heyponks

Summer class.

Ito ang isang bagay na iniiwasan ng mga nasa college na. Pero minsan kahit anong iwas ang gawin mo, wala parin. Kung sa tingin mo ay nakakainis or nakakahiya mag summer, mali ka don. Ang saya kaya. Hindi dahil may allowance ka, masaya dahil sa mga taong makikilala mo. Hindi mo naman pwedeng piliin ang mga taong pwede mo lang makilala eh. Na sa mga taong makikilala mo ay marami ka ring magiging kaibigan na magpapasaya ng araw mo. Yung tipong matutulungan ka din pag nahihirapan ka. Yung mga bagay bagay na to ang hindi naiisip ng karamihan sa mga nag-ccollege.