Ang kabalintunaan ng baha at ng mga Pilipino

Ngayong usong uso at napakadali na lamang mag “share” ng mga larawan gamit ang teknolohiya ngayon, mabilis nating nakikita ang mga kaganapan saan man sa buong bansa tulad ng ginagawa natin sa mga litrato ng pagbaha: share, like, retweet, post, at kung ano pa.

Ngunit naisip ba natin kung tinatablan tayo ng mga larawang ito? Binabago ba tayo nito, pinagiisa? Oh mga masokista lang tayong mga Pilipino at gusto lang natin makita ang mga larawan at tayo ay kaawaan? Sa loob loob natin tayo ba ay natutuwa at naaaliw na nakakakita ng mga larawan ng pagbaha, lalo na sa Metro Manila?

Bakit ba natin isinisisi ang kabuuan sa gobyerno? Bakit ba natin pinahihirapan ang ating mga sarili? Naisip ba natin ang kaugnayan natin sa mga pagbahang nagaganap? Ang balat ng KENDI na itinapon, ANG UPOS NG SIGARILYO na pinitik, pambalot ng pagkaing maaari namang ibulsa muna ngunit winalang-bahala?

Ang mga pulitiko ba ay talagang gumagawa ng paraan para gamitin ng tama ang ating buwis? Oh sila rin ay masokista at gustong gustong tanggapin ang galit ng mga mamamayan sapagkat sila naman ay siguradong mauupong muli sa susunod na halalan sa kadahilanang alam nating lahat?

—————

Tayong mga Pilipino ay hindi yata nakararamdam ng pagkasawa sa paulit-ulit na pangyayaring ito, lalo pa at pinalalakas tayo ng mga pahayag na "tayo ay nakangiti pa rin sa kabila ng pagbaha."

Hindi natin maitatanggi ang lungkot at hirap na ating nararanasan sa tuwing umuulan at bumabaha ng matindi sa ating bansa. Subalit hindi dapat tayo makuntento na lamang sa “reactive movement” sapagkat tayo ay parte ng kabuuan ng kung sino ang dapat sisihin sa pagbahang ito. Itago ang maliit na basura sa bulsa. Wag pitikin ang upos at magdala ng portable ashtray. Wag iboto ang mga pulitikong paulit ulit lang.

Panahon na na itigil natin ang kabalighuang ito at ayusin ang ating mga sarili. Hindi pa ba tayo natuto sa Ondoy at sa habagat noong isang taon? Mukhang Hindi pa.

DILG Sec. Mar Roxas linisin mo muna ang sariling bakuran

DILG Sec. Mar Roxas linisin mo muna ang sariling bakuran

KAMAKALAWA, nagtalumpati at nagsermon si Secretary Mar Roxas sa mga pulis sa pamamagitan ng kanyang ipinatawag na press conference.

‘Yan ay dahil sa sunod-sunod na bulilyaso at kapalpakan ng PNP sa iba’t ibang lugar na talaga namang nakasisira ng kanilang imahe at reputasyon.

Pero parang kabalintunaan (ironic) naman ang mga sinasabi ni Sec. Mar Roxas …

Alam po ba ninyo kung bakit?

Aba ‘e hindi…

View On WordPress

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video