iniyakan

anonymous asked:

Iniyakan kita. Ang swerte mo.

Sobrang privileged mo naman? Ako rin may iniyakan marami na, ‘di naman sila swerte, malas lang ako. Hahaha.

Dude, seryoso. Di ko papatulan ang ex ng kaibigan ko. Kahit pa pumunta ka ng bahay at magdala ka dun ng kung anu-ano, dude, NGANGA. Kahit ilang beses moko yayaing lumabas at ilibre, wala akong pake. Di mo alam kung gano ka iniyakan nung kaibigan ko dati, tapos ngayon ako naman? Aba puta. Edi wow. Dude, wag ako. Please lang. Wala ka mapapala sakin. Kilala kita. Alam ko kung anong klase ka. Malala ka pa sa ex ko. Dude, seryoso. Ayoko sayo. Tigilan mo na ko please. Di ako interesado.

Dear you,

Alam mo bang miss na miss na miss na miss na kita? Malamang hindi mo alam, ang alam mo lang kase eh miss na kita saka I’m no longer “”special”” to you. Naalala na naman kita ngayon. Bakit ba kase ang hirap mong kalimutan? Nakakainis na. Palagi na lang kitang iniiyakan, pero ni minsan ba, iniyakan mo ko? Malamang hindi. Alam naman kasi nating “”hindi pwede”” eh, kaya naghanap ka ng iba. Para walang issue. Pinipilit kong maging masaya, oo, nakakaya ko naman, pero yung sakit, ugh. Nasaktan ako sa mga sinabi mo. Na hindi tayo pwede, just because of that fact. Sa tingin mo ba, ganun gagawin ko sayo? Sabihin na nating magkalayo tayo tapos hindi makakapag-usap lagi, pero bakit? Bakit nagkaganito? Nakakainis ka naman eh. Pero ano pa nga bang magagawa ko, iiyak ulit to hanggang ngayon o tatanggapin na lang kahit masakit? Sana masaya ka ngayon. Guess hindi ako “”kawalan”“. Ingatan mo sarili mo ha? Lalo pa’t wala nang maggood morning at mag-iingat palagi sayo. Miss na kita hays. Pakshet ka. If ever na mabasa mo to, sana malaman mong ikaw to. Ge.

6

At sa pinakanagpapalakas ng loob ko ngayon - ang pamilya ko. Yan. Si Mama, na kahit nasa malayo, hindi parin ako nakakalimutan. Si Papa, na kahit hindi ko masyadong pinagsasabihan ng mga problema ko, hindi ako pinagalitan. Nakinig lang siya sa akin, sa unang pagkakataon. Si Lola, na sobrang cute. Kasi nung niyakap ko siya at iniyakan, naiyak din siya. Sabi niya, “Ang gaan pa naman ng loob ko sa batang ‘yun. Pero hayaan mo na. Ganyan talaga. May mas mabuti pa namang taong magmamahal sayo, apo. Yung mamahalin ka ng walang kundisyon.” Maski kaninag umaga, umiiyak parin siya kahit ako hindi na :) Hehe. At sa mataba kong kapatid, na walang ginawa kundi i-kiss ako sa magkabilang cheeks. Tapos sabi niya, siya nalang daw yung boyfriend ko. Hahaha! Hay. Hindi narin ako dapat malungkot siguro, kasi sa mga nangyari, narealize ko na marami paring nagmamahal sakin. Mas nakita ko yung value ng pamilya ko. Magpapakatatag na ako. Hindi ko na gugutumin ang sarili ko. Pag-iigihan ko pa ang pag-aaral. Para lahat iyon sa kanila, at para narin sa kaawa-awa kong sarili. Dahil sa pamilya ko, narealize ko na maswerte parin pala talaga ako sa buhay. Araw-araw parin tinutupad ng Diyos yung mga prayers ko sakanya na protektahan sila. At wala na akong mahihiling pa bukod doon :)

KPOP FRIEND

Hindi naman sa ayoko sa mga kpopper but gosh. Napaka oa naman ng kaibigan ko. Ang sarap sapakin! Lahat ng gamit niya, song basta lahat pagmumukha nung crush nyang kpop. The heck! Iniyakan pa ung album gosh! Di daw niya nabili tapos hindi kumakain para makabili non! The hell talaga, nako kung ako nanay nito nabugbog ko na to eh.

beast of my summer. 2nd of march.

Buti pa sa kanya nagssorry ka. Buti pa sya kino-comfort mo pag sya ay may problema. Buti pa sakanya nagsasabi ka ng mga problema at hinaing mo sa buhay. Buti pa sya inintindi mo. Buti pa sya iniyakan mo.

