inggit-much

Nagsisimula na akong mainggit sa mga cute couples.

Nung una hindi pa kasi, ngayon. As in nagpapantasya na ako na sana ganun din yung susunod kong magiging relasyon, ganun din kami ka-sweet ng susunod kong magiging boyfriend, ganun din kami ka-proud na meron akong sya, meron syang ako. Yung kontento kami sa kung anong meron kami. 

Yung sa kahit maliit na bagay lang napapatawa ko sya, napapatawa nya ako. Yung sana malaman ng lahat na mahal na mahal nya ako. Grabe na ito. Kapag makakakita ako ng pictures, lalo na video, nananalangin ako na sana ako din may ganun, may ka-ganun. Ganito pala yung nararamdaman nung mga single, masarap maging single, pero hindi masaya. Sige may masabi lang. Totoo naman kasi.

Oo minsan, naiinggit ako sa ibang mag syota.

Trending kasi sa dash yung gifs nung mag shoshotang naglalampungan eh. Haha. Inggit much ako. Ewan ko. Pero ang sweet nila grabe. Ge, kayo na! Tapos yung mga kaibigan ko puro may syota din! Yung mga pinopost, convo nila, tapos pictures nilang magkatabi, magkakiss, magkaholding hands, magka churvalu ek ek. Nakakamiss kaya promise! Nasanay na kase ko na may syota ako. Halerr. Isa lang naging boyfriend ko nitong buong high school ko. Aga kong nainlove. Haha! Simula first year hanggang grumaduate, kami pa din. Tapos ngayong magka college na ko wala na kong kalampungan! :( Pero hindi naman ayun lang ang gusto ko ah, ang point ko lang, nakakamiss lang kako. Pero hindi ako atat magkajowa ulit. Di pa ko ready eh. Parang ayoko pa ulit, natatakot pa ko. Hayaan nyo, balang araw, magpopost na lang ako dito sa tumblr ng bagong inspirasyon ko. =))

ATC Meet up.

Okay, ako na kasi ang inggit na inggit. ALam niyo sa totoo lang, sabik na akong makita ang mga fellow tumblristas dito. Simula noong nagumpisa ako dito. Isang beses pa lang ako nakapunta ng meet up. Tapos hindi na nasundan. Eh paano, lahat naman kasi nasa metro. Marami ang walang chance makapunta kasi nagkalat sa buong pilipinas ang mga bloggers from Tumblr. Pero this 24, hopefully matuloy. Pupunta ako ng Novaliches. Sana man lang meron akong makitang tumblristas. Kung pwede lang iadjust eh, makakahabol sana ako sa meet up. Di bale na. Sana maging maayos ang lahat. Magsaya kayo ha? Tapos wag kalimutang mag-ingat. Marami-rami  rin kayo kaya dapat pansinan lahat! Darating din ang panahon na makikita ko rin yung mga gusto kong makita. Kung naiinggit man ako ngayon, well wala namang magagawa tong  jealous ko noh. Kahit mamatay pa ako, di pa rin ako makakapunta. See you on 24 na lang! Mag-iingat kayo :*

BANGAG. PUYAT. TAMAD.

So, it’s a holiday. Yeahhhh! It would be nice to have a loooong bed rest, gala galore and everything you could think about, but how could I? I work for a Korean company. We follow Korean holidays. So, where does it live me now?? Yep, no holiday for me. For ESL instructors like me who teach online. :(

KAINGGIT LANG NG SUPERRRRRR! Kasi habang ang iba nageenjoy, petiks petiks eto kame nagtatrabaho. :| Hayyyyyysssss! Kaya ko to! Idaan sa tawa! HAHAHAHAHA!

See?? Nakakabaliw ang ganitooooo! O_O