karaniwangopinyon

Tumblr: Noon at Ngayon
TAKE TIME TO READ THIS

Napapansin naman natin diba? Nakakatamad na. Wala na yung dating sigla ng Dashboard. Watak watak na tayo. Ang tanging magkaka-close nalang siguro ngayon ay yung mga nakapag-meetup na. But why? What happened?

NOON:
  • Yung mga nauna at mga tunay na famous-at-the-same-time-awesome-bloggers ang naghahari sa dash. Pero hindi naghahari as in nagpapa-showbiz sa Dash. Sila yung naghahari bilang nagpapauso ng Trending Topics which makes us, all filipino bloggers, UNITED. They do not entertain Haters by turning off their TA’s Anonimity na nakakarumi ng Dash. Aware sila sa impact nun sa mga followers nila. Yung mga kilala natin ngayong nagsusulputang sikat [daw] na mga bloggers, tinitingala pa nila yung mga Tunay na Sikat that time. Humble pa sila.
NGAYON:
  • Wala na. Ang dami dami nang nag-ke-claim sa title na Tumblr Famous. Imbes na gamitin nila yung kasikatan nilang yun para pasayahin ang nakararami, ginagawa nilang Showbiz ang Dash. Hate Messages, Symbols na kung ano ano na ang ipinapa-tanong, etc. Fan kami? Fan? Iba na kasi, wala nang Trending Topics ngayon. Puro nirereblog nalang na "Message me a ♥☻♠◘". After a while, hala puro TA’s pinublish, eh ang purpose lang din nung nagTA is para Free Promotion pag pinublish yung TA nya. That’s reality. Showbiz na ngayon. Kaya rin siguro tinatamad yung mga tunay na famous-at-the-same-time-awesome-bloggers na magpa-trend kasi mas tinatangkilik na ngayon yung pa-showbiz na blogger. May promotion eh. Nakakapaglandi pa.

You see the point of this post? Gamitin ang kasikatan sa pagkakaisa ng mga blogger dito. Masaya kasi yun, yun bang nasasatisfy mo yung follower mo kahit hindi sya ganun kasikat. Hindi na sila maghahangad pa ng follow backs, promotions, etc. Presence mo lang, okay na. Ang problema kasi SARILI lang ang sina-satisfy ngayon eh. Hindi nila alam yung mga tinuturing pala nilang "FAN" na yun, nagte-take advantage lang sa Free Promotion.

Showbiz na showbiz na talaga ‘tong Tumblr.
Please lang. Ibalik natin yung dating sigla at saya. Kaya ba natin? GO!

Itinatagong sikreto sa pag-yaman ng Pilipinas.

Nasabi minsan ng Prof namin sa Organic Chemistry yung yaman ng Pilipinas na hindi common sa pandinig nating nakararami. Ang Methane.

image

Sa Mindanao, there is a place called Sultan sa Barongis, which is naroon ang napakalawak na Liguasan Marsh. Kung saan, nakatira ang exotic species found only in that particular area. Being a marsh, dun tumutubo ang daan-daang hektarya ng Water Hyacinth, which is kapag nabulok sila, nagpoproduce ito ng Methane. Pero ano ang Methane?

Methane or CH4 is a natural gas. Kailangan natin ito. It is more environmental friendly than Fossil Fuels, kaya lang, mas nagagamit ang Fossil Fuel dahil nga mas marami itong sources. Ito ang dahilan kung bakit gumagana ang mga bumbilya’t makina natin as what Prof said.

Kung kailangan natin ng Fuel, naku, mas kailangan natin ng Methane.

Hindi masyado naipapalabas sa TV, pero Koreans, Japanese, Americans, etc. were trying to enter the said place secretly. Bakit Secretly? Kasi nga, di pa natin alam ito, sila ang nakakaalam, at maaari nilang nakawin ito mula satin. Pero di sila nakakapasok dahil protektado ito ng MILF.

Kung alam lang sana natin ito, di na siguro natin ipa-prioritize ang Spratly’s. Kung meron lang tayong makabagong teknolohiya sa production ng Methane, magkakandarapa satin ang mga First World Countries [Japan, US, France, etc].

Kung mayaman ang Saudi dahil sa Fuel, yayaman tayo dahil sa Methane.

