Naiinis ako sa naging..

ugali mo ngayon. Hindi ako naiinis SAYO mismo, kundi sa kung anong nirereact mo ngayon.

Iba ka na.

Anong nangyari sa dating ikaw?? Nag iba ka na. Miss ko na yung dati kong kaibigan. Yung masaya, chill lang, hindi madaling magalit, hindi possesive, hindi bitter sa lahat ng bagay, at higit sa lahat yung.. positibo!

San mo sya dinala?? San mo sya nilibing?? Binaon mo na ba sya?? Sigurado ka bang ikaw pa rin yan??

Pag nakita mo sya..pakisabi naman sa kanya na miss ko na sya at sana bumalik na sya. :|

Kung kelan naman natututunan mo na yung salitang Move on.. Kung kelan di mo na siya naaalala, yung tipong natatapos na ang araw mo na hindi na siya sumasagi sa isip mo, kung kelan naman “okay” ka na, “okay” ka na sa buhay mo, na nakakaya mo din naman pala kahit wala siya. Kung kelan naman natatanggap mo na unti-unti sa sarili mong wala na talaga, may sarili ka ng buhay ngayon… Saka naman siya ulit magpaparamdam, guguluhin ulit yung buhay mo pati narararamdaman mo.

Malilito ka nanaman tuloy, mararamdaman mo ulit yung feeling na sinabi mo sa sarili mong sana hindi mo na maramdaman, magdadalawang isip ka nanaman tuloy at pati puso mo nalilito nanaman. Tapos masasabi mo nalang sa sarili mong.. “Eto na naman tayo..” Sabay, makakaramdam ka nanaman ng iba’t ibang emosyon.

At ang malala pa dun, pagkatapos niyong mag usap, papakitaan ka nanaman niya ng magaganda, yung dating paglalambing niya sayo, sabay mamimiss mo nanaman siya, hahanap-hanapin mo nanaman yung boses niya, yung presence niya, at ang pinaka matindi.. Pwede ka nanaman masaktan ng paulit ulit.

Yung pakiramdam na tinatakasan mo, yung “feeling” na iniiwasan mong maramdaman ulit, heto nanaman.. Nararamdaman mo nanaman.

anonymous asked:

hi nafafall na ko sa not so close na friend ko huhu. sinubukan ko nmn n pigilan ksi mejo ilang buwan ko na to iniisip. ayoko mafall ksi ayoko msktan.

Hindi naman necessary ang sakit sa pag-ibig. Kaya ka nga umiibig kasi may pag-asa, may saya. Ang pag-ibig ay positive na emosyon. Kapag minahal mo ang isang tao at nalulungkot at nasasaktan ka kasi ‘di ka niya kayang mahalin pabalik, selfish ‘yon at hindi tunay. Kaya mo lang siya mahal ay dahil nakikita mo na siya ‘yung perpektong taong dapat mapasa’yo na kapag minahal ka pabalik ay parang isang malaking tagumpay. Magmahal ka lang kahit na malayo o malapit, may pag-asa o wala. Masarap magmahal.

Random fact: Mas nahihirapan ang lalake na mag-move on.  Kung ikukumpara kasi sa ating mga kababaihan, ang lalake mas tahimik tungkol sa emosyon nila.  Tinatatago nila ito, iniinom, samantalang tayong mga babae ang una nating ginagawa kapag may problema ay tawagan ang barkada at ikwento sa kanila ang mga nakakalungkot na pangyayari sa ating buhay.  Kaya kung ang boylet mo ay kakagaling lamang sa isang traumatic heart experience o brokenheartedness ay magingat-ingat ka.  Hindi ko naman sinasabing ang lahat ng lalake ay sasaktan ka pero mas maganda pa rin na mag-ingat ka dahil puso mo ang pinag-uusapan natin.  At sabi nga ni God, “Guard your heart for it is the wellspring of life”,basahin mo ang Proverbs 4:23 at makikita mo ito. Kung baga ang puso mo ang make or break deal ng buhay mo.  Kung masaya ang puso ay masaya rin ang buhay mo at kung hindi pakiramdam mo talunan ka sa buhay.  Kaya hanggang sa maari, subukang huwag ma-in love ng sobra-sobra dahil ang pagmamahal ng sobra-sobra ay may kaakibat rin na sobra-sobrang sakit. 

