estimationproject

Estimation: 1393 Days

Spilled out a bit, an epic day.

Isa-isahin ko nalang. Ohno, alam mo ba! First time ako malate sa Acad1 review, grabe; pawis ako pag-akyat, awkward para sakin lang ewan ko sa iba. Who cares? Blablah. Antagal ng math ampuuu. Lampas Lagpas na amp. Nagbigay pa ng dalawang modules as assignment! WTF. Uhh gosh.

Tapos skip skip, LRT yeah to Baclaran, tapos jeep jeep sa SM, kain lunch sa KFC—nagjoke si Karl sabi ko instead na chumechempo, shumeshempo haha K., umikot ikot, dumiretso sa Starbucks, nakita ang love of life ni Elein, bumili because you know what time of the day it is! “HAPPY HOUR” bla bla, Strawberries and Cream na Venti binili ko bla bla, tapos nag-argue kami ni Renzo ahaha, di mo alalamin kung bakit buong araw, tapos pumunta sa UPS5 dapat, pero napadpad sa bahay ni Nat sa Valley 1 para umihi sila, kwento kwento sa Trike, pumunta sa SM Bicutan kasi magpapagupit ako at nandun si hanna, kaya yun. Kanina kanina lang ako nakauwi kasi nagshopping pa kami, nagpagupit pa ako, special mention Kathleen and Renzo for the hairstyle suggestion and Hanna for Chestnut Brown Dye Hahah., nag-refill ng pabango, at umuwi.

At kani-kanina lang, kinwento ang nangyari sa love of life ni Elein via FB Pagod fingers ko. :D

*bow*

Estimation: 1273 Days

'Eto lang ata lugar kung saan makapagyayabang ako. Haha. Anyway, magkekwento nalang ako.

So kaninang umaga umalis na kami for the second day ng Division School Press Conference (DSPC) sa PNHS-Main, then ayun umupo lang at naghintay after a while nagparticipate na kami sa Radio Broadcasting, isa-isa un pero hindi ako nakasali pero nag-expect ako. Anyway ayun, after na ung mismong awaited event, awarding. Antagal nga lang, medyo matagal din yun. Congrats sa ParSci for stealing 12 medals for the school. Hihi. 11 schools participated per category and tatlo lang kinukuha. Second place ata ako for Feature Writing haha *sabog kanin*

Share lang ha! Proud ako, pinaghirapan ko yan e! Hahaha. Joke.

Lalala~ pagod na syempre then bumalik sa school na para sumabay sa friends then ayun blabla, stressed na ako kasi bukas may badminton pa. Or cheerdance.

Cheerdance kanina practice ng wiggle ba yun? Haha. Atsaka Strip na sayaw whatever na parang ibong nakawala sa hawla ang steps.

Then McDo with Kath, Thea, Kat, and Gina.

Featuring couple shirt, haha, artwork shirt coincidence with Gina (ginginlovesapples) and special participation of keychain panda with Kat (kaaatlovesyou)

Cheers! Good day, gouten nat!

Estimation: 1379 Days

Epic Day, kahit hindi Acad day.

But I got to get 8 books, yeah. Kasi pang-9 akong dumating. I love Nine, lagi nalang yan ung number na lumalabas, fate. Anyway, yeah, naglocker ako ng iba at ung iba dinala ko wala lang. Ang init sa bagong room, boring old same faces again nakita ko. Wala akong Physics na libro kasi di umabot. Iyak na ako. Mehe, cino-continue ko ung Taray effect sa section.

Sample ng katarayan sa C:

Ewan ko kung bakit ako ganyan umakto pag dating sa kanila e hahaha. Basta parang di ko lang trip na magpakapilyo kasi nakaka-BV minsan ung mga taong ayaw seryosohin mga bagay e.

