kayepooot

Naka-dalawang dates ako ngayong araw!

Yung una kong date, sa Jollibee. Naglunch kami ng sarili ko. Napaka-romantic. Nagsusubuan kami ng spaghetti. ♥

Tapos kanina naman, nagdinner ulit kami sa McDo. Sweet namin grabe.

Hahaha ang loner ko ba? Lol. Mas gugustuhin ko pang ka-date yung sarili ko kesa sa iba kung hindi naman ‘yun si Kristina. ♥

ANA KRISTINA VIVAS FELICIANO a.k.a. KAYEPOOOT

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY! \:D/

Hi Ate Kaye! Eto lang mareregalo ko sa'yo kasi ‘di ko rin alam pano kita mareregaluhan. Wala akong pera pambili ng gusto mo tapos papadala ko pa diyan sa NZ. Hahahaha. Joke lang! :))) Advance na ang greeting at gift ko sa'yo kasi kung hihintayin ko pa mag-22 baka matabunan na ko ng iba eh. Para makita mo na agad. :“> Gawa ko yan with LOVE and EFFORT. Kasi I LOVE YOU EFFORT. Hahaha! Okay, ano ano na sinasabi ko. :)))

Wish you all the best. More birthdays to come! Ummm. Wish ko sa'yo.. Good Health. Iwasan mo na pagpupuyat, sayang ang beauty mo teh! Hahaha! Sana mahanap mo na ang para sa'yo. :”“”> Yhieeeeee! :)) Happiness! Hahaha. Sana palagi ka maging masaya. Ayokong nalalaman na sad ka. Since hindi kita nakikita. :)))) More blessings and Long life. \:D/

Thank you sa time na binibigay mo sa aming mga followers mo and sa amin ng PLs. Hindi ko alam pano ko makakabawi sa kabaitan mo sa amin. Hindi ko nga inaasahan na magiging parte ka ng buhay ko. (Whoooo! Dramahan na. XD) Pero seryoso. :D Tsaka hindi ko aakalain na magiging friends tayo.. more like sisters na din. :“> Nagsimula kitang makausap at makakulitan nung tinanong ko kung sino yung nasa video mo, yung greetings. Hahahaha! Nagtanong lang ako non tapos inasar mo na ko kay King. Hahahaha! Di ko makakalimutan yon. :))))) Hanggang ngayon naman eh. Nagulat talaga ko kung bakit mo ko inasar nun kasi tinanong ko lang. Nang dahil don, ayun! Basta si King ako na naaalala mo. Hahahahaha! Kilig naman ako :”>

Hahahaha. Basta, kulang nga to para mapasalamatan kita sa lahat. :) THANK YOU >:D< Sana makita kita sa December. May utang kang kiss sa akin. Hahaha!

Basta kapag may problema alam mo naman kung sino pwedeng matakbuhan eh. Yun lang. Enjoy your day sa 22! HAPPY BIRTHDAY. Ingat ka palagi. God Bless you. Iloveyou, Mahal kita! >:D<

Sana magustuhan mo ang munting regalo ko. :)

Reference photo: Click here.

Larger image: Click here.