ilikeeee

Happy 7th monthsary!!! =)))) Yung habang nagtatype ako ng text message para sa kanya (tradition na namin every monthsary), naiyak pa dahil “Thank God i found you” ang BG music dahil sa patugtog ng kapitbahay. Bukas ko na upload yung photos. :)

Minsan parang okay din yung magbreak kayo eh. What labo =)) Eh di naman sa okay, parang yung good effect lang. Nung nagbreak kasi kami, suportado ako ng nanay ko sa lahat eh. January, nagpa-kulot ako ng buhok. Nagpabraces. Noong JS prom, bumili pa ako ng cocktail dress eh last year naman nanghiram lang ako. Pinayagan ako ng nanay kong sumagala. Tapos sa lahat ng gala, pinapayagan na ako ganyan. Parang sobrang luwag na sa akin. Siguro ayaw ng nanay kong makitang sad ako (?) WHAT. Naalala ko lang kasi si Annes nung binreak din siya binilhan daw siya ng DSLR ng tatay niya. Rich kid pota. Haha!

Paano kami nagsimula? (Long post ito, baka maboring ka.)

Simula nang una ko siyang makita, nakuha na niya yung attention ko. Oo, dahil sa looks niya. Pero mayroong “something” sa kanya kaya hindi ako basta-basta tumigil o nagsawa.

Nandyan yung papasok ako ng maaga, makita ko lang siya sa tapat ng room nila. Tuwing recess o kung walang teacher, nakadungaw kaagad ako sa pintuan ng room namin, makita ko lang siya.

Pag-uwi galing ng eskwela, mag-oonline ako kaagad. Yes! Online din siya. Nagbabakasaling i-message man lang niya ako. Araw-araw ganoon ang ginagawa ko. Nakabukas lang ang PC mula pag-uwi ko sa hapon hanggang 9PM. Dumadating pa sa point na sa harap na rin ako ng PC gumagawa ng mga assignments. Minsan naiisip ko kung nag-aantayan lang ba kami kung sino ang mauunang makipag-usap. Stalker din ako noon. Pangalan ng nanay, tatay, mga kapatid at pamangkin niya, alam ko. Etc. Pati mga pictures sa FB ng nanay niya na kasama siya, tinitignan ko rin.

Dahil nga, marami akong kakilala sa building namin lalo sa batch nila, lagi kaming inaasar. Kaya lang parang balewala lang naman sa kanya kaya naisip kong: ‘Di na ko mag-eexpect. Malabong magustuhan niya ako.

Gumawa pa ako ng group sa FB na puro nasa building lang namin ang kasali. Pero sa totoo lang, way ko yun para maging close kami. Desperada, no? Para wala. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Hindi niya pa rin ako pinapansin.

October  2011. Isang buwan at mahigit na lang birthday na niya. Bumili ako ng scrapbook, yung pinakabase lang. Pinuno ko yun ng mga sweet notes and lyrics. Doodle. Letter. Ilang araw bago yung birthday niya, parang naisip kong wag na lang ibigay. Nawawalan na rin ako ng pag-asa,parang 'di naman niya maaappreciate eh. Pero sabi nila, sayang naman effort. Edi sige, binigay ko na noong birthday niya.

Kasi nakapikit ako rito, tapos yung kaibigan ko umepal pa. :(

Haggard, grabeeee.

Nakanguso naman siya. :P

Kinagabihan, minessage niya ako.

Halos magtatalon na yung puso ko sa sobrang saya at kilig. At least, naappreciate niya. Ang saya lang.

Hanggang sa November 25, 2011. Awarding ceremony ng English club. Umattend siya. Yes! Gabi na kasi yun. May picture kami kaso nakadila naman siya. Tss.

Tapos, Sun-user na siya. Tinext ko siya pag-uwi ko, mga 11pm na noon.

“Uy, thanks kanina and congrats. :)”

Nalobat siya. Nagtext siya. Tinatanong kung sino ako. Naghintay siya hanggang magreply pa ako, kaya lang nakatulog na ako. Simula noon nagkatext na kami. Araw-araw. Simula umaga at gabi. Ang sarap sa pakiramdam. Yung taong crush mahal ko, katext ko palagi.

December 2, 2011. Umamin na siya sa akin. Pakiramdam ko ako na yung pinakaswerte at pinakamasayang tao sa buong mundo. Ang dami-daming nangyari, pero eto na. Ilang buwan na rin pala niya akong gusto. Ilang buwan na rin niyang tinatagong nahulog na siya sa akin. Sana hindi na matapos 'to. ♥

Nakakamiss yung feeling na inlove. Hahaha xh3t.

Sa sobrang nakalimutan ko na yung lahat ng tungkol sa amin, ang naaalala ko na lang ay yung mga 1st week na nagkatext kami. Yung kung paano siya umamin sa akin. Ganyan. Nakakatuwa sobra kasi crush na crush ko siya, tapos crush niya rin pala ako. Naging MU at nagligawan for 4 months. First boyfriend ko si Bryan. Tapos iniwan lang ako. Nakakapunyeta lang. Hahahahaha. Tapos ang naaalala ko na lang din ay yung last 3 texts na siyang dumurog ng puso ko, nakikipagbreak na ang hudas. Ganda kong ‘to? Tsaring! May closure naman kami. Sa school nga lang, uwian pa. Daming tao, medyo telenovela ang peg namin. Na naiyak kagad ako nakita ko palang siya. Hahaha depota lang. Pero ewan. Ineenjoy ko naman ang buhay ko ngayon na wala na siya. What. 4 months na rin naman kaming tapos. Minsan naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kung namimiss ko ba siya o mahal ko pa (?) Lalo na ngayon may GF na siyang iba. :(

*Inaayos niya yung buhok ko lalo na pag mahangin.

