kaymimarshto

Anchored away.

Reckless masyado. May nagbigay ng letter sa’kin. Tapos dahil dun may naalala ako. Just a couple of years ago, someone is consistently giving me a letter. Kaso wala na sya. Hahaha. Tapos yung letter nyang binigay, itinago ko. Nasa Bank of Makati pa na pouch yun. Kulay blue. May nakalagay na maliit na teddy bear na nasa loob ng basket. May doodle. May bookmark. May rose. Ingat na ingat pa din ako dun. Pero yung binigay ko sa kanya, notebook, doodle, letter, ayun, sinunog ng koya mo. Lumipas din ng 1 year before kong nalaman. 

Hindi ako after sa memories gaano, after ako sa effort na for the span of 3 years nagpupuyat ako para sa bagay na sinunog. Aba. Na-cremate ang paghihirap ko dun ah. Pero if that’s his way of exhaling the memoirs, edi meow.

Balik realidad. Marino yung nagbigay ng letter. May drawing ng uod na may braces. Baliw din  eno?! -____-” Nung binabasa ko tawa ako ng tawa. Uso pa pala ‘to lalo sa tipo ng situation nya, nagawa nya pa yun.

Appreciated. But that doesn’t mean na equal na kami ng nararamdaman. Hahaha. Natuwa lang ako.  Kasi mahilig ako sa mga letters. Never gets old, man.

Perlocutionaryfied.

San na kaya sila Japs. Miss ko na sila. Kaso parang di naman nila ako miss. Haha. Bayaan ko na lang. Braces lang yan, ina-adjust. Sa part ko, dapat ako yung mag-adjust. Makita man nila tong post na ‘to. Aba’y bahala na. Basta nasabi ko na. Wala na rin akong balak sabihin ‘to ng direkta sa mga yun. Nakakahurt, pero kasi unaware naman sila dun kaya keri lang. Happy na ‘ko for them kasi mukhang ayos lang naman sila. Gusto ko lang naman mangamusta kaso di ko magawa. Busy yata yung mga yun. Bahala na. Sabaw nanaman utak ko. Di ako makapag-focus sa acads ko dahil sa feels na ‘to. Bye. 

4

"Aasa na lang. Kahit sa pangarap lang." 

-

Kiddin’. Crush ko lang. You know me. I seldom post some things abt crush. More on past/friends/college life. Haha. But this very day…na sobrang nakaka-asdfghjkl. Sa mga may kilala dito, parang awa, wag na sabihin, okehhh? Masaya lang talaga ako. Ang hirap talaga magpigil ng kilig feels pag babae ka e. And posting this on my Tumblr account, where rare peops know me, is the least possible thing na pwede ko pang i-ninja moves pagkakilig ko. So much butterflies. May garden na ng paru-paro sa sikmura ko anoberrr. :”>

One... Two... Three... Four... 727657638956 things are for sure:
  • Miss ko na High School friends ko
  • Kung ano trip nila, mas gusto ko yun kaysa sa ngayon, IYKWIM
  • Sila ang definition ng TRUE AND GENUINE HAPPINESS (somehow…)
  • Nagiging totoo ako kapag kasama ko sila
  • Walang plastikan, proven fact. Sa amin ganun, ewan sa iba. Basta totoo yan.
  • SOLID!
  • Kahit ulit-ulit lang mga trip, di nakakasawa. :)
  • Marami pang iba….

-

Maumay ka na sa kwento ko about sa SiJu, sa Katarungan, M4 at lahat ng HS friends ko. Pero yun yung pinaparealize sa akin ng college life ko, AS OF NOW.  Of course ishshare ko kung anong meron ngayon. Publicized diary, mga ganon? Kasama ko si Bispwin at Frvr kanina. Si Ekca. Ayun, ngayon lang ulit nagkabonding. Nagshare ako about sa naffeel ko ngayong college, only to find out, yun din nararamdaman nya. Ewan, part ba talaga ‘to ng college? Or over-reacting lang talaga ako? Anuman yun, eto lang sigurado ko, namiss ko highschool kasi ibang iba talaga sa kolehiyo. Wish ko lang di nila ‘to mabasa. HAHA. But whtvr. Tapos after nun pag-uwi ko, di ko na napigilan. Nag-open up ako kay mommy at daddy. Eto nanaman. Parents. Advices.”Kailangan mo ng support group sa college anak. Di pwedeng napapako ka sa Highschool friends mo.” Ugh, K. Alam ko yun. Kaso please naman, sa’n sa mundo ko mahahanap yan? May point sila. Pero nahihirapan ako i-open yung buong takbo ng life ko sa school. Crap. Ayoko ng ganito. I still have about 3 more years, at ayokong maging ganito ka-drama yung upcoming years ko. Di ‘to maiiwasan. Push lang ng push hangga’t kaya pa.

