johannavinluan

USAPANG MAGULANG.

Aminin mo, kahit minsan nakakairita na sila sa sobrang daming sermon, sa daming text na “Asan ka na? Umuwi ka na”, sa sobrang over protective nila. Di natin maiiwasan na magalit or magtampo sa kanila. Pero ang di natin alam… magulang natin sila e, karapatan nilang mag-alala.

10/15/2012

Inaya ako ni Miam magSM. Ako naman tong pumayag dahil may bibilin ako sa Papemerotti. Sabi ni Marfori sasama daw sya. So ayun, sabi ko wala akong damit. Kasi nga hindi papapasukin kapag naka-uniform unless 5pm na. Pinahiram ako ni Marfori ng damit ng ate nya. Tas hirap na hirap pa ko nung mamili =)) Mga 4:30 na kami nakadating ng SM. P300 dala ko sya P50 lang. Tas kumain ako ng pizza, bumili ng Fruitas. Pumunta kami ng Annex para tumingin ng laptop. Mga 5:00 na nun. Hindi namin kasama si Miam, naghiwa-hiwalay kami. So bale, kami lang ni Marfori. 5:30 na ko nagbalak umuwi, akala ko wala sila Mommy. Yun pala, pag-uwi ko, ang dami na nilang tinawagan na classmates ko. Ewan ko nga kung bakit di nila matawagan yung cellphone ko e. Matinding sermon na naman. Lalo na’t nandun si Papa. Cinonfiscate nila cellphone ko, kasi hindi naman daw nila ko macontact. Okay yun lang bye

RF: Mapride ako. Except sa nanay ko.

Hindi naman kasi talaga ko mapride dati. In fact, sorry nga ko ng sorry kapag alam kong may kasalanan ako eh. Pero napag-isip-isip ko na dapat maging precious yung sorry ko. Wala lang, naisip ko lang.

Mga karaniwang dahilan kung bakit nagbebreak ang dalawang taong nagmamahalan

● Nagsawa na
● Trust issues
● May iba ng mahal
● Illegal sa magulang
● Di pa ready si boy/girl
● Hindi kasi seryoso si boy/girl

Bago kasi tayo pumasok sa isang relasyon, siguraduhin nating mahal na mahal natin yung taong yun. Ipangako mo sa sarili mo na hindi ka mangangaliwa, magsisinungaling o kung ano pa man. Wag mo lang ipangako, gawin mo. Wag tayo magpadala sa emosyon o sa sinasabi nung lalaki na mga banat. Malay mo isa yun sa mga “da moves” nya. Siguraduhin mong maayos ang lahat. Siguraduhin mong mahal ka nya at mahal mo rin sya. Baka sa huli pagsisihan mo yan. Di natin alam. Nasa huli ang pagsisisi.