j.a.t

Masarap sa pakiramdam kapag nakakakita ka ng mga pictures ng ex mo pero wala ka ng maramdaman. Lalo na kung yung picture na nakita mo eh kasama niya yung ipinalit niya sayo. What I mean is, wala ka ng maramdaman na sakit. Wala na yung dating nararamdaman mong galit. Wala na rin yung sinasabi mo sa isip mo na “Ang pangit ng ipinalit niya saken.” Hahaha! =)) Wala ng lahat yun kasi tanggap mo na kung ano man yung nangyari sa inyo. Na masaya ka nalang para sa kanilang dalawa. At masaya ka nalang rin na kahit papaano eh naging bahagi siya ng buhay mo. :)