*Sinasabihan pa rin akong cute kahit na hindi ako nakaayos at di pa nakaligo noong biglaan siyang nagpunta sa bahay namin.

*Pag umaalis kami, gusto niya susunduin at ihahatid pa ako sa bahay namin.

*Pag naglalakad, gusto niya ako yung nasa sidewalk talaga - I’m not saying na sa kalsada siya naglalakad LOLOLOL - you know what I mean.

*Pag kumakain, sinusubuan niya ako lagi.

*Lagi niya kong kinikiliti sa tagiliran.

*Lagi niyang tinutusok or pinipisil yung ilong at pisngi ko.

*During schooldays, inaantay niya ako lagi sa gate.

*Sinasamahan ako kahit saan.

At marami pang ibaaaa. <3 Mahal na mahal ko ‘tong lalaking 'to. Hindi ko siya ipagpapalit. <3 :) =)))

Hi there. Sorry kung ginamit ko ‘tong picture mo. Inedit ko pa yung Brightness. LOL. Bakit ba kasi ang camera shy mo. :“> Eh gwapo ka naman. :”> Ehhhh. HAHAHA. Okay, di ko pa rin nirereveal name mo rito ha. K. See you sa 3rd flr. XD

8

MonDATE. ♥

  • Bumili ng Samsung Champ, sira na phone ko eh.
  • Mga 2 hrs. kasi di ako makapili saka 3k lang budget ko. Biglaan kasi.
  • Pizza hut plus Snowpy ice cream.
  • Nandito lang sa bahay.
  • Nakakabobo ang Geometry. Ung potulates at theorem sa transversal.
  • Kakauwi lang nila, 8:15pm.
Kwento na ako guise.

So, ayun. Wala ng “kami”. December 31, 2012. Nakipagbreak siya sa akin. Tapos na ang fairytale ko. Tapos na lahat. Sa kadahilanang hindi na raw siya masaya. Hindi na mutual yung feelings. Sorry raw blabla. Bullshit. Hindi man lang naisip yung pinagsamahan namin. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng angkan ko. Hayaan ko na lang. Pinakilala ko pa tapos iiwan lang din pala ako. May bali-balita pang may ka-MU iba. Ganun na lang ba yun? Putang ina. Gusto ko na ngang matapos ‘tong katangahang 'to eh. Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko kahit mag-iisang buwan ng tapos. Tapos na yung chapter namin. Pero sana… may sequel.

5

Had a wonderful day with my baby. :’) Had our lunch at Mcdo. Tapos dun lang kami sa bahay nila. Kumain ng chocolate at cinnamon. Nanood ng cartoons. :-) Mga 6 hrs din kaming magkasama. Namiss ko ung ganito katagal naming bonding. :)

Ahoy! Kakauwi ko lang. Quota ako. Charot!

Nagkayayaan kami nila Cathy at Sean sa Infinitea dito malapit sa amin. Pagdating ko nandun din pala si Dom. Tapos nood daw sagala sa Tanza. Edi go. Naglakad lang hanggang Baritan, layo nun ah. Nagpunta kami kila Bryan kasi nandun pa sila sa bahay saka ni Pj. Dapat hindi ako papasok sa loob eh sinabi ata ni Sean, kaya pinapasok na rin ako. Nakausap ko yung mommy ni Bryan. Kinakamusta ako. Talagang umupo pa siya dun sa pagpasok sa bahay nila ah. Yung parang sala ganon. Ewan kung anong appropriate term dun. Niloloko pa si Bryan, magHi daw sa akin. Nag-usap kami tungkol sa college ganyan. Hanggang sa lumapit na si Sean dahil aalis na kami. Sabi ng mommy ni Bryan, “Sige, aalis na pala kayo. Next time na lang tayo magchikahan.” May pahabol pa yan. Napansin niyang nagparebond ako. Tapos sayang daw kulot ko, bagay daw kasi sa akin. Ang close namin diba? Sayang talaga kami ni Bryan. Dyoks. Tapos nagpunta na kami kila Nichol. Ahem. Itong si Nichol yung nagustuhan ko after ng break-up namin ni Bryan. Ang landi ko po. Choth. De. Ano, para bang nung una kasi pinapakita niyang gusto niya rin naman ako eh kaso ewan. Nagbago ihip ng hangin. Buti na lang hindi ako na-fall. Nood sagala. Tapos nag-artihan. NagMcdo na lang kaming tatlo nila Nichol at Dom. Loko ‘to si Dom inaasar ako. Quota raw. Mga lalaki noon sa buhay ko. WHAT! De, Bryan kasi tapos Nichol diba? Sabi pa nga kanina sa akin ni Nichol kanina, “Sayang kayo ni Bryan. Mag-iisang taon na dapat.” Ina niyong mga lalaki kayo. Dyoks. Pero seryoso, wala akong naramdamang kilig kanina. Basta ang alam ko masaya ako sa buhay ko ngayon. What, send ko 'to kay Ate Charo.