Mind you, bihira lang ang Marsh sa mundo, kung meron man sa iba, hindi ganun ka-lawak, hindi ganun karami ang Water Hyacinth. Gusto kong i-share ang nalalaman ko, which is I think few people knew, dahil gusto kong makiisa sa pagbabago ng Pilipinas.

"Philippines is a RICH country PRETENDING to be POOR."

Bakit nga ba laging BABAE ang multo sa mga Horror Movies?

image

image

Sabi nila dahil babae daw ang kadalasang nabibiktima ng karahasan, eh ang tanong ko naman, bakit? Porket sila ang biktima ng karahasan, magmumulto na? Ang mga lalaking sinasalvage, hinde?

ITO ANG IDEYA KO:

Kasi ang babae, sila yung mga nagkikimkim ng sama ng loob.

Kahit matagal nang nangyari, naalala parin nila yung ginawa mong kasalanan. Ang lalaki hinde, saka lang nagtatampo kapag hindi na talaga kayang tiisin. Kaya pag babae namamatay na galit, nagmumulto dahil hinding hindi ka nya mapapatawad.

Kasi ang babae, sila yung mga mahirap magpatawad.

Kailangan mo pang gawin ang lahat ng effort mo para patawarin ka nila. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro kasi sanay na silang lokohin kaya ayaw na nilang maulit pa yun, tinitiyak nilang totoo ang paghingi mo ng patawad. Kaya pag babae namamatay namay kasalanan ka pa sa kanya, hinding hindi ka titigilan hanggang hindi makakakuha ng hustisya.

"Nature na ng mga babae yan, kaya ang tanging magagawa mo na lang bilang lalaki, iwasan mong magawan mo sila ng kasalanan."

ITO ANG MGA AYAW NA AYAW NILA:

  • Pagtataksil
  • Pagsisinungaling
  • Panloloko
  • Pagpapahamak
  • Panggagago
Why do we still keep on denying that we DON'T crave for popularity here on Tumblr?

MUST READ. (If you claim to be a Real Blogger)

image

          Seriously, sinong tao ang ayaw i-appreciate? Sinong tao ang ayaw i-praise, i-compliment, kilalanin at bansagang isa sa mga Tumblr Famous? ‘Famous' is defined as 'to be known by many people’. Tapos sasabihin ng iba na ‘wala naman talagang Tumblr Famous. Meron no!

          As tumblr people recognize you and spread your URL all over the dashboard through rumors, appreciation, issue, reblog, etc. You’ll surely be known by many. Iba’t ibang paraan nga lang.

          So bakit nga ba people keep on denying that they DON’T crave for popularity? It’s just a Defense Mechanism because they are afraid being suspected by many Judgmental Individuals that Turn Anon or those who are Already on the Top telling "You must be New here, you should know the rules that we don’t blog here to Impress but to Express blah blah”.

          The image of popularity especially here in the Philippines is typically by "Pulling someone from the Top to replace the throne and be known". And when they’re on the Top, they degrade the one’s who are at the Bottom. Some uses the ‘Sipsip' and 'Kapit' technique to gain Popularity. And these are the No-No’s of the World of Fame. Kaya lang, yun na ang nakasanayan that’s why nagpapaka-Humble nalang tayo dito.

          You see the point of this post? Judging other people’s Intentions without evidences and proofs leads a person to a Defense Mechanism that discourages other people to stardom. Ano ba ang effect nito? We, as bloggers are already satisfied in our posts. No more thinking about improving it, making it more productive and resourceful. We are brainwashed that we should’nt dream of Fame (I would like to refer Fame as ‘Success’).

          Kung lahat sana tayo dito, kilala dahil magagaling na blogger, eh di sana wala nang Haters. Walang Judgmental Individuals dahil we all recognize each other as Magaling Mag-blog. Lahat magkakaibigan, walang Snob, walang Sipsip at walang Ranking. Kung may competition man, hindi by ‘Laglagan' kundi for 'Fun’. Of course, these would be reached kung di natin gagawin ang mga Tumblr No-No’s (magsisiraan, maglalaglagan, magsisipsipan).