Anyway, after ng school. Pumunta kaming SM para kumain, actually wala naman kasi masyadong ginawa kundi mag-usap. Special mention kay Renzo, dahil hindi nya ako ni-ditch at pinili nyang ‘di mag-RP haha, special mention kay Hanz, dahil sabi nya pupunta sya, pero hindi pala, sayang effort ng pagpipilit ko. Yeah, haha. Kumain ng shawarma at nag-usap. Pumunta ng starbucks for happy hour at nag-usap. Pumunta ulit ng foodcourt para mag-usap. Haha, excluding the drama. Yeah, met with Gina, Kuya JoKe, and Ate Steph, sa foodcourt, at ang walang kabahalaang pagyayabang ni Renzo sa Unblock Me (P.S. Dinodownload ko na sya ngayon :P) at sorry pero tie tayo sa Fruit Ninja. Wala na akong sasabihin pa, kasi pagod na ako at kakarating ko lang mga 10 minutes ago. Kbye.

Estimation: 1347 Days

Unang bawas ko sa C.A.T. ay nung start ata ng June with Lo, Adan, at Renzo; naglinis kami sa PUP, nagdala ng chairs and others. Minus 5 Hours na un.

Sunod kahapon, nagmanage ng mga booth, Minus 2 Hours na.

Kanina ung latest, so Minus 5 Hours para sa pagsupervise at pagsusulat ng kung ano ano. 60 Hours nalang pala kelangan kong iaccomplish, orayt

Nagenjoy ako kanina, halos kakauwi ko lang e, kahit ako lang ang nag-iisang 4C at lahat sila 4B masaya talaga. Good Vibes kasi sila, at nakakatuwa lang, ewan, malalakas trip nila e, at vain pa! Kaya ang astig diba? Kainggit lang haha. Ge, yeah super saya.

Estimation: 1363 Days

Ishashare ko ang mga kalokohan at ang mga kaguluhan sa araw na ito sa aking mahiwagang seksyon. 

Dun nalang tayo sa Physics subject. Long story short: May game, 3 grupo, para tong sa Sa Pula, Sa Puti ng Eat Bulaga. Ung tipong pasahan ng tanong o sagot, depends kung di alam ung sagot then tanong ung ipapasa via bulong. Masaya naman, minsan pag malapit na nakikisigaw ako at kasali ako sa mga maiingay syempre. Group 2 ako btw. Dumating ung oras na nagkaka-tie in na. Edi pabilisan na talaga go go go.

Well, madaya talaga kasi tong Group 3 e. Nung gitna palang ng game palang nahalata ko na yan, kasi nung turn ko na mapabulong ng sagot sabi ko “1 million years” eh ung sa Group 3 wala pa silang sagot, eh narinig! Biglang nagkandarapa magsulat sa board oh! Chuuus, edi pareho sagot. Pero mali din naman. Hahahaha.

Well, nung mga ending na, ung mga scores ay 3-2-3 kulelat kami so parang naletdown na kami at alam naming mahirap na talaga humabol lalo na’t dayaan ang peg. May question na, tapos may nagsosolve, edi cheer dito cheer doon sigawan at hiyawan ang mga ate at koyang. Tapos sa Group 3, ang madadaya, ung nagsosolve pinasa/binulong agad dun sa pinakaunang tao sa harap kaya un, tada. Sagot: 1. Naunahan ung Group 1 kaya sila nagalit at nagsigawan pero medyo pajoke lang lahat ng nangyayari, medyo seryoso, un lang naman nagsigawan tapos sumali na din ako kahit di kasali, "Madadaya!" "Anduga!" "Mandarambong"

Trashtalk na ang peg tapos biglang tigil nang sabihin ni Ma’am, "Everybody sit down." sa isang pakalma pero seryoso na boses, kaya un nagkatahimikan at nagayusan ng upuan. Then bigla syang nainis alam mo un, sabi nya, "Eh kung ganyan mga attitudes nyo, edi wag nalang tayo maglaro" Tapos un, katahimikan. Biglang sabi, "Hindi na ulit tayo mag-ga-games, discussion nalang tayo, OK, no winner!" Sabay walk-out sa pintuan kahit di pa nag-toll ung bell.

