iloveyoutill8sideways

Let's define: KURONEKO

Kuroneko ay pinagsamang KURO and NEKO.Haha. Kuro means black and Neko means Cat. Eh bakit Kuroneko ang title ng blog ko kung mahilig rin lang ako sa blue at white ang blog ko? Sabi nila, malas daw ang black cats. Ang sa akin lang, hindi tunay yun, walang ginagawang malas ang Diyos. Ginagamit ko ang Kuroneko dahil gusto ko rin ang black tapos mahilig ako sa mga pusa! Kaso bawal kami magkaroon ng pusa kasi madali ako hikain TT^TT  

Bakit “Call me Kuroneko”?

Tawagin niyo akong Kuroneko. Yun lang yun, haha. Ayaw ko masyadong bulgaran ang pangalan! (Ano daw? Haha) Ayos na kahit Neko lang. Haba kasi ng first name ko. 

Bakit Kuroneko ang naisipan mo?

Kasi naalala ko na sabi sakin ng nakaba-bata kong pinsan na malas daw yung pusang itim, nung tatawin kami. Sakto kasing may dumaan na pusa. Ayaw tumawid ng pinsan ko, edi sabi ko walang ginagawa ang Diyos na malas. Parang kahit ano pa yan, basta gawa ng Diyos, di yan malas.

RF: I'm tomboyish.

Yeah, tomboyish ako. Gusto ko lagi mukhang astig, haha, pero kalimitan sasabihin nila, “Ang cute mo tingnan." 

Reaction ko: ”Huh?“ (nangyari na kasi yun eh, paporma-porma ako tapos biglang ganun!)

Syempre, magtataka ako. Nagpaka-astig ako for nothing, haha. May mga times naman na gusto ko mukha akong babae. Yung may mga side clips, girly hair do’s and the like. Sa pagiging tomboyish ko, may mga language rin ako ng boys tulad ng: "Tol”, “Pare” and so on… Nagiging palamura rin ako, haha. Pero pag-girly side ko naman, pa-cute hitsura ko. Parang bata lang. Ang actions ko, pambabae talaga, lalo na pagkasama si mahal ko! Alam niyo naman, iwas turn off, haha. Pero sabi niya sakin ayos lang daw, kaya pag kausap ko siya, minsan magsasabi ako ng ganito: “Ay, lintek”, “Geh”,“Chillax, tol”. Di naman daw masama. 

Di naman kasi masama na kahit kaunti may boy side ang isang babae. Mas maiitindihan nila ang isang lalaki kung kahit kaunti, meron sila.

Feeling sorry for someone broken.

Naramdaman ko ito kanina nung nakita kong umiyak yung kaklase ko dahil broken hearted siya. Tuwang-tuwa pa naman siya nung umaga, pinapakita niya yung mga text nung mahal niya, kilig na kilig siya. Tapos nung hapon, may nakita siyang scene na di kaaya-aya.

Nakita niyang may kasamang babae yung mahal niya.

Di lang any other girl yung babae. Kasi yung girl, may posibilidad na may namamagitan sa kanila nung mahal ni classmate ngunit tinatanggi lang nila. Naisip ko, Kung ilalagay ko ang sarili ko sa kalagayan niya, siguradong iiyak rin ako. 

Tinanong ko nga sa isa ko pang kaklase yun, sabi niya: Di mo naman yun mararanasan, mahal ka ng mahal mo eh. 

Napa-isip ako, ang swerte ko rin kasi mahal ako ng mahal ko eh yung iba, sawing-sawi.

Inis ako sa actions nung lalaki. Huwag niya kasi i-tanggi kasi sa mga kilos niya, di malabong mapagkamalan namin na may namamagitan sa kanila nung babae. Pero alam kong di ako dapat mainis kay lalaki kasi di ko pa alam ang side niya. Hay, Love nga naman.