          Kaya ang payo ko sayo, random blogger, Tumblr Famous exist. You could be one - you must be one. I know you have that Potential. Express by Blogging and Impress us with your Skills, your Thoughts and your Talents. We have all Multiple Intelligence, Multiple Capabilities and Multiple Assets. You might not be a Brainiac, you might be Talentless, but in some other fields, you can Shine. Show it and we, your followers, will recognize it, appreciate it, nourish it by Tracking You, Your Blog and Your Life. Keeping it into our mind and heart, taking it as our Inspiration as we face reality Outside the Tumblr World.

Thank You for reading. I hope I have inspired you.

4 Ranks ng Tumblristas:

Rank 4:
Hindi Tumblr Famous na Hindi rin Awesome Blogger.

Sila yung mga first timers ng tumblr, usually ito yung mga nagmamay-ari ng First Accounts. Baguhan palang sila at ang akala nila sa Tumblogging ay Reblogging, sila yung nag-aakalang tumblr is for popularity purposes, ang laman ng blogs nila, kung hindi puro reblogs, eh yung puro ‘reblog this and i’ll promote u’. Kahit sabihin pa nating napopromote sila, eh sinong magfofollow kung hindi original na sila yung nagmamay-ari ng post nila diba? Sila yung mga humble, panay ‘po’ ang TA’s. Pero sila yung mga bloggers na natututo kung paano magpost quality blogs sa kanilang second account.

Rank 3:
Tumblr Famous na Hindi Awesome Blogger.

Sila yung kadalasang mga gwapo’t magaganda dito sa Tumblr. Walang pinipili kung baguhan palang sila or matagal na. Basta, sila yung mga bloggers na puro solo picture yung pinapadaan sa dash, actually di natin sila masisisi kung bakit sila Famous dahil yung mga followers nila yung naghatid sa kanya sa mundo ng ‘Fame’. At lalong di natin sila masisisi kung bakit sila naging Maganda’t Gwapo dahil its on their genes. Isa sa palatandaang sila eto ay kapag vinisit mo blog nila while online sila, napakaraming tao, but not to read posts kundi para magTA. Hindi ko sila kinokontra, they can post what they want, as long as di sila magyayabang.

Rank 2:
Hindi Tumblr Famous na Awesome Blogger

Sila yung mga nagmamay-ari ng kani-kanilang original posts na kadalasang nirereblog. Quality Blogs eh. Their URL’s seems unfamiliar kasi nga hindi famous, sila yung may pag-asang mapromote sa Rank 1. Dito nagsisimula yung mga Rank 1 Tumblristas. Sila yung may mga Cool at Awsome posts like GIF’s, Typos, Text Posts, Doodles, Rants, etc. na talagang tumatatak sa isipan natin. They may or may not have Good Looking Faces. Sila yung mga unti unting finafollow ng mga Rank 1 Tumblristas bago nadidiskubre ng mga Rank 4, 3 or 2. Minsan may humble na belong dito at minsan naman mayayabang at gustong hilain pababa ang mga nasa Rank 1’s.

Rank 1:
Tumblr Famous na Awesome Blogger.

Sila yung mga galing sa pagiging Rank 2 at either in a positive or in a negative way. Sila rin yung mga kadalasang nag-oorganize ng Meet-ups dahil marahil, matagal na sa tumblr, alam na yung mga pasikot sikot ng pag-oorganize. At gusto rin nilang ma-meet yung mga followers nila para i-welcome sila sa mundo ng Tumblr Socialization. Napaka-cool parin ng posts nila as mentioned in Rank 2 pero yung iba, nawawala na at inatupag na ang pag-aanswer sa Haters nila at tuluyan nang nagpasikat ng nagpasikat. Bawat post umaabot ng hundreds of notes in seconds, at kung bibisitahin mo blog nya, maraming tao hindi upang magTA kundi magbasa.

pero hindi tayo yung bumabansag sa sarili natin kung san tayo belong, kundi yung mga followers natin. Pero minsan narerealize din natin kung san tayo belong.

IKAW, SAN KA SA APAT?

Magkaiba ang ugali ng babae at lalake kapag nagseselos.

Lalake.

  • Lalong nagpapakyut.
  • Lalong bumabait.
  • Lalong nagiging sweet.

