estudyante

Ilang araw na lang pasukan na. Amoy na amoy na naman ang simoy ng mga bagong uniform at notebook. Mag-uumpisa na naman kasi ang isang taong pakikipagbuno mo sa school. Ang marka ng pagtatapos ng Tumblr-All-Day mo at umpisa na ng ganitong mga eksena

  1. Patindihan ng evolution. Mga classmate mo na nag-evolve na parang pokemon. Di mo sya makilala dahil nagpagupit, nagpataba, nagpapayat, nagpaputi o baka nagparetoke, DI NAMAN BAGAY. Hahahaha!
  2. Pakintaban ng sapatos. Mga sapatos na nilublob sa kiwi tas parang pinahiran ng mantikilya. Haha. Tuwing pasukan lang naman iniingatan. Pagdating ng July, di mo na makikilala, mukha na kasing bota. Haha.
  3. Mga awkward maglakad. Kasi hindi mailakad ng maayos yung sapatos. Parang may taeng natapakan. Hahahaha. Yung iba naiiwan pa kasi maluwag. Lagyan mo ng papel, yung bagong bili mo. Ubusin mo. Haha!
  4. Lahat may papel. Hindi uso ang hingian. Lahat may isang pad na papel. 1/4, 1/2 crosswise pati lengthwise, naks! Next month, parasite na ulit lahat. Di na uso ang bili, hingi na lang. Oha.
  5. "Introduce yourself". Patay na. Kung ilan ang subject mo, madalas ganyan kadami ang pagpapakilalang magaganap. Syet. Yun din naman ang sasabihin mo. Kaso nakakahiya talaga. Huhu. *arte*
  6. "Sana mabait ang prof". Di mawawala ang panalangin na SANA MABAIT SI MAM/SER. Lahat ng santo tatawagin with matching pikit-pikit pa at crossed fingers. Kaso bad news: Di epektib. :(
  7. Unahan makakita ng gwapo/maganda. Syempre di mawawala ang kalandian sa katawan. Dapat mauna kang makakita para sayo na yun. Babakuran mo na feeling syota ka. Haha. Saka para kayo na ang loveteam. Oyeah. 
  8. Pagalingan magbait-baitan. Bawal ang masungit. Dapat friendly. Kapag natapakan ang bagong sapatos mo, isipin mo si Carmina sya sabay sabi ng “Tara binyagan na natin yang new shoes mo” sabay ngiti. lol
  9. Padamihan ng baon. Kapag first day madalas marami kang baon. Malamang naipon mo nung summer o kaya paasa ang parents mo, akala mo yun na talaga baon mo buong taon, non pala kinabukasan kalahati na lang. Saklap.
  10. Maagang pag-uwi. Wala pang gala. Wala pa kasing friends o kaya nagpapa good shot. After ilang linggo, di na uuwi yan. Hahahaha. 

Pero ang the best? Yung tumatawa kang mag-isa sa first day kasi nangyari sayo tong mga to. Hahaha! Tapos akala nila baliw ka. Ew.