K-Drama Moments 101

Hindi ko alam kung paano at kailan ako nahilig manuod ng mga Korean Drama, basta ‘pag alam kong maganda ‘yung bida at medyo kwela ‘yung palabas pinapanood ko. Sa dami na ng mga Korean Drama napanuod ko, ang daming kong napapansin na halos nauulit na scene o galaw. At ito ang mga ilan:

  1. Cold-hearted guy - Sila ‘yung mga lalaking bida na walang kaemo-emosyon sa mukha, palaging straight face. Parang galit sa mundo, laging badtrip!
  2. Clumsy girl - Sila ‘yung mga babaeng bida na medyo tatanga-tanga sa buhay. Pero ‘yung pagka-clumsy nila, kyut. ‘Di ka mababadtrip.
  3. Wrist-grabbing - Usong-uso ‘to sa kanila. Hindi nawawala. Actually, naaawa na nga ako sa mga payat na braso ng mga babae kasi baka maputol kakahila ni Cold-hearted guy kay Clumsy girl.
  4. Steady-kissing - ‘Yung totoo? Hindi ba sila marunong humalik? Halos lahat talaga ng mga napanood kong Korean Drama, puro steady lang sila mag-halikan ‘di gaya sa ibang bansa na sobrang torrid maghalikan. Kung minsan pa nga french kiss.  
  5. Convo on Coffee shop - Isa pa ‘to, sa tuwing mag-uusap o magkikita sila lagi coffee shop o tea shop ang meeting place nila. Bakit? Anong meron sa coffee shop?

So, ayun lang naman ang lagi kong napapansin o laging nangyayari sa tuwing nanonood ako ng Korean Drama. Hahaha! Masaya manuod ng K-Drama, mas maraming twist kesa sa mga drama dito sa Pinas. Kung ‘di mo maintindihan, may subtitle naman.

Happy Birthday Dre :) Omg parang dati Bey eno. Hahahahahahaha like what the fuck *tono ng boses ni lae* Hahahaha. De dre. Thankyou for being part of my life. Niligalig mo yun buhay ko dre. Hahaha halo halong emosyon na yun pinaramdam mo sakin. At yun. Wala akong masabi. Hahahaha de dre. Sorry noon kung iniiwas ko yun sarili ko. Hahaha pero alam ko naman na wala na yun sayo. Tapos dre. Hahahahaha tawang tawa ako eno. Salamat sa lahat lahat. Ingatan mo yun mga binigay ko ah? Hahaha. Sana matupad mo yun wish list mo hahaha. Maging masaya ka lang naman lagi ang gusto namin para sayo. Ayuun dre. Mahal ka namin lahat. Ur dabes. Hahahaha Godbless.

The feeling is still here. But I prefer not to show it anymore. I stopped texting you, I stopped calling you, I managed to live my life away from you. But I admit, there’s a part of me that still misses you. There’s still a little faith in me that someday you might look for me and try to win me back. Base seriously? I’m already tired. I’m already tired of you.
Ang tinatawag mong MEMORIES ay isang photo album.

May malinaw.

May makulay.

May madilim.

May blurred

May detalyado.

May nawawala.

Iba’t iba ang anggulo.

Kada kuha may kwento.

Makikita ang emosyon depende sa pag-alala mo rito.

Maaaring ang masayang litrato ay mahaluan ng itim na tinta…

Yung akala mong Obra Maestra ay mapapalitan ng Drama sa Opera.

At yung pinakamalabo ang syang kailangang lumiwanag sa lahat.

Hindi kailangan ng edit, pero pwedeng ithrowback.

Dito ay may FOREVER…

Dahil kahit mamatay ka, may magpapatuloy pa ring umalala na kasama ka.

Yoko na. Nalulungkot na naman ako sa mga kantang pinakikinggan ko. Mag eemote na nga lang ako ule, baka sakaling makapagkwento uke ako dito maya maya. Sinusubukan ko na nga kasi maglabas ng emosyon dito kahit papano, ang hirap pero sige susubukan ko para bago man lang ako umalis, mas makilala nyo pa ko.

Tama lang na Facebook ang pangalan ng Facebook dahil samu’t saring emosyon ang mararamdaman mo kapag nag-scroll ka sa newsfeed Pwede kang mainis, mabanas, matuwa, masiyahan gaya ng mga nararamdaman mo kapag nagbabasa ka ng libro. 

Kahit anong sanay ang gawin mo sa sarili mo na mag isa.. Na lumayo sa lahat at magtago.. May mga panahon pa din talaga na hindi mo mapipigilan ang sarili mo na maging emosyonal sa mga bagay na pilit mong tinatalikuran..
  • N:ano reaction mo dun sa anon?
  • Ako:ang haba naman neto okay may hater si babe hahaha.
  • N:okay may nag anon.
  • Ako:Hahahahaha
  • N:wala ka kasing emosyon.
  • Ako:hanyup na to hahahaha