Sana minsan ipadama mo din sa akin na mahalaga ako sayo. Kahit saglit lang. Naiingit ako! Sobra. Dahil di mo ipinadama sa akin yung kalinga mo sa kanya. Gusto ko man magreklamo e wala naman akong karapatan. Sino ba naman ako sayo diba? Kaibigan mo lang ako. Nakakalungkot isipin na ang daming nasayang na oras. Mga oras na wala ako sa tabi mo. Pinagsisisihan ko tong lahat ngayon. Bakit ba ako lumayo? Pilit kong i-approach ka kaso lahat di nagwork. =(

Napaka gandang tunay ng lock screen ko. Charot! Hahahahaha what a night. Naenjoy ko naman yung js, pero nangyare yung kinakatakutan ko. Hindi ko kinaya. Nung pinapanuod ko syang may kasayaw na iba, sumasabog yung puso ko. Ade ayun, hagulgol ako kay Gab. Leche lang. Tangina. Bakit yung babae na yun ulet? Sabi mo ayaw mo sakanya? Ano bang nangyari?! Bakit hindi ko kinaya!? Bakit!? Tangina bakit kita iniyakan!? Bakit hindi gumana yung pagiging feeling strong ko! Tangina bakit miss na miss na kita! Bakit mo ko pinagpalit sa grade9! Bakit eduard!? Pero bobo ko rin naman. First dance ko sya, tapos di kami nag usap. Wtf. Wala akong kwenta. Oh ayan sinisisi ko nanaman sarili ko. Ano ba Era!! Yoko na. Share lang. Ge bye.

Kung nagawa mo ng hindi tumawa sa mga jokes na tinawanan mo na dati, bakit hindi mo subukan wag umiyak sa taong dati mo ng iniyakan.
Cheers, to the great person I will be.

Sa ngayon, oo ang hirap. Kasi puro ako kapalpakan. Ang dami kong ka-lechehang nagawa. Ang dami kong mali. Pero I’ve learned my lesson. Too late for my high school, but never late for college… the real life. Every lesson I have learned will become my motivation. I will never let the old lazy me happen again. Ang dami kong iniyakan, ang dami ko ng tiniis na sakit dahil sa mga mali ko rin. Hindi na ko papayag. This time, I will stand up stronger. Hinding-hindi ko na hahayaang pumalpak ako. Every single thing you will give me will be worth it. And someday, hindi niyo na ko ikakahiya.

Day 59/365

Ang hirap pala mag-asikaso ng debut huhu. Sobrang nakakastress na dumadating sa point na sinasabi ko sa sarili ko “wag na lang kaya ako mag-debut?” pero gusto talaga ng parents eh so wala na akong magawa. Daming do’s and dont’s ugh. Yung didiktahan ka pa nila and ij-judge yung mga decisions mo. Event ko naman yon eh huhu kaiyak. Yes, alam ko namang gusto lang nilang makatulong pero sana yung gusto ko din i-support nila kahit papano. Nakakastress lang. Nakakaiyak sa inis siguro kasi japan day ako today kaya halo halong feels nararamdaman ko ngayong araw huhu.

P.S. Pati MMK iniyakan ko sorry HAHAHAHA

Kailan yung huling gabi mong umiyak para sakanya? Siya kaya, iniyakan ka? Kailan yung huli mong araw na kinailangan mo siya? Kinailangan ka rin kaya niya? Kailan yung huling pagkakataon na nakausap mo siya? Siya kaya? Naaalala niya rin kaya kung kailan? Eh, yung huling sandali na minahal ka niya at minahal mo siya? Natatandaan niya pa rin kaya?

Ang daming tanong no? Sana masagot. May mga tanong na kayang sagutin. Katulad ng mga tanong na para sa’yo. Pero, may mga tanong na hindi mo kayang sagutin, kasi hindi ikaw ang makakasagot kundi siya lang. Ang hirap no? Sana nakakabasa na lang tayo ng utak..ng isip..ng damdamin. Para hindi tayo nanghuhula sa kung ano man yung nararamdaman ng iba. Ang hirap mag-assume eh. Paano kaya kung ganon no? Edi mas masaya. Walang kumplikadong bagay. Pero, wala eh. Sayang :( Hindi ganon…