2
Kanina habang nagprapraktis kami, may mga magaganda at pangit na bagay ang nangyari, at dahil dun nakabuo ako ng labing-isang uri ng groupmates.
  1. Leader- Sila yung laging gumagawa ng settings, time, at plan ng group. Sila yung laging may idea. Sila yung laging nasusunod kasi sila yung in-assign ng teacher.
  2. Idea Giver- sila yung mga artistic, laging may idea at plan. Sila yung laging kasama ng leader kasi lagi mutual ang iniisip nila, at pareho sila nang layunin na magkaroon ng maayos at magandang outcome. Sila yung taong lagi pinag-aagawan.
  3. Followers- Sila yung tipo ng groupmates na sunod ng sunod lang. Kahit anong sabihin ng leader okay lang, kasi minsan ayaw niya nang kumontra kasi baka magkagulo lang, o kaya naman sumusunod na lang sila kasi yun na lang ang matutulong nila.
  4. Quiet- sila yung laging present pero absent ang presence, sila yung mga nasa gilid lang at may ibang mundo. Sila yung tatanungin mo kung anong sinabi mo dahil hindi sila nakikinig. Medyo related sila sa mga Followers, dahil sinusunod lang nila yung mga sinasabi ng Leader.
  5. Late Comers- Sila yung huling dumadating, sila yung may magagandang idea kaso hindi nasusunod kasi hindi sila yung leader saka wala silang karapatan kasi nagawa na yung plano at mahirap magsimula ulit. Sila yung mga taong nasasabihan ng “Dapat kanina ka pa nandito para kanina mo pa nasabi”.
  6. Nuisance- in tagalog “asungot”, sila yung panggulo lang, sila yung mga maiingay at laging hindi sumusunod. Sila yung mga pasaway.
  7. Joker- medyo konektado sila sa mga Nuisance, pero in a funny way, sila yung mga gumagawa ng segway para magpatawa. Sila yung dahilan kung bakit entertaining, hindi boring at ang sarap panuorin ng presentation.
  8. Antagonists- ang kontrabida, sila yung laging may reklamo at against sa leader, may iba silang idea kaya ganun, o kaya naman hindi nila gusto ang idea. Ganun pa man, sila yung nakakatulong para maiayos yung presentation kasi sila ang nakakapansin ng mali at hindi magagandang bagay.
  9. Explorer- sila yung after gumala ayaw pa umuwi at gusto muna magbahay-bahay. Sila yung tumatakas sa mga gawaing bahay o kaya naman walang magawa sa bahay. 
  10. Always absent - 
    • Mga may strict na parents at laging hindi pinapayagan, dahil baka gumala lang daw ito, o kaya naman masyadong secure ang parents na baka hindi safe ang lugar na pupuntahan nito.
    • Mga tinatamad, sila yung mas gusto pang magDotA/computer kaysa pumunta sa practice, sila yung laging walang alam at walang interes sa presentation. Sila yung laging hindi alam ang partisipasyon at nag-aabsent na lang sa araw ng presentasyon.
    • Mga busy o kaya naman may excuse letter, yung mga hindi makakapunta kasi may work, may review, may pupuntahan, at iba pa. Sila yung mga text ng text ng “Sorry hindi ako makakapunta, babawi na lang ako sa susunod”. Absent man sila, nagpapakita pa rin naman sila ng interes at may natutulong parin sila sa group presentation dahil alam nila yung gagawin nila with the help of text and internet, at maaga silang pumapasok o pumunta sa araw ng presentation para paghandaan ang part nila.
  11. Rich kid- sila yung mga kaklase mong sagot ang bahay ng pagprapraktisan at ang meryanda niyo. Sila yung may mga WiFi sa bahay, at may gadget pangresearch at selfie. Sila laging sagot o nagaabuna sa mga group expenses. 

Isang tanong pero dalawang klase ng tao ang maaaring nagtatanong. Isang hindi pa nakakagawa ng requirements na dapat ipass at isang nagmamagaling na nakagawa na ng dapat gawin na mas lalong nakakapagpapressure sa mga hindi pa nakakagawa. Oo at hindi lang ang sagot pero may malaking epekto. Mas madalas kong gamitin ang tanong na yan dahil hindi pa ako nakakagawa ng mga requirements at ang aim ko ay makahanap din ako ng mga class/blockmates ko na hindi parin nagsisimula. Aminin na natin na mas magaan sa pakiramdam na hindi ka lang nag-iisang nahihirapan o  tinatamad gumawa ng mga bullshit na pinapagawa nila sa atin. Pero sa huli naman gagawa at gagawa parin tayo. Wala eh yun ang kailangan.

"Excited pero kinakabahan"

Yan naman talaga ang reaksyon kapag magka-college pa lang ang isang estudyante. Syempre mataas ang expectations nya sa college life nya. Maraming pagbabago at siguradong iba kaysa nung high school.

So eto ang ilan sa dapat malaman ng mga INCOMING COLLEGE FRESHMEN:

  1. Expect changes. Gaya nga sabi ko, hindi na to gaya ng high school. Di na to gaya dati na papasok ka ng 7 or 8 tapos uuwi ka ng 5. Iba-ibang schedules na yan kada araw at dapat kang makapag adjust kagad. Pati mga kaklase mo iba na ang set up. Kung dati isang section kayo, ngayon iba-iba na ang classmates mo kada subject. So, learn to adjust and to adapt, ASAP para di ka mahirapan.
  2. Course and School, CHECKED. Dapat may desisyon ka na kung saan ka mag-aaral. Enrollan na rin kasi sa ibang colleges ang universities. Advantage yun kapag maaga kang makapag enroll. Hindi ka mauubusan ng subject, classroom, makakakuha ka ng magandang sched kung pwede o kaya makakapag handa ka na sa pangit mong sched. Dapat din sure ka na sa course mo. Yung alam mong itataguyod hanggang masundan yung diploma mo nung High school. Mahirap kasing magsisi kapag napasubo ka sa course na di mo naman pala trip.
  3. Find the best place to live/stay. Isang factor ang titirhan mo sa pag-aaral mo. Mahirap kapag sobrang layo sa school, patay ka sa byahe tapos lugi ka pa sa pamasahe. Kapag naman maingay yung lugar na tinitirhan mo, apektado rin ang pag-aaral. Dapat yung mejo malapit sa school mong napili at mura pero komportable.
  4. Start buying school stuffs. Uniforms pati gamit sa school dapat unti-untiin ng bilhin. Tandaan wala ka na sa high school para bumili ng walo o sampung notebook. Mas mainam yung binder tapos ballpen, bag, okay na yun. Sasabihin naman yung requirements sa umpisa ng klase so don’t worry. Magkakaroon ka pa ng chance bumili.
  5. Enjoy the rest of your vacation. Huwag munang mag advance reading, hindi maganda yun. Enjoy mo muna yung bakasyon. Mas maganda yung relaxed ka kapag pasok instead na madaming tumatakbo sa utak mo na kung ano-anong nabasa mo tungkol sa subjects nyo.

Last na ARAL mo na to. Dapat hindi to sumablay. Ito na ang magdidikta kung ano ka sa hinaharap. Kung magpapa-easy easy ka, patay ka. Pero kung magpupursige ka, 4 or 5 years from now, sigurado akong magiging proud sayo ang magulang mo at ang Alma Mater mo. ;)

3

Project ko sa Computer Graphics.

Yung feeling na yan palang nagagawa ko tapos yung mga classmates ko halos tapos na. :P Ako na ata pinakamasipag samin. :PP Yung mga ginagawa ng mga classmates ko puro mansion tapos ako 2 story lang. First floor palang nafufurnished ko. Kulang pa nga din yan ng wall paint at designs. Sana matapos ko na. Ewan ko ba tinatamad ako gumawa kapag project ko. :P

Mayroong tatlong klase ng estudyante kapag uwian.

1. Nandyan yung mga taong nagmamadaling umuwi ng bahay. Yung tipong pag 5 minutes before mag bell hindi na mapakali at tingin ng tingin sa orasan o sa relo nila. Sila kasi yung mga estudyanteng may mga ginaganapan sa bahay. Yung mga estudyanteng may responsibilidad sa bahay nila kaya naghahadali sila. Pero yung iba nagmamadali dahil gusto lang nilang magpahinga. May pagkatamad pala.

2. Nandyan din yung mga estudyanteng pagkalabas ayaw pang umuwi. Tumatambay muna sa kung saang parte ng campus. Minsan kasi dinaramdam nila ang presensya ng nito. Parang nakakagana kasing mag-aral. Minsan din kasi nakakaboring sa bahay kaya ganun. O di kaya tinitignan lang si crush. Tag-landi lang din pala.

3. Nandyan yung mga estudyanteng nagmamadali lumabas dahil may lakad pa sila. Maglalakwatsa pa sila kasama ng mga kaibigan nya. Dun sila masaya eh mapipigilan paba yan. Hayaan nalang diba? Kasi wala sa bahay o sa eskwelahan ang kasiyahan nila kundi nasa galaan. Lakwatsero talaga.

Ikaw anong klaseng estudyante ka?

              Grade measures intelligence and efforts.

Hindi dahil puro tumblr ang inaatupag ko eh ibig sabihin nun hindi nako nag aaral. Oo, madalas eh puyat ako kakatumblr pero kahit kelan di ko naamn pinabayaan yung pag aaral ko. Nakakatwua yung mga classmates ko kasi papetiks petiks lang daw ako tapo ganyan grades ko. Sanay na sila sa ganyan. Medyo nadisappoint ako sa grades ko ngayong sem kasi feeling ko mas deserve ko yung mas mataas na grades lalo na sa Accounting at Phil Consti, Kahit naman palagi akong tulog kapag Accounting eh perfect ko naman lahat ng quizzes at exams dun. Ewan ko bakit ganyan grade ko. Sa Consti naman i was aiming for 1.25, pero fair nadin yan,