Bakit? Hindi sya galit sa’yo, galit sya dun sa pinagseselosan nya. Kaya papatunayan nya sayong mas lamang parin sya kesa dun sa pinagseselosan nya. Papatunayan nya sayong sa kanya ka parin dapat dumikit.

Babae.

  • Lalong nagsusungit.
  • Lalong lumalamig.
  • Lalong nagtataray.

Bakit? Galit sya sayo. Kaya para patunayan sa sarili nya kung sya parin yung mahal mo, mag-aasta syang lalayo, kung hahabulin mo sya o lulubayan, dun nya malalaman ang sagot.

Para sa mga kukuha ng Pre-Med Courses:

image

Medicine is one of the hardest, most expensive field of study that needs effort, focus and sacrifice. Taking this field of study will change your way of life, forever. Kaya sa mga kukuha nito, make sure you agree on the following:

You agree that you will be exposed with Sexual Matters without any malicious thinking.

  • For a typical student, any sex related discussions will maybe too vulgar or too humorous to talk about. But being a pre-med student, you will realize that it is not just about sex, penis, vagina, sperm and egg. You will be excited about sex not because of the feeling of being sexually aroused but because of its complex processes, purposes, significance and results that amazed us.

You agree that you will question your Religious Beliefs even without abandoning from those beliefs.

  • Being a pre-med student means that you study what the universe is — not what we think the universe is. As you go through your study, you will realize that you cannot just conclude why something is happening or why something exists based on what your ancestors, culture, tradition, parents and community taught us. Judgment needs a thorough investigation, that your answers will not contradict other’s answers that had undergone the same investigation.

You agree that you will become Highly Respected and you are responsible to the loss of that respect.

  • Taking pre-med course means taking responsibility. Even without stepping into real medical course, the society thinks that, at least, you think or speak like a real doctor. What you learn from the classroom must not just stay on the pages of your notes but must be kept in your heart that if anyone asks or anyone has the wrong idea, you are responsible to correct them not because you are more learned — but because it is your job. Our job is to "Help Others". So why help after you become a real Doctor if you are capable of helping even just being a pre-med student?

Being a Pre-Med Student is a Big Responsibility. So make it sure that it is your passion to Help Others and Change the World from the Brainwash of the Society and the Past.

Ansabe ng english ko? Haha. Hope it helps! :)

Date a Scientist.
----------------PLEASE TAKE TIME  TO READ----------------

image

Date a Scientist. Date that someone who not only knows Health Sciences but also Natural Sciences. You will not get bored. He will amaze you about things that happen around you - from your kitchen to the theater, from typical things to unnoticeable phenomena. Don’t worry, he’s not a geek and he will not use nose-bleeding-words but instead make you understand what he want to explain.

He will not talk with you with all those fantasies and exaggerating words. His talk is Real, Accurate and True. He will not make you believe what little girls still believe. He will make you realize things and predict possible things that may happen. You will never wish to go to Paris to search for happiness. With him, his curiosity about simple things is a start of a conversation with jokes not as typical as other people tell. With him is always an adventure.

He is an all-in-one guy. He’s a teacher, a doctor, a cook, a joker, an artist and even a priest! He will not only tell you what not to eat but will also explain why. He will tell you why you look like your mother or father. He knows how to have a baby boy or a baby girl. You will feel superior to other people knowing things that few people know because of him.

For him, a romantic place is not only in expensive restaurants. For him, even in jungle is a romantic place. For him, you’re not a Baby to be treated like one, but you’re a Partner in every adventure he has. He will always be a Hero for you. His world not only revolves around you - he has a bigger world to revolve and you are with him as he revolves around it.

He will NOT LIVE FOR YOU, but will LIVE WITH YOU.

Science on the Ancient Philippines

image

Hindi ba tayo nagtataka kung bakit ang mga alahas ng ating mga Ninuno (Filipino Ancestors) ay sinusuot sa iba’t ibang partikular na bahagi ng katawan na hindi naman pangkaraniwan gaya ng siko, braso, paa, tuhod, atbp.?

Ang mga alahas na ito (usually Gold) ay ginagamit ng mga Mahaharlika't Datu noong unang panahon hindi lang bilang Dekorasyon kundi nag-poprovide din ito sa kanila ng Pambihirang Enerhiya.

