For the Man I Love

“Something about first love defies duplication. Before it, your heart is blank. Unwritten. After, the walls are left inscribed and graffitied. When it ends, no amount of scrubbing will purge the scrawled oaths and sketched images, but sooner or later, you find that there’s space for someone else, between the words and in the margins

            I can’t believe that despite of the hurt that I’m feeling right now, eto ako itinatala pa din kung gaano ko minahal ang isang tao na syang dahilan ngaun kung bakit ako nasasaktan. I’ve been hurt by the same person not just once or twice. Nasaktan ako ng napakaraming beses pero eto ako patuloy pa din na nagmamahal sa kanya. Alang galit, sama ng loob o kahit ano pa man kundi pagmamahal. Isa lang ang alam kong dahilan kung bakit nangyayari sakin to. Iyon ay para pagtibayin ako bilang isang tao.

            Sa  umpisa pa lang ng aming relasyon, isang mabigat na desisyon ang kailangan kong bitawan na kahit ala naman nagpapapili. Nakuha ko siyang isuko, kapalit din sa isang taong napakahalaga sakin. Ang dakila kong lola. Aminado ako, lahat ng pagpapataboy ginawa ko, pero ayun patuloy pa rin syang nakatayo na daig pa ang isang pader na hindi matibag tibag kahit anong gamit man ang ipukpok dito. Humanga ako sa katapangan nya na un na anging dahilan upang maging pundasyon sa aming relasyon. Sya ang umagapay sakin sa mga panahong nakalubog ako at di makaahon mula sa pighati na naramdaman ko ng mawala ang tao na naging dahilan upang bitawan ko sya.

            Conflict started to rise , nagkasala sya sakin sa unang beses pero sa kabila ng lahat napatawad ko sya dahil lakas loob niyang inamain sakin ag isang katotohanan na bibihira lang sa lalaki ang aamin sa pagkakasala na un. Naging childish ako sa loob ng 4 na buwan na pagsasama namin. But he’s there to understand and love me always. Untill our relationship ended.

            Pero di kami dun nagtatapos, sa loob ng 3 taon we communicate with each other. On and off. Yes, napakagulo ng naging pagsasama namin. He always left me. Nakukuha nya kong bitawan para sa iba. Pero sa mga oras na bumabalik sya, eto ako lagi ko pa din syang tinatanggap. Isipin na lahat ng gustong isipin sakin. Pero isa lang ang masasabi ko, nagmamahal lang ako, kaya sa kabila ng sakit nakukuha ko pa ding magpatawad at tanggapin sya ng buong buo at buong pagmamahal.

            And know, dumating na ang oras  upang magkaroon kami ng closure. I give up hindi dahil sa nasaktan ako ng sobra kundi dahil mahal ko sya at gusto ko syang sumaya. Kasiyahan na hindi ko naibigay. Labag man sa kalooban ko, pero kailangan. Ngayon, hindi na kami hawak-kamay na haharap sa mga bagay-bagay. Pero umaasa ako na isang araw magbabalik sya hindi para saktan ako muli pero para iparamdam na sakin ang bagay na makakapagsaya sakin ng sobra sobra.

            Ala akong bagay na pinagsisihan. Kundi puro pagpapasalamat dahil binigyan ako ni God ng isang taong magmamahal din sakin at pagpapatibayin ako. sa lhat ng memories may dumating mang iba pero hindi nun mapapalitan lahat ng bagay na pinagsamahan natin. Isang bagay ang lagi kong hinihiling kay GOD para sayo, ang iguide ka at pagtibayin din.

#forthemanilove

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video