Pero di pa dyan tapos ‘ung kwento, edi bla bla nagsisisi kami sa ginawa namin at balak naming magsorry. E eto pala si Rain, pumunta dun at nagsorry agad agad, di nya muna pina-cooldown ang lion. Kaya un, galit pa rin sya. At kinwento ni Rain pagkabalik nya, eh eto namang aking mga kaklase, parang nainis medyo sa ginawa ni Rain, eh alam mo naman to, gago yan e, biglang nagtampo, oa nga. Binato nya ung notebook nya sa floor nang malakas sabay walk-out din sa pintuan sabay hagupit ang pagdabog sa sara ng pinto.

Esimation: 1022 Days

Nakakatuwa na ang laki na ng interval ever since nung araw na pinost ko ung Estimation: 1440 Days, kahit wala pa sa kalahati nun nalagyan ko araw-araw, astig pa rin kasi may na-achieve ako at least.

Ever since pala yun nung araw na yun 418 days ago (sinubtract ko), at hanggang ngayon pinapahintay ako. More than 400 days na akong naghihintay at nagdadrama sa buhay ko, at di ko alam kung titigil pa ako hanggang sa makaabot sa zero ung count ko. Haha. Hay, wala naman ako magagawa, di ko rin ginustong bumilis bigla ung oras o bumagal.

Ilang araw nalang college na ako, at minsan pag nababadtrip ako dito, pinagdarasal kong bumilis mga araw para dun nalang ako makatira sa dorm ng matagal. Di naman ako homesick guy e, bulakbol ako. Nakakatamad na ung summer, unlike last year.

Estimation: 1305 Days

Sunday has come. Guess ‘tis the perfect time to say goodbye to waking up at noon, staying up til dawn, and doing whatever the hell I want.

Kahit naging unproductive ako, napansin ko na masaya naman din pala mag-isa. Hindi ko naman kailangan ng companion or gala every day. Minsan kailangan ko lang pala bigyan ng tiwala yung sarili ko. Think I’ve gone better, pero sana starting tomorrow back to normal ako at mabilis mag-adjust kasi pag dating sa school, nagiiba na ung tingin ko sa mundo e. Two-faced ako pagdating sa mga bagay na ‘yan.

Ayun, hoping ako na maaccomplish ko mga kelangan ko gawin, in the future. So eto ako, pinipilit iinspire sarili ko, haha, ge. Tiwala lang.

Estimation: 1374 Days

OK. Late na ako kasi dumating ako ng bahay lampas 12 na, kaya di na ako nakapagsulat ng Estimation ko kanina na 1375 dapat. Anyway, magkekwento nalang ako ngayon

Late na ako nagising kasi 5:40 nag-alarm. Ok, OA un. Hahaha, sanay lang kasi akong early bird. OK, so simulated test ngayon and final day na rin ng review. Skip skip na tayo. Ang sakit sa ulo pagdating ng dulo kasi total ba naman mga 300++ lahat items e. Anyway, after this nagpunta kami McDo Lasalle kasi kakain syempre with Kath, Renzo, Kat, Thea, Mike, and Karl blah blah usap usap tawa tawa vain vain. Skip skip, Humiwalay si Thea at Kat umuwi na sila via LRT Onga pala di ako nakapaglast LRT kasi nagbus kami pa-Baclaran.  Aww, mamimiss ko LRT :( Anyway, yeah nag-jeep humiwalay na si Mike samin kasi wala na daw syang gagawin

So it leaves us with Karl, Renzo, and Kath. Pumunta school nandun si Ate Steph and 4-A’s tapos dumating si Lo at Adan, ok wala masyadong nangyari nagbuhatbuhat, proud si Renzo sa fRENZOned nya. Ok, mas naunang naging hyper si Renzo tapos si Kathleen.

Copyright Kathleen, vanity natin

Tapos blabla, madaming kelangan alalahanin pero tinatamad na ako, blah blah naalala ko nagsayawan ng cheerdance at FFD sa likod ng school tapos nagconcert yeah uminom ng Mango Shake at free Mango Shake from Sir Vibal dahil nagbuhat kami.