Ang ating katawan ay may iba’t ibang Pulse Points at Pressure Points. Dito ang mga bahagi ng katawan kung saan ang mga Enerhiya ay nasisipsip at naikakalat sa buong katawan.

Kung sa bawat Pulse at Pressure Points na ito ay mayroong Metal (eg. Gold), magkakaroon ng Photoelectric Effect. Mas nag-iincrease yung dami ng Enerhiya na nakokolekta ng katawan in a form of Tetrahertz.

Kaya pala ayon sa mga narinig nating kwento tungkol sa mga Ninuno nating Datu, nagtataglay sila ng mga Pambihirang Lakas. Hindi lamang yun isang exaggeration kundi totoo.

Ancient Filipinos are into Quantum Sciences even before Spanish Colonization.

Mabuhay tayong mga Pilipino![x]

Ano ba tayo bilang mga Tumblrista?

Di na nating mai-dedeny na tayong mga Tumblrista, as a society, share some Common Characteristics. Some are in-born and some are developed as we stay as a blogger for long. The characteristics that will be mentioned is based on the majority’s attributes. If you think you’re not suited from one of those, then you belong to the characteristics of the minority. So what are we? Here’s some:

  • Tumblristas are not Jejemon
    Some might already been experienced a Jejemon. Some may not. But as we enter the Tumblr World, nawawala lahat nun. Maybe because syempre nagsososyalan tayo dito, just so you know, eh nagpapakita tayo ng "Class" kaya Formal at Normal na pananalita ang ginagamit natin.
  • Tumblristas are not Cheap
    Yes, sinasabi natin dito we use and crave for Branded products, pumupunta sa mga sosyal na lugar, sosyal na event, etc. Pa-Nutella nutella pa eh pupwede naman sa kanya ang Chiz Whiz. As I said nga, nagsososyalan tayo dito kaya ang pinapakita natin sa ibang bloggers ay yung High Class na part ng buhay natin. Although we admit some of our "Cheap" cravings, but that is because alam nating ganun din ang iba kaya walang hiya-hiya.
  • Tumblristas are Horny
    Sa sobrang exposed ba naman natin sa mga Sex Related na posts hindi ba madedevelop ang pagiging malibog natin? At dahil yun sa mga bloggers na nilalabas ang kalibugan sa Tumblr. Nakakahawa.
  • Tumblristas are Gay
    No, not being as may-gusto-sa-kapwa-lalaki or what (although for some, yes). “Gay” as pag-aappreciate ng Girly Things like art, love, fandoms, vanity and awesome things mapa-lalake ka man o babae which is considered "Kabaklaan" by the society in the outside world. Boys do appreciate those little things but not that expressive because of the Stereotype on boys na kailangan astig, maangas, tahimik at puro sex lang ang alam kaya dito lang nila sa Tumblr naipapalabas yun.
  • Tumblristas are Good Looking
    No, not being as literal na Gwapo or Maganda. Pero lahat tayo dito ay Confident sa kung ano ang itsura natin. Dahil sa society natin dito, tanggap ang existence ng Talent, Ugali at Talino, which is we think that at least one of them, dun tayo lamang at yun ang nagpapagwapo o nagpapaganda satin.

But as we log-out on this site, at the end of the day, may sari-sarili tayong pag-uugali. Simple at Normal — malayo from what other bloggers thought and expect about us. Pero syempre, some may possess those attributes in the real life.

But what is interesting about sa pagkakatulad natin ng ugali dito is malimit lang tayo nagkakaroon ng di-pagkakasundo sa opinyon about sa bagay-bagay which makes our society in order.

"Di mo na kailangang Umakyat ng Puno para makakuha ng Signal. Kailangan mo lang puwesto sa Tamang Lugar."

REALIZATION IN TUMBLR:

"Di mo na kailangang kumapit sa isang Tumblr Famous para makuha mo ang Atensyon ng nakararaming Tumblrista at maging Sikat. Kailangan mo lang lumugar kung sa anong paraan ka makikilala ng mga Tumblrista at maging Sikat.”

HAHA as if namang sikat ako para makapagsalita ng ganito, opinion lang po guyth.