2,701st. [Breathing the air of sentimentality from the past]

Bilang ng post ko sa Tumblr. Wala akong ma-title. Paano ko nga ba sisimulan? Sobrang daming nangyari sa’kin ngayong linggo. Sobrang nakakawalang gana nung Monday pumasok. Tahimik lang ako, pero bilang supremo ng section namin, hala sige, daldal nanaman ako. Nairaos ko yung linggo ng hindi umiiyak sa harapan ng classmates ko. Kahit anong sakit na nafeel ko, naovercome ko naman. Nakakatuwa, kasi yung karamihan sa kanila dinadamayan ako. Napaka-supportive. Alam nilang pagkain ang sagot sa problema ko hahaha. So ayun na nga, painful pero okay na ko. In fact nagawa ko pang mag-Emcee sa programm namin nung Wednesday. Di talaga ako makatanggi. Sabi ko sa sarili ko lie low muna ko sa mga gawain pero di ka talaga tatantanan ng responsibilities.Pero simula din nun medyo ayos na’ko.

Hanggang sa nakapunta ulit ako sa Roces. SAC Show. Amaziiing. Nagkaroon ako ng chance para makita ulit batchmates ko. Lalo na si Kim. Pinaka-namiss ko sa lahat. Like, ang clingy namin sa isa’t isa. Hahaha. Deym. Di na nagkita ulit yung M4 after ng highschool. Hindi na kami nabuo. So inabot kami ng gabi kakalibot sa kung saan saan. Tapos kasama ko yung dalawa kong bodyguard este bespren. Sarap maging highschool. Ulit. Hindi ako nammroblema ng ganito. Ang sarap balikan yung time na deadkid ako. Low profile. Hindi nakikisali sa kung anu-anong affiliated sa school. Onti lang nakakakilala. Tapos nagpapantinero lang kami hanggang sa mag-amoy batang kalye kaming lahat.

Immature. Inosente.

Nakakamiss.

Darn college.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpopost nito. Kahit alam kong sa oras na may kakilala ako at nabasa niya ‘to, sari saring pang aasar at marahil kritisismo na rin.

At, hindi ko rin alam bakit naging crush ko yan.

Siguro dahil sa GC siya. At sapiosexual akong tipo ng babae.

Na-attract sa kung paano sya magstrive hard sa acads. 

O baka naman dahil sa talent mo.

Hindi ko pa man naririnig, pero alam kong totoo yung sinasabi nila.

Magaling ka kumanta.

Tama, ako maggigitara. Pero joke yun.

Teka, hindi kaya dahil sa ngiti mo?

Yung kaunti na lang, nakatawa na? Kaya nagmumuka lang syang candid shot. Candid pero nakatingin ka.

Or dahil sa mata mong nawawala pag nagppose para sa picture.

Or dahil sa bonnet na suot mo, or sa eyeglass mo.

Or dahil sobrang hilig mo ding magbasa.

Pero siguro baka naman sa polo na suot mo nung G.A? Denim.

Lahat napapansin ko. Lahat nakikita ko.

Wala naman sigurong masama dun. Inspiration ko sya. Wala sa mga naitala’t nasambit na kadahilanan ang tunay na rason kung bakit sya naging inspirasyon ko. Hindi ako gc, inspired lang. Hindi ako kinikilig, dahil muli, inspired lang ako. 

Postscriptum.: Dito ko nilagay. Kasi ang corny kung ipopost ko ‘to sa publicized online DIARY ng Inang Pamantasan. At kung kilala mo sya, pwede bang ilipat mo na sa recycle bin lahat ng nabasa mo? Haha. Wag maingay. :>

Ang ikatlong pagkikita ng langit at ulap...

Espana, Hulyo 22, bandang 6:30 ng umaga.