Copyright Kathleen ulit, vanity vanity stolen.

Yiee, hahaha. Nakalimutan ko binubulong ni Renzo dyan ee, kaya ko pinost tong picture na ‘to kasi wala dito ung dogtag ni Renzo, nasaan nga ba? Baka kay Kathleen tapos akin tapos back to Renzo.

Uhhuh, umuwi na dapat pero pupunta pa ako MoA pero sinamahan nila ako tumawid hanggang sumakay yeay, salamat. Pagdating sa MoA, kumain kami dinner date with family, ipopost ko nalang bukas hahaha. GoodNight, lupaypay na ako, 20 hours na akong gising. :)

June for a Fresh Start (Estimation: 1012 Days)

My 1000th post goes to June, for being my most anticipated month, and while writing this: My brother just handed me a box with two KFC chicken with coleslaw side dish. I forgot what they call them. Haha.

Birthday n’ya kasi, ngayon ngayon lang. June 1 na e. Happy birthday Kuya Ben!

June. June. June. Never been this much excited for this month. I remembered how last year’s June was such a mess: with me ending up with the same classmates again. That sucks, and I didn’t regret telling myself how unlucky I was then. It really sucked. Anyway, maybe this is the first time June has gotten me this excited! I don’t get this feel a lot, but maybe it’s because of the college vibe that made me want to be giddy and nervous at the same time.

Entering as a college freshman, new people (sorta), new school, and most of all, a new home. Paunang salita lang. Because I know someday I’d call my school ‘home,’ eh pano ba naman, living the dorm life na ata ako e! Who would have thought na even though I had lived and slept under one and only one same roof for the past sixteen years, that fact would change in a few days. In seven days, to be precise.

Sino bang hindi ma-e-excite, kung ilang araw nalang titira ka na sa mga lupa ni Maria Makiling, sa lupa ng buko pie at mga best hot springs sa Pilipinas! (Endorse, haha!) Sino bang hindi matutuwa, na kung ano man mangyari sa kin, kung may mawala mang importante sakin, kung may mabago man sakin, o kung ma-brainwash man ako kasi sabi ng tatay ko wag daw ako magpapa-brainwash-lalo-na’t-UP-pa-man-din-‘yun, magiging ako pa rin ‘to. The one and only. Siguro hindi nga ganung magiging kasaya masyado tulad ng high school ang college life, sabi nila, pero nasa sa atin naman yun e—pero na-vi-vibes ko na na mahirap na hanapin sa college ung mga totoong kaibigan, di tulad ng high school na magkakasama kayo at kung ano ano nangyayari, may limitations kasi nun—ngayon kasi, kahit pag-aaral pa rin pagtutuunan ko ng pansin, aware pa rin ako sa social life ko. Hindi ko na uulitin ung elementary anti-social life, wala akong kaibigan nun, pagkabell ng dismissal, nasa bahay na ako wala pang fifteen minutes. Anyway, siguro sa college, may mga challenges din, terror profs daw, mga singkong may butas (5.0—corny), siguro magiging malaya pa rin naman ako—sa uniform palang e, fashion ramp na ngayon, sa buhok, 3x2 dati, e wala na yan, YOLO buhay mo (di naman siguro lahat), at wala ng iisang classroom na mabubuhay ka for 10 months, kasi the campus is open na, wala ng baon-baon sa mga lock&lock kong set, wala ng tubig-tubig at tubig dispenser, depende, pero nakakatakot kasi syempre, college na bro! Nandyan ang maturity, immature pa ako alam ko, pero kaya ko naman makipag-cope, I’m adaptive, I think. Nandyan ang backstabbing, syempre di mo na maririnig yan, sama na natin ang judgments nila. Nandyan ang introduction-to-adulthood, premarital, *laughs*. Ba’t ang daldal ko. Excited lang, kakain na ako.

Happy June, and may the odds be ever in your favor! 

