Hindi ko maintindihan kung bakit..

galit na galit kayo dahil parehas na parehas ung kinonvert kong theme sa theme na ginawa mo na ginagamit kong theme sa isa kong tumblr. Hindi ko siya pinalitan, bakit?  kasi alam kong hindi ko siya ni-rip, at in the first place dapat hindi ko siya nirip kung alam kong madaming makakaalam. Right? Tapos sasabihin mo, magdedeactivate ka? Anu ung ginawa ko? Hindi ako nangaaway, nagsasabi lang ng totoo.

Gusto niyo ng proof?

eto proof: http://www.blogskins.com/info/352603/

Bakit kapag nanliligaw ang lalaki..sweet?

Tapos kapag sinagot mo na, parang nawawala na ung pagiging sweet niya.. Parang taken for granted ka na, kasi nakuha na niya ung “OO” mo.. Sabihin na nating mahal ka niya pero.. nabawasan ung pagkasweet niya kasi nakuha ka na niya eh, kayo na. Ang lamig na nung actions niya sa ‘yo. Parang ang distant na niya. Sana pala lagi nalang siyang nanliligaw sa ‘yo para sweet pa din, malambing. Kaya dapat hindi sila nagrereklamo kapag matagal silang sagutin o pinapayagan ligawan pero walang balak sagutin. Sila din naman may dahilan kung bakit ganyan kaming mga babae eh.

Sabihin nating 2 weeks ka nang nanliligaw tapos hindi mo parin nakukuha ung “oo” ng nililigawan mo. Magrereklamo ka na matagal? Hello, dati nga months kung manligaw eh tapos ikaw linggo lang nagrereklamo ka na? Excited? Atat magkasyota?! lol

Kaya matagal pa namin kayong sagutin kasi, Ineenjoy lang namin pagiging malambing at sweet niyo samin noh. HAHAHAHAHA

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video