Masikip sa loob ng jeep…

Mainit…

Nilamon ng polusyon ang sana’y malinis na hangin…

Matagal akong naghihintay upang makarating sa pamantasan. Anong oras na rin yun. Para akong nakikipagkarera pero hindi nakasalalay sa sistema ko ang pagkapanalo. Sa sobrang tagal di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa dyip. Paggising ko, iilan na lang kaming nakasakay. Nasa Morayta na rin pala ako. Pasimpleng nagpungas. Pinunasan ang mata. Tingin sa relo, pero wari’y hindi ako nagmamadali…

At ayan na nga…

Nakita ko siya. Pangatlong pagkakataon. Hindi ko maintindihan bakit pagdilat ko siya agad agad ang nakita ko. Sa tapat ko pa talaga. Ang hindi ko din maintidihan, ay bakit walang pasaherong nakaupo sa tapat ko, kaya maliwanag na ikaw ang nasilayan ko. Mistulan na mga sardinas na nagsisiksikan sa magkabilang dulo ng dyip. At sa lugar pa na maraming tao, kung saan ga-daliri ang tsansa na makakita ako ng kakilala ko, dun pa kita makikita. 

Nagising akong tuluyan. Gusto sana kita tawagin kaso kinabahan ako bigla. Di ko alam pero nakatitig lang ako sa kawalan. Pangatlong beses nang nangyari to. Iba’t ibang lugar ngunit iisang tao. Gusto kong lunukin ang palagi kong sinasabi na “Lahat ng pangyayari ay may kadahilanan” 

Wala lang ‘to…

Hindi pwede…

Haring tadhana, anong nais mong ipahiwatig sa akin? xx

8

Bagong pamilya. Unti unti, pinapakilala na sila sa akin. Masaya na’ko. Sobra. Isa na sila sa pinaghuhugutan ko ng kadahilanan para makangiti. Sana. SANA. Wala nang aalis pa sa amin. mahirap man pero dapat sabay sabay kami sa finish line. Hi II-6 AB/BSE Literature (English Stream) xx

Totoo ba ‘to? Sinampal ko sarili ko sa inis. Ayoko na kasi umiyak pero bakit yung mata ko nagkukusang magburst out. Okay, nalate ako sa church. Di ako nakatugtog dahil doon, nasigawan nanaman ng parents. Yea, what’s new? Kung may consistency man sa loob ng bahay, yun eh yung palagi nila akong pinapagalitan. Lastly, talo sa election. Although expected ko naman to, ang plastic ko kung sasabihin kong wholehearted ang pagtanggap ko. Masakit, pero He has His plans.

Patuloy ang buhay. YOLO week muna. I must unwind and save myself away from trashy things life has to offer me.

Stand firm.

Hindi ko alam kung paano’t napa-OO ako sa isang hamon na susubok sa katibayan ng loob ko. Maliit na bagay kung tutuusin ngunit sa mata ko, sarili ko ang nakataya. Hindi ko kayang tumayo sa harapan at magseryoso. Sa tingin ko, kapag nagawa ko yun eh tinalikuran ko na kung sino ako. Hindi ako magpapa-kitang gilas. Magiging sino ako, kung sino ako sa mata ng nakararami. Desisyon ko naman yun, pangangatawanan ko. At kung anumang maging kinalabasan ay tatanggapin ko. Unang beses pa lamang ng pagsabak ko sa isang bagay na di ko pa nasubukan, pero ibibigay ko na lahat —-lahat ng makakaya ko.

Glory’s not mine. anyway.

NATulog. Ö

Eh National Achievement Test daw. Akalain mong mas mahirap pa mag-ninja moves sa Mock Nat, TQC Pre/Post Tests at RAT kesa sa actual NAT? Bait ng proctors eh. >:)) No wonder bakit nagrarank 2 school namin. LolJk. Pero mahirap din pala.

So eto na, tapos na yung NAT, start na ng Graduation Practice tomorrow. Ewan ko ba. Parang gusto ko na grumaduate. Nakakaexcite kasi magcollege though alam kong mahirap siya. Ang sarap na papasok ka ng school ng freshmen ulit. Balik sa dati. Walang nakakakilala sa’yo kundi kaklase mo lang din. Mahirap din yung madaming may kilala sa’yo e. Nagiging judgemental yung mga tao. Tulad ngayon. Psh.

This feels like falling inlove. No. ASLEEP. FALLING ASLEEP.

/03/19/14/ ulit. Dahil massive boredom ang dulot pag nagpaparagraph form ako. Try ko namang ibullet form. Haha.