Estimation: 1271 Days

Woke up around 5:30 for the badminton game pero ang galit ang ulan, baha papunta lalo na sa may bandang SM Sucat at Olivarez, lumusong ako at hanggang tuhod siya. Pagkadating ko sa 711, bumili agad ako alcohol para ipaligo sa binting nainfect. Ayoko magka-lepto no, kahit walang sugat na open, atleast “Prevention is better than cure” Then ayun, game started, talo syempre butaw gaming nga e. Pero ok lang, accepting defeat. Hiya na nga ako sa seniors e, sorry guys. :(

Anyway, after nag-attend ng cheerdance practice sa casa hanggang 6, then late na rin umuwi. Kahit pagod, medyo wala namang masyado nangyari pero masaya din naman,

Estimation: 1275 Days

Depressed ba ako? Or tinatago ko lang kalungkutan ko? Haha. Siguro kaya ang drama ko kasi open ako sa mga nararamdaman ko.

Ayun, bukas at the next day DSPC na sa main. Ipagdasal mong manalo naman ako, first time to, kahit sa division lang. Hihi. Pahinga muna siguro ako ngayong araw, pati na bukas. Nakakapagod na kaya.

Estimation: 1291 Days

For a reason I feel useless, feeling ko napakawalang kwenta ko. Feeling ko saling kitkit lang ako lagi, feeling ko lagi ko nalang sinisingit sarili ko sa buhay ng iba. Partly sa lahat, alam kong totoo. Alam ko minsan wala na akong karapatan, pero gusto ko lang naman tumulong. Gusto ko lang naman tamaan ung mundo dito e. Wala lang, siguro ung contemporary happiness ko, I mean kahit sobrang ako na ung nahihirapan, in the end pag tinitingnan ko na nagawa ko na duty ko na tamain ung mundo, nakakagaan lang ng loob.

I start with small things especially to minor people who are such nuisances and large peeves, sige lang kahit magalit man kayo saki’n basta alam kong may nagawa kayo na para next time pag gagawin nyo ulit, you’d get second thoughts na. Walang may alam, pero ginagawa ko, kaya tingin sakin friendly ng mga tao kasi marami akong kausap ganun, disadvantage ko lang nagmumukha akong plastik sa pamamaraan ne’to. Call it whatever you want, pero it’s my job.

In the end, may mga tunay na kaibigan lang talaga ako, ung mga taong okay na ako, ung mga taong sinusubukan ko pa ring ayusin at pasayahin pero perfect na silang andyan, kahit simpleng presensya lang, na kahit busy kayo or busy ako nagkakaintindihan tayo lahat. Sorry sa pananalita sa iba, gusto ko lang na alamin nyo kung ano tingin ng iba sa inyo, kung ano nakikita naming hindi nyo pansin. I speak for everyone.

Hindi naman ako powerful na tao, o ung mga famous people. Kung titingnan malapit na ako sa point na maging wallflower, pero may social life din pero may purpose din ako okay? Hindi ko sinasabing perpekto o Diyos ako para magkaroon ako ng karapatang at kakayahang baguhin kayo pero ayun, ginagawa ko pa rin kung ano sa tingin ko tama at kung ano sa tingin ko tama para sa iyo.

Estimation: 1304 Days

Alam mo ang sad ng day na’to. Para saki’n kasi, nadi-discriminate ang section nanaman. I mean, hindi ba pwedeng maging subjective nalang? Kasi pinaghirapan ko yun e. Kung ganun ung ibang classmates ko, at hanggang dun lang sila, hindi ba pwedeng lumayo kami? Dapat ba may humahatak ng humahatak dun sa mean?

I mean alam mo kahit i-bloat ko na ako highest sa Mapeh or sa Lit, I mean parang pag tinitingnan ko ung iba. Ibang sections. Parang nahihiya ako, para sa section ko. Kasi bilang tagabuhat ng pride ng section, kahit feeler na. Nakakahiya. When the time comes na may mag-Top 1 ganun, tapos pag icocompare sa ibang sections parang ung mindset ng iba is “Top 1 na yan? Kung dyan ako sa section na yan, ako na Top 1 e, mas mataas pa Gen Av ko e.” Something like that, or ganun, pero hindi ganyang kaharsh at sasabihin nila yan sa mind. It’s inevitable. Kaya parang nakakarindi, bakit ko ba kasi pinupuna to, di naman kasi ako gan’tong tao.