Yung sa STAT1, oha ang saya makaflat 1 dyan kasi sinusumpa yan ng lahat ng mga nagtatake ng subject na yan. Natutuwa ako sa lab at lecture professor ko kasi ako daw ang top performer sa mga tinuturuan nila. Nakakatulong talaga yung pagpapatutor ko sa mga taga tumblr para maintindihan ko ang lessons. Yung grade nalang sa MOR kulang. Kampante ako dun kasi best na nagdefense din ako dun sabi ng panelists. mwa Salamat Lord >:)<

Semester Break

SEM BREAK na! Pero wag ka masyadong excited, may mga pros and cons pa rin yang semester break na yan guyth! >:P 

LE POSTIVE SIDE:

1. WALANG SCHOOL PROBLEMS - ang semester break ay panahon para maging isang pangkaraniwang tao ulit, walang mga nakakalulang assignments, walang mga surprise quizzes, walang nakaka-nosebleed na examinations, walang terror na instructors, walang masyadong gagastusin, at walang projects. sigurado akong ikakasaya toh ng mga katulad kong tamad na estudyante. HAHA

2. MAKAPILING ANG PAMILYA - especially dun sa mga college students na kailangan pang lumuwas ng probinsya nila para lang makapag-aral. Ang sembreak ay isang napakagandang opportunity para makapiling nila yung mga family nilang five months na nilang hindi nahahagkan simula nung start nung klase sa June. Maganda toh for having quality and great time para sa buong pamilya, pwede ring gawin nila itong isang pre-christmas celebration. Diba ? Ganun lang

3. RELAX - ang buhay ko kapag sembreak ay isang pelikula, i mean isang literal na pelikula ! HAHA. Movie marathon lang kasi yung inaatupag ko, mula gabi hanggang umaga, araw-araw. Ang schedule ko every sembreak ay, tulog, gising, laptop, movies, kain, tulog, gising, laptop,movies, kain … GANUN lang ! xD
Kasi nga, bagong labas lang ako ng preso school so i need a lot of time for relaxation muna. So yun, for 3 weeks, puro pagiging buhay prinsepe lang inaatupag ko. HEHE


LE NEGATIVE SIDE: 

1. WALANG ALLOWANCE - as in zero balance. Etoh kasi yung common na scene na nagaganap tuwing sembreak:
AKO: Mommy, pengeng pera, please? 
MOM: HAH! ANONG PERA! NAGPAPASALAMAT NGA KAMI NG DADDY MO NA SEMBREAK NGAYON PARA NAMAN MAKAPAGIPON KAMI! WALA KA  MUNANG BUDGET NGAYON KASI … RAT TA TAT TAT TAT TAT TAT TATT!!! 
 
ayun naging insatant machine gun lang yung mother ko. hehe. but i still love her. mwahpz

2. MATAGAL KANG MAWAWALAY SA MGA KAKLASE MO - at alam naman nating (well, most of the time) nasa mga kaklase lang din natin yung mga friends natin. Pero kapag sembreak, we all have our own separate lives, kailangan nilang makipag-bond sa pamilya nila as much as you do, so forever alone ka muna. Ok ? Be an EMO for 3 weeks muna. Pahabain mo bangs mo and learn to use an eyeliner. =D

3.  BORING - minsan kasi, wala ka ng magawa, or kahit meron kang mga ginagawa, nakaka-soka na dahil pa-ulit-ulti mo nalang itong ginagawa araw-araw buong sembreak at hwag na hwag mong sasabihin sa’kin na hindi nakaka-bored yan. Minsan nga, lalo na yung mga babae, nag-papamusic ng “All By Myself” ni Celine Dion tapos iiyak lang sila sa isang corner at kakanta kahit hindi abot yung kanta, alam kong ginagawa ng iba yun kasi ganyan pinag-gagawa nung cousin ko. HAHA. Well, wag nyo lang masyadong i-boobs yung boredom nyo kasi baka ma-rehab pa kayo. Ok ?


So yun lang. Nasa sa inyo na rin yun kung paano nyo ii-spend yung semester break nyo.  PAK!