  • Maaga pumasok(though walang pasok, pero dahil sa p.e., ayun) para mag-ayos ng sayaw at ng props.
  • Nag-SM saglit, para mag-ice cream naman dahil ayoko ng milktea ngayon(BAGO ‘TO HAHAHA)
  • Umuwi agad, nagtext si mommy eh. Pagsakay ko ng Fx payapa naman. kaso lang ang epic. Nakakahiya. Napa-deep sleep momentum ako sa balikat nung kuya. HAHAHAHA. Pero pogi naman kaya okay lang. JOKE NAKAKAHIYA TALAGA. Dahil dun ayoko na ulit matulog sa byahe.
  • Pero pagsakay ko sa jeep, NAKATULOG nanaman ako dipungal. -___- Haha. Sakto nagising ako sa tapat ng bababaan ko
  • Pag-uwi diretcho kama, splaaaaaak. TULOG ang ate mo.
  • Paggising ko niyaya ni mudra magZark’s kasama si dad and si kapatid. Halos masuka na ‘ko. HAHAHA. Umay overload

——————————————————————————————————

Good vibes lvl x999999999. Thankyou Lord. Awezuuum day is awezum.

Kahapon.~

Ako: *nagkkwento ng mga nangyari sa church practice*

Mommy: Anak, teka.

Ako: Yes, bakit?

M: May kaaway ka ba? Or my galit or naiinis ba sayo? Sa school or outside?

A: Huh? Wala naman.

M: Yung nagbigay sayo ng …… friends pa ba kayo nun?

A: Opo naman„ nagkakausap pa kami.

M: Ah. Ikaw kasi papalit-palit ka ng friends e.

-

Last statement. Big word. A stab in the gut, maybe. Hahaha. Natawa ako e. Kung anu ano iniisp ni mommy. But that made me realize something. Partly, she’s right. Baka nga naman may nagtatampo sa akin tapos unaware ako. Teka, hindi naman ako papalit-palit ng friends. Hindi lang talaga ako yung taong nagsstay sa isang grupo. Neutral as ever. Kaya sorry na. Hahaha. Di ko alam kung paano kong tatanungin isa isa tong mga kaibigan ko e. I’m A mess. Woah. Maisingit lang ang kanta ni Sheeran eno?!

PS: hi primary Tumblr account. Namiss kita. Masyado akong napatambay dun sa private one.

5

2nd Sem/2nd year/2nd encounter/Make it or Break it/

Unang una ‘kong ikinatuwa e yung aircon pa din lahat ng room. Simple joy, mga ganun. Maganda pasok ng 2nd sem ko. Secretary pa din kaya babagyo nanaman ng attendance sheet at samu’t saring seat plans. Choice ko naman ‘to, panindigan. Nakakamiss yung mga kaklase kong nile-label ako bilang ‘supremo’. Career na career na talaga namin. Haha. Class clown businesses, as usual. Nagselfie agad kami. Literature sophies pa ba?! Syempre. Natutuwa ako sa mga prof ko. Lalo sa British Literature. Tinanong niya kami ng Literary Character na kaparehas namin ng first name initial. Then i-connect daw namin sa personality namin. Wala akong maisip nung una sa ‘M’. Alangang Moby Dick sabihin ko diba? Weird. Then naisip ko si Margo Roth Spiegelman. Tumpak. Ang dami kong gustong sabihin in connect with her character and my personality. Nasabi ko lang, we’re just the same in the means of Margo’s ways in speaking out about her thoughts. Hay.

'She was not a miracle. She was not an adventure. She was not a fine and precious thing. She was a girl.'

and so am I.

Mukhang magiging mabagsik ‘tong sem na ‘to. At sa kadulu-duluhan, dun ko malalaman kung mabagsik, in a positive angle, or vice versa.

fin

Ingrate. Conatus.