Hindi ako ung taong palaaral. Dati. For the past three years sa HS life, ganito ako: ako ung nag-aaral lang pag periodical exams na, minsan hindi nakikinig, at nangongopya ng wagas, ako ung gagawa lang ng homeworks sa school not for the sake of high grades but ayoko lang mapahiya, ayoko mapagalitan ng teacher, siguro tinitingnan ko masyado mga consequences nun. Nag-aaral siguro ako sa isang or dalawang subject lang na bagsak ko, siguro after 1st or 2nd Quarter ako magseseryoso pag madami na akong kelangang bawiin para lang makahabol sa cut-off grade. That’s me. Ako ung happy-go-lucky type and I-don’t-give-a-damn-about-competitions-over-grades, ganun. Yun ung totoong ako.

Ngayon, siguro pinipilit ko sarili ko na mag-exceed agad-agad. Parang siguro pati utak ko nagulat kasi hindi naman ako ganito dati, walang aral-aral dati sakin at walang compare-compare grades. Siguro ginawa ko lang to for my parents, pride ko na din syempre, future, at wala akong inaatupag. Since sabog-sabog na ang lovelife ko, wala na ung Miguel na kilala nyong puro drama lang ang alam kasi last year meron kaya everyday may ginagawa akong move, or pinag-iisipan ng mabuti. Yes, madrama pa rin syempre dahil hindi ko pa napupulot ung mga shards ng sirang puso. Oops haha, here we go again. Guess outside masusurprise ka na hindi ako ung Miguel na kilala mo dati, siguro ngayon mas harsh na ako, insensitive, pala-away, at mahilig magparinig. Kasi nagbabago ako, at mahirap magdecide kung itutuloy ko ba, o tigil na. Deep inside, I’m still the same Miguel na kilala mo, takot lang ako na ilabas ulit. Pero kung naririnig nyo lang puso ko, maiintindihan nyo ko.

Estimation: 1321 Days

Una’t sa lahat, maraming maraming salamat kay Renzo ngayong araw dahil ineffort nya pang puntahan ako sa McDo para lang maibalik wallet kong naiwan sa school. Salamat!

Next. Gusto mo malaman kung bakit nakakabanas lang ang araw na to? Secret. Ayoko magsalita about this. Keep it all to myself, may nakahanda kasi dyang basahin tong blog na to ngayon or bukas e.

Hayy, may Refresher Session pa bukas sa Acad, Acad Day again, officially the last. Aww. Okay lang good luck nalang sa lahat lahat tayo. For UPCAT din ung pag-attend dito. Sige sige.

Three is better than one? Bullshit.

Estimation: 1341 Days

Alam mo ba na sobrang hirap para sa akin ng linggong to? As in sobra sobra na.

Sabi nga sa akin kaninang umaga, kasi madami pang gagawin, na wag daw ako mag-fuss at GC na daw ako masyado hahaha. Pero sige lang, kaya pa ‘to; sana maging worth it to lahat.

Actually, di pa ako nakakatulog ngayong araw dahil sa mga school works e, kasi kahapon natulog ako ng mga 7 tapos nagising before mag-12 o’clock then after nun naggawa nalang ng homework at mga reports/handouts sa computer. Hay, maaga kong naramdaman ung pagbigat ng mata ko, pati ngayon—gusto ko na nga matulog e pero ayoko pa talaga. Kaya.. kaya pa ‘to! Tiwala lang

Estimation: 1357 Days

Hello. Gusto ko lang ishare kung paano ako nagalit kanina sa bahay ng kaklase. Hahaha.

