iibigin

2:10 am.

Tulog . Bago matulog naisipan ko maglaro ng flappy bird ko . Edi hala cge pindot . Tenen tenen ang tunog ng bawat tubo habang nadadaanan ni flappy bird . And then humingi ako sign (adik ko hihingi nalang ng sign sa flappy bird pa) sabe.ko pag lumagpas ako 30 sya pa din talaga ang aking iibigin . Edi mindset ko kelngan ko maka 40 +.something kasi gusto ko sya pa din , pero it turns out 9 lng score . Naisip ko tuloy kahit na yung motivation mo na makuha o mapaibig ang isang tao ay malakas or gustong gusto mo sya or.gagawin mo lahat para sa kanya ay bali wala rin kung nya talaga . Ill take it from flappy bird . Haha 9/30 ugh wala pang 1/3 .

osya salamat sa pagbasa ng kabaliwan ko good night

Ps . Last time na nagflappy.bird ako jan or feb of 2013 haha

Andito lang ako naghihintay sa’yo
Kahit na matagal ay kakayanin ko

Kahit na anuman ang mangyari
Hinding-hindi kita iiwan

Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
Dahil kuntento na sa’yo

Ako na nga ang swerteng lalaki sa mundo
Dahil nakilala ko ang isang tulad mo

Kahit na dumating man ang mga problema
Hinding-hindi ako susuko

UNANG PAG-IBIG TULA(First Love Poem)

Noong ako’y umibig nagsimulang mangamba

Aking pusong iyong ginambala

Di malaman ba’t may nadaramang kaba

Dahil nga ba ikaw ang pang-una?

Simple lang ako noon

Walang pakialam sa paglipas ng panahon

Ngunit iba na ata ngayon

Simula ng ibigin kita kahapon

Noong ako’y sigurado na sa aking nadarama

Doon ka naman nagmahal ng iba

Maaari ngang mapaglaro si tadhana

Para bang tayo’y hindi talaga itinakda

Gusto kong isipin na ako’y iibigin din

Ng taong aking mamahalin

Ngunit parang siya’y walang damdamin

Na nakalaan para sa akin

Masakit sa aking, ang pangyayaring ito

Lalo’t unang pag-ibig ito ng puso ko

Kaya hindi mapigilan na mapaluha ako

Sa tuwing siya ay naaalala ko

Grabeng pag-ibig na aking nararamdaman

Para sakanya itong nilalaman

Nang puso ko at isipan

Palagi siya ang napapanaginipan

Dumating ang araw hindi na tayo nagpansinan

At hindi na pwedeng maibalik ang pag-kakaibigan

Simula na nga ba nito ng walang pakielamanan?

Ang ating pagkakaibigan ay dapat nang kalimutan

Naalala ko ang iyong pag-amin sa akin

Ngayon ba’y tinangay na ng hangin

Ang pag-ibig mong para sa akin

Siguro’y aking damdamin ay nararapat ng pigilin…

"Mahal Ko O Mahal Ako"

Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais

At siya’y narito
Alay sa ki’y wagas na pag-ibig
Nalilito
Litong litong lito

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito

Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

Kahit di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa yo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako’y iyong ibigin

At kung sadyang siya’y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin siya

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito
Sinong pipiliin ko

Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya baaaaaaaaaahhh
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito
Litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

Page 8 of 365.

God loves a cheerful giver. - 2 Corinthians 9:7

Oh friends dapat daw kapag magbibigay, hindi dahil obligado o napipilitan lang. Parang pag-ibig lang yan. Hindi ka iibig dahil umaasa kang iibigin ka rin pabalik. Chos.

How we give is more important than how much.

[01.08.2014]