/08/14/14/ Medyo nagpalate ako pero okay pa naman. Nakahabol sa Biyaheng Panulat. Maangas. Andun si Ricky Lee, Manix Abrera, Eros Atalia at Dong Abay. May picture/dedication pa. Masaya naman. Kaso silent happiness. Ewan, di ako nag-ingay ngayon. Nakakatamad mag-aral ngayong araw e. Walang gana. Natulog lang ata ako sa classroom, pagtapos di ko na alam mga sumunod na nangyari. Onting recite. Tuliro. Kating kati na ‘ko makalabas ng school. May bibilhin pa ‘ko. Madaming dapat na iprepare pa. So yun, punta SM. Rekta sa Artwork. Bili ng tops. Baba sa hypermart, bili ng Oreo, marshmallow at krim stix. Akyat ulit sa NBS, bili ng box. Sakay sa may Lawton. Takbo. Takbo. Walang Proj 6 or 8 kaya napilitang mag2-3. Sari saring palusot. Kinakabahan ako kasi baka malaman agad. Trapik naknamputik. Humigit kumulang 45 mins na’kong bumabyahe. Sa Welcom bumaba na’ko. Nakita ko si Jawibi aka Kat. Aba’y may boypren. YC. Takbo, habol ng jeep. Pagtalon sa estribo, di ko napansin puno na. Bababa na sana ako tapos buti ang savior ng datingan ni kuya sa dulo. Sumabit sya’t pinaupo ako. Travel travel. Hanggang sa nakarating na sa 7-11. Nanginginig ako. Pagod lang talaga siguro. Sumisilip sa may pinto. Ang tagal ni Kambal. Tapos dumating, walang dalang tape. Lumabas para bumili, pagbalik ayun, madaliang paggawa ng oreo/marshmallow with krimstix as letter in a box, the Mimarsh way. Ang lapot nung krimstix. Pahirap. Matapos nun, nag ayos na. Akyat footbridge. Last minute planning sa kung paanong iaabot. Binigay ko yung panyo kong blue, the jeje hanky para ipang-blindfold. Nasa fm na. Kinakabahan. Paano kung di worth it. So yun, nakapiring na, tas lumapit nako. Abot ng box. Bukas ng bag, abot ng artwork. At mula sa folder, inabot ko yung sobrang sealed na letter na may doodle na tinapos ko sa loob ng isang buong madaling araw. Puyat pero ok lang, pambirthday naman. So nabigay ko na lahat. Mission accomplished. Someone swam an ocean again but that does not what freaking matters most to her. She just want to make people happy. Ngunit bilang tao, natural mag-expect. Wag na tayo magplastikan dito. Nageexpect tayong magpakita man lang ng something in response. That’s it.

       ***Ang susunod na pangyayari ay wag nang ikwento. Bukod sa masakit. Ang lakas maka-waterfalls ng datingan ng mata ko. Pagod na’ko. Let’s call it a day. A very tiring one. Goodnight.

Flash. Spark. Burn.

/08/12/14/ Magandang araw ‘to kung maituturing. Masaya. Puno ng ingay at ngiti…at puno rin ng bugso ng damdamin.

Flash. Parang bawat oras yata na dumaan ngayon, nagmamadali ako. Mula sa paggawa ng venn diagram at thesis statement. Pati sa reporting sa Literatura ng Pilipinas. Gusto ko na matapos. Only to find out, ako lang pala reporter dahil iniwan ako ng groupmates ko. Tingin ako ng tingin sa oras. Kailangan kong makapunta sa debut ni Geia. Pero kasi ano eh…

Spark. Nagngingitngit sa galit. Halos lahat ata ng prof nag-eextend ng oras. Ayun after nung LNP diretcho agad sa mall. Bili regalo. Daig ko pa yung nasa kasagsagan ng Rush Hour eh. Tapos ayun pagbalik ng school aral, picture, kain. Then nagProf Ed 3 na. Panay tingin ako sa relo, inaasahan na sana maaga kami palabasin, bagay na inaasam ko ngunit kabaligtaran ang nangyari. Eto talaga yun e, nakasakay ako agad pagkatapos kaming palabasin ng 5:45 (at 6:40 ang debut) pero grabehan ang trapik. Slow like a turtle. Kairita. Ayun, di ko na inintinding inuubo ako. Tinakbo ko na para makaabot sa church. Palit damit. Suklay kaunti sabay alis. Nakarating na kami sa venue, 10 minutes lang. YOLO kami e. Nang biglang ganito na yung nangya….

BURN. Andun yung mga di ko inaasahan (kunwari lang di ko inaasahan pero alam kong pupunta sila) Andun sya. Naka-pink. Damit nya yun nung prom nila nung 3rd year at alam kong yun nga yun. Nakita ko sya pero di na’ko naghello. Baka mapahiya pa ako. Ang sungit nya grabe. Publicized na pangsseenzone. Kumanta siya. Bida bida e. Pero nagulat ako kasi kinanta nya yung I’ll Be. Ang big deal sa’kin no? Kainis naman this. Awkward. Kaso bakit ganun?….

"Napatingiin ako sa’yo. Bigla. Nagtatawanan kasi kami. Tapos ikaw, di ko alam, nakatingin ka rin pala. BURN. Napayuko ako bigla. Napakunot ng noo. Naalala ko ganun din yun dati e. Tapos nag-usap tayo sa chat kanina pagkauwi. Stressed ka. Pero di mo sinasabi. Curious ako. Hindi ka na nagsshare ng mga ganoong bagay. Ano pa nga naman bang dapat kong iexpect diba? Pero ok lang yan. Happy thirteen. Three cheers. It’s been four years."

mox amorem, non odium.