Kasi naman e, sabi ko icover nyo na ng plastic, aba sige pa magsayawan magPC manuod ng YouTube o walang gawin halos. Tapos nakakairita talaga mga jokes nyo e, di na nakakatuwa, seryoso ako kanina e. Tapos 9:00 PM na gusto nyo na umuwi? Eh kanina ko pa sinasabing gawin nyo yan e. Basta, e aalis na sila e sabaysabay yun kasi may maghahatid tapos sabi ko Sige Ako Na Gagawa Nito and enter Awkward Silence, eh kasi nabanas na talaga ako sa mga tukso at jokes, nakakapikon na lalo na’t school work to, un lang. Basta, nakakainis biglang sabi nila sige 9:30 nalang, blabla tapos un. Cram kami.

Umuwi na rin kami atlast, ako ung pinakahiwalay na way kaya medyo weird kasi ako una bababa then I have to walk pa from gate to house kasi wlang trike sa gate na un. Not much, pero nung malapit na ako sa bahay ko near the alley, may nakita akong, sorry for the term, naglalaplapan dun. Di nyo ba naririnig yapak ng paa ko mga kuya ate? Sobrang awkward, kaya bigla akong naglakad ng maingay sabay hiwalay sila tapos hold hands tapos nadaanan ko pa sila which is very very very awkward. Swear, di mo gugustuhin ung ganun.

K. Still have work to do, semi-hiatus mode week switching on. Keep on smiling, guys.

Estimation: 1362 Days

In bullets, ‘cause it seems that this is trending.

  • Woke up at 3:55 AM just like everyday, what’s new? Did the daily routine, the early morning monotony. Except for the worm Instagram post of the Swissmiss I had. That is unusual, definitely.
  • Service arrived at around 4:50 AM, like always. Surprisingly, I found the place I had sat, very comfortable. So I slept. Achichi, woke up around Sucat Road nearing the school already.
  • Arrived at school and was still drowsy, but I intended to read, so I did. And finished Waywaya just before the Lit. Teacher/Adviser started the report something.
  • I forgot, most of the day, except for some highlights. Does it include the two Maths where I hardly have done anything but stare into the hollows? Uhh, does it include Research where I laughed about every immature act the teacher had done? Or Journalism, where my senses finally came in, (it was the final subject) and I decided to be active and I shone all the way through for a good impression and a clean reputation, I need to work on the school paper e. Does it include Drafting where I was very convenient since I had had forgot every Drafting item I have in the house but my canister, thank you for those who let me borrow every thing I needed to get that 15/15.
  • I’ll chime in Recess time where I waited outside 4-B door for a minute and stared, waiting for Karl to glance back but he never did, and realized they’re very very very busy.
  • Lunch time where all did go wrong and was cram time.
  • Tiring day, but another day, another dollar(allowance). -Mr. Krabs
Estimation: 1366 Days

Hello, gusto ko lang ishare sa inyo na late ako nagising mula sa aking siesta, dapat kasi 4:40 mag-aalarm ung orasan pero hindi sya nag-alarm kasi hindi ko napindot ung ‘Turn Alarm On’ What iz bobo? Anyway, nagising ako around 5:30 which is a half hour past na manunuod/makikinig ako ng Bago Yan Ah! sa DZMMTeleRadyo, so naabutan ko Lesson 5 na at halos walang naintindihan at marelate kasi nga late na, anyway:

Kaninang umaga, I woke up at 7 AM, kasi pupunta pa ako sa neighboring village with Mama, para mamimili sya ng kung ano ano but mainly, mga pinapamalengke dahil fresh ung mga goods dun. Tapos pagkabalik nag-ayos-ayos medyo tapos na move ung time of meeting to 1 o’clock. Pero nagchat si Renzo, blabla. Sabi nya puntahan ko daw sya sa SM Bicutan kasi di nya alam kung pano pumunta dito sa Merville (kasi magpapasa din sya ng forms) kaya un, pumunta ako mag-isa sa SMB tapos nandun si Karl so sya muna pinuntahan ko tapos nang dumating si Renzo, napilit namin na sumama na si Karl samin. Yeah, then umuwi kami pumunta sa conti park tapos nakipag-meetup kay Kat and Ate Lei then nagpasa, thank you grabe! Yey, un lang bow.

