadalaw :) yung unang bata na dinalaw namin, sila Louise, Hannah and Klyne, ang cute cute nila :))) bibo rin hahaha Natapos kaming magdalaw 10:45am na. Pero nakauwi kami, 12:30pm na.

Lunch time. Kumain kami ni bebe sa bahay. Tapos kwentuhan to the max na naman. Hndi na naman namin namalayan ang oras. Bakit naman kasi ang bilis bilis ng oras? :D

Around 4pm, pinapauwi ko na siya kaya lang may pinagtalunan na naman kami… ay mali pala, hindi pala pinagtalunan, nagkaroon lang kami ng misunderstanding. Ayun. Sabi nya kasi ako raw nagsave sa phone nya ng mga pictures dun na kung ano ano at pictures ng mga classmates nya. Sabi nya pa, inopen ko raw yung fb nya, eh hndi ko naman inopen yun. Hindi ko rin naman kinonnect sa wifi yung phone nya at mas lalong hndi ako ang nagsave ng mga pictures dun. tapos ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko. sabi pa nya, umamin na raw ako. Eh wala naman akong aaminin dahil wala akong ginagawa. Basta pagkakuha ko sa phone nya, nakita ko na yung mga pictures dun. Naka-save na yun dun kaya wala akong kinalaman sa pagkaka-save ng mga yun. Ang kulit nya talaga. Ayaw niyang maniwala sakin tapos nabadtrip pa siya. Inis na inis na siya nun. Ayaw ko pa raw kasing umamin. Eh inis na inis na rin ako nun. Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawa kaya wala akong dapat aminin tapos pinipilit nya sakin na ako gumawa nun. Kaya pinapauwi ko na siya nun kasi naiinis na ko. tapos sabi nya ako pa raw may ganang magalit, ako na nga raw may kasalanan. Ayun. Di na ko nagsasalita. Siya naman tinitignan nya yung phone nya. Sinosolve nya pa yung mystery behind those pictures na na-save sa phone nya. Ayun, tapos nadiscover nya na masa-save daw pala talaga yung mga pictures na nasa messenger nya. Pag yung friend nya, may fb messenger apps din, tpos nag send ng picture sa kanya, automatic masa-save daw pala yun. Tapos pinipilit nya pa na ako may gawa nun, ayaw nya pang maniwala sakin. So ayun. Okay na. Pero tahimik na kami nun. Tapos bigla kong sinabi na umuwi na siya, umalis na sya. Then every time na sasabihin kong umalis na siya, babanggitin nya yung name ko. Nung pangatlong tawag nya sakin, lumapit na siya, tapos itutulak ko pa nga dapat siya nun eh. Kaya lang, nag-explode na ko. Umiyak ako in front of him for the first time. Hahaha grabe. unexpected yun na maiiyak ako in front of him though naiiyak naman na talaga ako. Ang sakit naman kasi talaga, hndi siya naniniwala sakin. Anyway, nagsorry naman siya sakin. Many times. Tapos ayun, naging okay din naman kami bago siya umuwi. :)

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na umiyak ako sa harap nya. Actually, ayaw na ayaw kong umiiyak in front of other people. Pag ganun kasi parang pinapakita ko sa kanila yung weakness ko at feeling ko talaga ang weak ko. Kaya nagpromise ako dati na hinding hindi ako iiyak sa harap ng ibang tao. At ma-pride talaga ako kaya ganun. But this time, I break the promise I’ve made. Haha. Pero ayos lang. Kasi may na-realized ako :) ang sarap pala sa feeling na umiyak sa isang tao, at alam mo na yung taong yun eh sobra sobra ang pagca-care sayo. Nakakagaan talaga nang pakiramdam. It really makes you feel better ^_^ kasi nawala lahat ng inis at galit ko. After nun parang wala na kong paki dun sa nangyari. Basta alam ko nagsorry na siya, okay na. ^_^