Linya pagkatapos ng exam
  • "Bawi na lang next time"
  • "Prelim pa lang naman, may finals pa"
  • "Shit. Yun nga pala sagot dun!!"
  • "Tama na, binura ko pa."
  • "Gago ka, di mo ko pinakopya"
  • "Wala man lang natanong sa nireview ko"
  • "Buti na lang di ako nagreview. Wala pa sa reviewer"
  • "Di naman to tinuro eh"
  • "Yes. Tama ako!!"
  • "Uwi na tayo. Wala ako sa mood"
  • "Ang bilis ng oras. Di ko natapos. Fvck!"
  • "Nalito ako. Huhu"
  • "Sabi mo Letter D. Dinig ko B. Dog kasi"
  • "Bagsak ako dun for sure"
  • "Pababaan tayo ng score oh?"

Ganyan ang laging linya pagkatapos ng exam. Minsan may naiiyak pa. Pero ang pinakamasakit mong madidinig?

Classmate: Oy, nasagutan mo yung Test II?

Ikaw: Huh? Anong test II?

Classmate: Yung nasa likod nung papel. 

Ikaw: MERON TEST TWO??????????!! Fvck!! Kaya pala ang bilis kong natapos. AAAAAAAAAAAH!!

Tinuturing silang pangalawa nating magulang. Di man alam kung bakit pero siguro dahil pangalawang bahay natin ang school kaya siguro dapat nandun din yung pangalawang magulang natin.

At gaya ng mga magulang natin, iba-iba rin ang ugali nila, 

  1. Terror Prof. Ang unang kalaban ng mga estudyante. Masusungit at badtrip na teacher. Hindi mo alam kung gumaganti kasi ginanon din sya dati ng prof nya. Sila yung kapag pumasok na ng room, pigil tawa at hininga ka na. Bawal maingay at walang kikilos ng masama.
  2. Joker na prof. Yung mala-Vice Ganda kung mang-okray at magpatawa. Nauuwi sa kalokohan ang topic. Madalas puro joke at kalokohan lang ang natandaan mo sa tinuro nya. Minsan naman sila yung nagdedeliver ng GREEN JOKES. Ehem. Buhay lahat kapag yun na ang topic.
  3. Weird Prof. Kung ano-ano ginagawang ka-weirduhan. Nagsasalita mag-isa. Sumasayaw o tumatawa na lang bigla. Weird nga kasi. 
  4. Matalinong prof. Yung prof na hindi nagdadala ng book sa klase pero nakakapag discuss. Memorize ata ang book at kahit anong itanong mo, alam nya. Madalas walang kilay kasi nasunog na lahat kakaaral.
  5. Feeling reporter na prof.  Yung dire-diretso lang sa pagtuturo. Maaga sa oras papasok tapos late pa minsan mag-dismiss. Di ka makakapagtanong sa kanya kasi di ka makakasingit. Para kang na armalayt kapag nag-umpisa na sya. Sa huli, nganga ka lang, kasi wala kang na-gets.
  6. Puro pa-report na prof. Yung estudyante lang ang nagdidiscuss. Taga-grade lang sya. Lupet. Bale self-study lang ang gagawin mo. Tapos kapag nagreport ka, babantaan mo yung mga classmate mo na, "Bawal magtanong".
  7. Tamad na prof. Madalas absent. Ang favorite ng mga estudyanteng kapwa tamad. Walang pake kahit di masulit ang tuition nila. Ang mahalaga, makapasa. Ang masama nito, minsan kung sino pa yung tamad magturo, sila pa madamot sa grade.
  8. Hot na prof. Yung mga prof na artistahin. Tipong ganado kang pumasok sa oras nya, makita lang sya. Nakaka-Hnnnnnnnnnnnng. lol
  9. May favoritism na prof. Mga prof na mahilig sa hayop este sa pet. Madalas may best friend na estudyante. Laging yun ang uutusan, tatawagin sa recitation, kakausapin tapos kapag labas ng grade, sya ang highest.
  10. Mabait na prof. Di ko alam kung sino sila pero gusto sila ng marami. Siguro sila yung NORMAL na prof. Magtuturo, makikisama ng maayos sa estudyante, pwede mong kausapin, nagagalit lang kapag sobra na at maayos mag-grade. Teka mabait ba tawag dun?

Minsan kasi hindi naman talaga yung subject ang problema kaya ka bumagsak, yung prof talaga. Swertihan lang din yan. Di ka makakagraduate na walang kang naeexperience na masungit na prof. Pero kahit ganon, ganyan o ganito sila, dapat silang irespeto. Kung wala sila, di ka estudyante. lol