—  patricia-o8
kabanata 8

"steph , I’m sorry to tell you pero nakita ko sina audrey at drew magkasama sila sa isang fast food chain last time. Do you know this?" tanong ni stacey kay stephanie. "No, stace and in fact hindi niya na ako nililigawan so siguro it’s just okay na magkasama sila.." sagot ni stephanie. Hindi pa man din nagtatagal ay agad na binago ni stephanie ang usapan. Umalis ito agad at dumiretso sa banyo. Hindi na mapigilan ni staphanie ang nararamdaman niya kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay iniyakan nanaman niya si drew. Pangalawang beses na nasaktan si stephanie ngunit wala siyang magawa dahil wala na siyang karapatan dito. Ilang linggo ang nakalipas, hindi parin kinikibo ni stephanie si drew. ilang linggo lang din ang lumipas ay muling nagparamdam sa kanya si drew at sinusuyo muli siya. Napapagod na rin si stephanie sa pagintindi sa hindi maipaliwanag na mga desisyon ni drew. Ano pa bang magagawa niya? lalo pa’t ang hindi maamin na katotohanan ay hanggang ngayon mahal niya parin si drew. Sinuyo ni drew si steohanie at hindi ito tumigil hanggat hindi siya pinapatawad ni stephanie. Isa isa ang mga messages na naglalamang " stephanie sorry na daw sabi ni drew, sana matanggap mo siya dahil mahal na mahal ka niya." , "steph, nagpasama lang si audrey sa kanya." "steph, tanggapin mo na si drew mahal ka niya, natakot lang siya." "Steph, mahal na mahal ka ni drew." ito ang mga sinasabi ng mga kakilala nila kay stephanie. Ano pa nga bang magagawa ni stephanie kundi sundin ang puso niya. Tinanggap niyang muli si drew at tinuloy na muli ni drew ang panliligaw niya kay stephanie. hindi na maipinta sa muka ng mga kaibigan ni stephanie na si sophie, stacey at shantania kung matutuwa pa ba sila o ito’y ikagagalit nila kay stephanie. Humungi ng tawad si drew sa mga kaibigan ni stephanie kaya naman tinanggap nalang ito ng mga kaibigan nya at mas piniling maging masaya para kay stephanie. Sa mga panahong masaya ang dalawa, masasabing wala na silang anumang naiiisip na problema. Tuluyan ang panliligaw ni drew kay stephanie at kagaya ng dati madalas parin silang nag kikita. Hindi mai-aalis kay stephanie ang pagsagi sa kanyang isipan na minsang nagkaroon ng audrey sa buhay ni drew kaya naman nagtatampo at nagseselos parin siya dito. Nagdaan ang mga buwan at masaya si stephanie sa nangyayari sa kanila ni drew at pati sa relasyon nito sa kanyang mga kaibigan. Nagtakda na rin si stephanie ng araw kung kelan niya sasagutin si drew pero isang araw…" Stephanie may sasabihin ako sayo. Sorry agad una palang. Magkasama kami ni drew kahapon. Sinasabe ko to sayo ngayon, dahil ayoko ng may tinatago ako. Kaibigan kita, di ko intensyon manira. Ayoko kayo sirain. Pero may isang pangyayare na hnd mganda. Nagkiss kam. SORRy Steph." bigla nalang tumulo ang luha ni stephanie habang binabasa ito. " Sophie alam mo toh ? alam kong alam mo toh at alam kong nag-oopen up sa’yo si audrey sophie bakit? bakit nila nagawa yon ? bakit sophie ! sophie gusto kong awayin si audrey pero hindi ko alam alam kong mali pero wala akong karapatan dahil hindi naman ako girlfriend eh." "steph, oo alam ko yan kanina pa kaya kita tinawagan pero busy ka, sorry steph pero una sa lahat may karapatan ka naman eh dahil ikaw yung nililigawan at pinagsabihan ko na rin si audrey nagpunta siya ditong iyak ng iyak. please steph wag mo na siyang awayin alam niya naman yung pagkakamali niya eh pero mas nasaktan siya sa’yo". "siya pa ba sophie? SIYA PA YUNG MAS NASAKTAN ? AKO TONG GINAGO NILA SOPHIE ! AKO YUNG NILOKO NILA ! BAKIT HINDI KO SIYA AAWAYIN? GUSTO KONG PAGSABIHAN SI AUDREY LAHAT NG MASASAKIT NA SALITA ! BAGAY SA KANYA YON DAHIL MALANDI SIYA! ALAM NIYANG NILILIGAWAN AKO PERO SIYA PA TONG LAPIT NG LAPIT !." "alam mo steph, hindi ikaw yung steph na kilala ko una palang , maling mali si drew. siya ang may kasalanan nito dahil bakit niya hahalikan si audrey kung mahal ka niya talaga." "SOPHIE, SEDUCTION! HINDI PA BA OBVIOUS YON ? MALANDI YANG AUDREY KAHIT SINONG LALAKI MAAKIT NIYA SA MGA KILOS NIYA SI DREW PA KAYA ?" "steph, hindi ikaw yan ngayon masyado kang nadadala ng galit mo kung aawayin mo siya, ako rin ang makakalaban mo dahil mas nasaktan siya. alam mo kung bakit ? dahil oo hinalikan siya ni drew pero ganon lang kay drew yon , isang pagkakamali at ano? isang sorry nalang yon ? at excuse niya na mahal ka niya at natukso lang siya." "ABA SOPHIE TAMA LANG NAMAN DIBA ? ISA SIYANG MALAKING TUKSO AT ANONG SINABI MO ? IKAW ANG MAKAKALABAN KO? SIGE YAN YUNG GUSTO MO MAS KINAKAMPIHAN MO YANG AHAS NA YAN !." mainit na usapang naganap kela sophie at stephanie. Pumasok sa kwarto si stephanie at doon nagbuhos ng galit wala itong ginawa kung hindi ang umiyak at suntukin ang pader. Bigla rin namang tumunog ang cellphone niya naglalaman ito ng message ni drew na nagsasabing " steph, hindi ako naging loyal sa’yo i’m sorry alam kong alam mo na lahat i’m sorry hindi ko yon sinasadya pero sana maniwala kang mahal kita at natukso lang ako." walang ginawa si stephanie kung hindi ang umiyak.