Estimation: 1367 Days

USAPANG MANAGERS TAYO.

Syempre isiskip ko nalang kanina sa SM B. Hahaha, una sa lahat dapat magkikita kaming mga pumuntang BonAppeTea kahapon pero umalis na sina Hanna, pero naabutan ko si JV sa labas. Tapos nagkita kami ni Karl sa National Book Store medyo matagal yun hangga’t iniwan ko na sya sa may Dep’t Store.

Behind the scenes: Si Kuya kasi nagpascreen protector habang nagiikot ako, ung nangyari ung nilagay na Protector, MAT—ung sobrang kapal tapos madaling tanggalin. Kasi si Mama, nasa taas. So pagkita nila sabi ni Mama, palitan daw so bumaba sila, eh ayaw nung nagpalit pinatawag ni Mama ung Manager ata or Owner ba? Tapos blablablabla, wala ako nun e nakwento kaya un, napaltan din.

Next is sa KFC, kasi sa isang bucket, may apat na fix-ins (samin is coleslaw, mac, 2 mashed potatoes) Pero mamaya na to hahaha. So may 3 Extra rice na inorder si mama, so may nakalimutang isa tapos bumalik si Mama at hiningi. Tapos habang kumakain narealize ni Mama, na kulang ung Fix-ins ng isang mashed pots. Tapos bumalik sya ulit. Eh ung cashier sabi nya Nilagyan nya naman daw bla bla. Sabi nya parang kumpleto naman un. Tapos iniinsist pa daw na nagloloko lang si Mama tapos di daw sya nagkamali tapos tinawag Manager nagusap at nagsigawan ahahah. Yes, tapos in the end, binigay din un. Ineexpect ni mama, magsosorry pero hindi kaya ginawa ni mama, after kumain pumunta ulit sa Manager at pina-Note. Un ung term pag irereport mo sa main office e. Ok un lang, grabe diba? 

Estimation: 1377 Days

Epic epic epic. Para to sa jeepney driver papuntang Pasay, swear mahigit isang oras ata ako nun sa jeep grabe. Once nakatulog ako kasi nakahawak ako sa rail then nabitawan ko ung rail where nakapatong ung ulo ko sa braso ko kaya nahulog ung kalahating pantaas ng katawan ko, grabe nagising ako! Sana walang nakakita, nakakahiya.

Flashback. Acad syempre, hahaha. Tapos pumunta kaming eskwelehan para sila magpasa ng Form 2 habang ako’y kinuha ko na ung Form 2 ko, kaya un. Lukot na sya. Habang sila Kat, Kath, Thea, Karl, at Joshua ay kumain sa BF McDo, nagpaparinig si Renzo sa school na sa SM sya kakain. Kaya un, napilitan ako. I take things seriously, y’know. Hahaha. Pumunta SM Kasama si Renzo, Paco at Justin. Di ako naglunch, ako’y nag-ice-cream. Pumunta after sa bahay ni Thea, with Justin. Umuwi na si Renzo. Pero pinahintay nila kami ng napakatagal sa 7Eleven. Tapos papunta na kami kay Thea nang umuwi na si Karl, di ko alam kung dahil ba sa pagpunta nya sa imbita pabahay ni Nat or magcecelebrate para sa kaarawan ng kanyang ina. Pumunta na kela Thea, wlang ginawa nagTarot nakuha ko King of Swords, authority daw un hahaha. Well, anyway un na nga nanuod lang kami ng cheap comedy/horror local film sa TV di ko lam title pahiga-higa sa kama, may nagmomoment, tapos nanuod ng Adventure Time habang nagsusulat si Thea kanina ng kanyang panpiksyon. Wala naman, uminom ng Iced Tea, nakipagtulakan.

Skip skip uminom nga pala ako ng Slurpee sa 7Eleven samin kasi inaantok na talaga ako. Alam mo ang sakit sa tenga nung pag ung straw gumagalaw dun sa plastik kairita.