/08/06/14/ Oo, buong linggo akong lugmok. Buong linggo na tila baga’y wala sa sarili. Negatibong pag iisip, maging ang emosyon ay ganoon na rin. Hindi tama ito. Nasambit ko ang mga salitang nakakasulasok sa pandinig ko, at kahit sa kaninong nakikinig sa akin. Hindi tama ito. Gamuntikan nang mawala yung dating pananaw ko sa buhay. Masakit pala. Sa madaling salita, unti unti akong binabago. At ako naman, unti unti ring nagpapabago. Siguro nga, hindi nila mababasa ito, ngunit Diyos na ang bahala. Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko, at sa kung anumang pag-tulak ng bibig at kabig ng dibdib ang nangyari. Naiiyak ko na. Naisigaw ko na. Nasabi ko na. Ayoko na. Ayoko na magmukang walang pakinabang. Ang sakit. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano hihinga, at papalayain ang sarili ko sa mga kaisipang ito. Diyos na mag aayos sa ‘kin, hindi man sa oras na ngayon at ngayon rin, pero darating ang araw. Malapit na. xx

disjunctio et aerumna

Hindi ko naman hinihingi na sa lahat ng panahon maiintindihan nyo ako.

Pero…

Sana kahit papano naman, kinukuha nyo rin yung punto ko.

Wala akong balak na gumanti. May mali ako, at tanggap ko yun. Pero wala naman kayong naririnig sa akin kapag ako may mali kayo e. 

Respeto. Malaking respeto binibigay ko. Hindi man ako madalas magpakita ng pagmamahal ko, nagpupursige pa din naman akong maparamdam sa inyo yun. Kayo nagpapakain sa akin. Lahat ng meron ako, sainyo pa din naman galing. Pero yung masakit kasi, galit kayo sa akin nang di ko alam yung malinaw na dahilan. Yung salita niyo sa akin kanina. Tumulo na lang luha ko eh. Tatatak na sakin yun. Yung pinapalayas niyo ako. Wala naman akong kwenta. Hindi kayo naniniwalang mapapag-aral ko yung kapatid ko pag nakatapos ako. Wala naman akong silbi sa pamilya natin. Masakit, sobra. Na kahit hanggang ngayon tumutulo luha ko. Pero, gaya nga ng sabi ko hindi naman pumapasok sa isip kong magrebelde. Sana lang, nakikita nyo rin yung mabuting ako. Nabababaan na ‘ko sa tingin ko sa sarili ko. Kung anu ano nanaman naisip ko. Pero dasal lang ako ng dasal. Kahit na di nyo pinakikinggan punto ko, umaasa akong maaayos ‘to.

Mommy, daddy. Sorry. Masama loob ko sa inyo ngayon pero lilipas din to. One day, tatawanan na lang natin ‘to. Kasi magiging proud kayo sa akin. Mukha man akong walang kwenta sa paningin nyo ngayon, papakita ko sa inyo na yung mga salitang binitawan niyo sa akin, ni isa doon sa mga salitang yun, walang katotohanan. 

Immaturity.

Nagbabasa lang ako ng tweets. As usual, batang neutral ever since the world began, eh. Ayoko makidagdag. Ayokong maki-comment sa isang ampaw na batuhan ng iba’t ibang punto de vista. Wala naman akong mapapala. Simple lang. Wag sumali sa ganung mga bagay. Hayaan  mong sila maka-realize ng ginagawa nila. Wala na lang akong ipapakitang reaksyon. Kahit nakakahurt at nakakaoffend na tipong humantong sa pag-iyak ko lahat ng mga ginagawa nila. Hindi man direkta pero pinaparamdam nila na ako yung dahilan. Tigilan na ‘tong kahibangan na ‘to. Useless. Pointless. 

P.S. I will stop swimming oceans for people. Maybe not now. But one day. I promise, I can. I must. xx

Is this love, worth fighting for?

'Cause I can't take it anymore.

Oh, is this love, worth risking for?

If I could bring back the time before…

-

Chorus ng isa sa mga songs na nacompose ko. Unheard, literally. Those were the times wherein I breathe the air intoxicated with melancholy. But that was before. Di ko na rin alam kung bakit ako nakagawa ng song tulad nyan. At hindi ko rin alam kung para kanino. So lame. Nevertheless, I’m so happy rn I could die. No need to write songs like this anymore. Well…read between the lines.