kaibigan

    Ang kaibigan, kailangan pahalagahan dahil sila yung nandyan sa oras na kailangan mo sila. Maaring hindi mo ramdam pero may kaibigan kang nag aalala sayo, may kaibigan ka na akala mo walang pakealam sayo pero sa totoo lang siya pala yung totoong nagaalala sayo. 

   Ang kaibigan, sila lang yung taong kilalang kilala ka. Maaring hindi mo kilala ang sarili mo at naguguluhan ka sa sarili mo pero tanungin mo sila at masasagot nila kung sino ka ba tala–negative man iyan o postive tanggapin mo dahil balang araw masasabi mo sa sarili mo na tama sila.

  Ang kaibigan, sila yung magiging pamilya mo sa buong buhay mo na hindi mo kadugo pero alam mo sa sarili mo na mahal mo sila. Kasi sila yung mga taong nandyan sa iyo kahit na tinataboy mo sila, kahit na minsan ay nagkakagalit kayo sa isa’t isa hindi matatapos ang araw na hindi kayo magbabati. 

  Ang kaibigan, sila yung sumasakay sa bawat trip mo, lokuhin ka man nila, kahit na naasar ka na hindi mo maitanggi sa sarili mo na okay lang, sige pagtripan niyo ko.  Kasi alam mo sa sarili mo na kahit magalit ka sakanila, hindi mo sila matitiis. 

  Ang kaibigan, pwede mo silang pagkatiwalaan, yung mga kaibigan na sigurada ka hindi ka huhusgahan, yung pagkatao mo hindi huhusgahan, yung kaya isarili nalamang ang sekreto. Kahit kokonti lamang ang kaibigan mo basta totoo saiyo at hindi nanaksak pagtalikod mo, basta alam mo sa sarili mo na totoo sila, na totoo yung pinapakita nila saiyo. 

  Ang kaibigan, sila yung laging nandyan hanggang pagtanda mo, mamahalin ka gaya ng pagmamahal sayo ng mga magulang at kapatid mo, sila yung magstastay sa tabi mo pag nasa panahon ka ng kadiliman. Sila yung mga taong kaya kang protektahan. 

Hindi madaling ma-inlove sa kaibigan. Nandun kasi yung takot na baka iwasan ka niya, layuan ka niya, mareject ka. baka masira ang pagkakaibigan niyo, baka masira lang lahat. Minsan, wala kang ibang choice kundi magtiis na lang na maging tanga para lang walang mawala at hindi masira ang binuo ninyong pagkakaibigan.

Pero ang masaklap lang dun, madalas, nagtitiyaga tayo sa  taong hindi natin deserve. Kung hindi man pareho ang nararamdaman nila para sa atin,siguro, kelangan din nating palayain yung sarili natin from the burden. Hindi mo kelangan magmadali. Hindi mo rin naman kelangan magpakatanga. all you have to do is to move on and let go with that feelings for him/her. huwag kang magmadali, matuto kang maghintay.

darating ang tamang tao para sayo sa tamang panahon, lugar at oras. hindi mo na kelangan pa ng standards or ng salitang kaibigan para maitago yung nararamdaman mo. It will take time as the cliche goes, but it will always be worth it.

Buti pa sila nagagawa mong maappreciate. Nagagawa mong kamustahin. Nagagawa mong kausapin. Nagagawa mong pansinin. Buti pa sila. Tapos pagdating sakin, galit ka. Inis ka. Kasi hindi ako nagpaparamdam. Nagtatampo ka. E ano bang gusto mong gawin ko? Isiksik ang sarili ko sa makitid na lugar diyan sa buhay mo? Pinipilit kong hindi makipagusap kahit gusto kitang kausapin. Pinipilit kong hindi mag-alala kahit nagaalala nako sayo at sa kalagayan mo. Pinipilit ko yung sarili kong umiwas sayo kahit ayoko. Kasi mahalaga ka sakin. Ayaw ko nang sirain yang kaligayahang matagal mo nang hinahanap na nakamit mo na ngayon, na naibigay ng ibang tao sayo. Ayaw ko nang maging pabigat sayo kasi ayoko kong nakikita o nalalaman kong nasasaktan ka o kung ano. Ayaw ko nang mangialam sa buhay mo kasi alam ko nasa mabuti kang kalagayan ngayo’t masaya ka na nang wala ako. Hindi mo nako kailangan sa buhay mo, kasi may pumalit na sa posisyon ko. Mahal kita alam mo yan. Kaya ko ‘to ginagawa.
—  111014 2309