2

LETS TALK ABOUT BEING A PRE-MED STUDENT

Oo, pre-med pa kasi ako.

Mahirap pero nakakatuwang maging Pre-med. Kahit di ka pa ganap na Doctor, tinatawag ka nang "Dok". Oo, nakakatuwa yun, pero naiisip mo rin na dahil yun sa Malaki ang Expectation nila sayo. Bawat itatanong nila, parang Obligado kang sagutin yun. Kahit di mo pa yun alam, basta may masabi ka lang na info, kailangang sabihin.

Di naman ganun kahirap. Basta willing ka talagang maging Doktor, kakayanin mo. Syempre pursigido ka. Sabi nga ng Prof namin noon, "Basta magdodoktor ka, dapat i-feel-na-feel mo." Proud ka dapat dahil expected na kahit saang anggulo, ikaw ang tinitingala. But that is due to their "Respect" for you. Kaya di dapat yun sirain ng mga Pre-Med Students. And Maintaining a Respect is not easy, it’s like forcing yourself to be Always Correct all the Time, as possible.

Dear Tumblr Famous...

Okey namang mambara ng mga nagt-TA sayo at ipublish.

  • Nakakatawa, yes.
  • Humahakot ng notes, yes.

Pero naisip mo ba yung impact nun sa mismong nagtanong? Yung tipong, ang tino nung tanong, eh pinagtawanan sya nung lahat ng 1234567 na nag-like dahil sa pambabara mo? Porket famous ka na, okey lang din sa kanyang barahin sya? NO.

Above all, mapa-famous man o hinde, tao parin kayong both. Marunong masaktan, mapahiya at magdamdam. Matuto kang makiramdam.

Ang babae, parang 'Pinapabentang Damit' yan!

UKAY UKAY GIRL

Sila yung mga Malalandi.
Hinahayaan nilang matikman sila ng kung sino sino.  Nagbibigay motibo. Hindi ata sila aware na they also represent all females sa buong mundo. Wala silang pakialam kahit bastusin sila. Basta makuha lang nila ang gusto nila - Pleasure.

Kagaya ng ukay ukay. Kahit sino na ang sumusukat, pag ayaw itatapon, gusot gusot, second handed, mabaho minsan, walang lalagyan, nakatambak lang, at higit sa lahat Mumurahin.

BRANDED GIRL

Sila yung mga Konserbatibo.
Hindi sa NBSB sila or Maria Clara. Pero may tinitira pa silang kahihiyan. Nireremind nila sa sarili nilang ‘Babae sila’. Hindi sila binabastos, dahil di sila nagpapabastos. Professional. Intellectual. Matitinong lalaki lang din ang nabibingwit nila.

Kagaya ng Branded na damit. Malinis, matibay. Di mo pwedeng guluhin ang pagkakatupi or pagkaka-hang. Makikita lamang sa mga malilinis na tindahan. At higit sa lahat, Mamahalin.

  • See the Difference?
For the followers who didn't get followed yet

It doesn’t mean kasi na you do not deserve to be followed. Don’t stick to that principle. Your blog just doesn’t get visited by your dream followers or they just don’t want to add more bloggers in their followings list muna.

Be optimistic. Don’t beg for their followback.
Darating din ang time. Tiwala lang.

Good News: Malapit nang Mawala sa Mundo ang mga Lamok

image

Nahanap ko lang sa internet. May ikinalat na pala silang mga Genetically Modified Mosquitoes wherein minanipula ang mga Genes ng mga Male Mosquitoes para i-Paralyze ang mga Babaeng Anak nito sakaling mag-mate sila sa mga natitirang babaeng lamok. With that, magkakaroon ng Sex Imbalance sa Populasyon ng Lamok [Lalaki lang meron, Paralisado lahat ng Babae] that will lead para ma-Extinct ang mga lamok sa Mundo. Na-release na sila, at ngayon, patuloy na silang namamaralisa ng mga ka-uri nila. Ayos, wala nang mag-co-cause ng Malaria at Dengue!

Pero kung iisipin natin, tama bang manipulahin ang genes ng isang oragismo para ma-extinct sila? Mali diba? Pero kung nakakatulong din naman, why not diba?

Share it to others and lets Celebrate a Dengue Free World. Soon.
(Source)