SAMANTHA LOPEZ

Sa kabila ng lahat meron pa din namang advantage yung “magmahal ng palihim” meron kasi kong kaklase tas crush ko lang naman sya syempre with love na yun. Wala talagang nakakaalam nun kahit isa sa room namin. Eh yung lalaki kasi na yun super close talaga kami as in, wala atang araw na di kami nagtatawanan. Pero di naman ako nag-eexpect sa pakikipag-gaguhan nya sakin. Kasi normal na talaga samin yun. So ayun kapag magkasama kami, may pagkakataon na sumasandal yun sa balikat ko, umaarte na kunyari hahalikan ako, tas may mga sinasabi na sinasakyan ko nalang. Hahahahahaha. Nakakatawa lang, sinasamantala ko lang yung pagkakataon. Tas nagtataka kayo kung bakit samantha lopez tittle ng blog na to, kasi samantha means samantala sa beki language. Hahahaha.

Nag eexpect ako na makita si mama ngayon. Hindi kase ako umuwi ng bahay at sa apartment ako nag stay. Medyo masama pa naman pakiramdam ko kaya ayoko lumabas para gumala sana. Petix lang ako ngayong weekend kaya susulitin ko na muna. 

Hindi sa lahat ng pagkakataon napagbibigyan ka. Hindi naman dapat maging basehan kung napahiram ka ng pera o hindi. Yun na ba sukatan mo ng pagkakaibigan te? Kung ganon hindi kami yung mawawalan ng kaibigan kundi ikaw.

Bakit mo kailangan isumbat yung mga bagay na nagawa mo sa iba. Kasi nag aantay ka na kapag ikaw may kailangan dapat eksaktong kung ano ibinigay mo e yun din matatanggap mo?

Ang ganda naman pala ng pananaw mo sa buhay.

Alam mo kaya sumasama loob mo kasi nag eexpect ka sa ibang tao sa paligid mo. Hindi lahat makikibagay sa inaasahan mo.

Subukan mong magbigay lang tapos wag ka maghangad na ganun din gagawin nila sayo. Mas masarap sa pakiramdam. Kesa naman bilang ka nang bilang ng mga bagay na nagagawa mo para sa iba. Nakakapagod lang diba?

Payong kaibigan lang. Mali ata no? Payong dating kaibigan lang. :)

nung isang araw, nireactivate ko nang sabay yung facebook and twitter ko. dapat talaga gagamitin ko na ulit silang dalawa kaso hindi eh, nalungkot naman kasi ako sa nalaman ko sa fb. ang hirap talaga kapag mag eexpect ka no? nakakainis dapat pala hindi na lang ako nag message sakanya tapos ganon lang reply niya? ha ha hindi talaga nakakatuwa, siguro ayaw na niya ako maging kaibigan…

Tapos nag eexpect at umaasa ako na mamayang uwian andun na siya sa labas ng pinto ng office namin. Naghihintay. Issurprise niya ko ganun. Pambawi. Like wth di siya ganung klase ng tao mas gusto niya balewalain ako.

anonymous said:

Paano mo nasabing malinaw ang boundaries ng friendship at yung may malice? What if may nag eexpect pala..

Hindi na friendship yan pag may expectations. May tendency for hurt. Siguro you just know. Ramdam mo naman pag may nababago diba. Sana at dapat wala lang masaktan. :|

BIRTHDAY WISHES (will add more soon HAHA)

hoodie - hp/himym/got/ouat

thsirtsssss - same as above or anything cool

or anything cool basically

or trip to universal studios japan hahaha

huhu how i wish my parents could read this

enge lovelife para may magsusurprise sakin charot

ay friends, nag eexpect ako!

Bumili ako ng charger. Kaso wala akong nahanap na charger na para talaga sa Samsung dito sa sentro. Kaya yung lokal na lang binili ko. Hahaha no choice. Nag-eexpect ako na mabilis magcharge tapos nagchacharge siya kahit nakaopen yung phone kaso hindi e. Pinapalit ko na yung charger kaso di talaga nagchcharge :( Paano na yan. Potek pag nagchcharge ako, parating nakapatay. Kaya di ko nagagamit. Hahahaha hays

1st Monthsary.

Hello, hindi ko alam to. Wala experience shet. Kaya hindi na ako nag expect na icecelebrate namin to. Akala ko kasi magbabatian lang kami ng happy monthsary tapos okay na. Okay nga ung hindi nag eexpect ng kahit ano. Ayun na nga kumain kami sa Chowking tapos nagtimezone. Ang plano kasi bukas pa kami manunuod sine kasi bukas pa showing nung papanuorin. Tinanong nga nya baka daw pwede imove nalang monthsary namin ng 17 kasi nga dahil sa sine, medyo pajoke lang naman pero muntik nako pumayag hahaha. Tapos nung uuwi na kami biglang nakita sila daddy so kumain na naman kami sa Pancake House. Tapos ayun di ko na naibigay ung ibibigay ko. Ang gara isip ako ng isip akala tuloy nya galit ako. Hahaha. Anyway, happy naman ako dear ko ngayong araw, hindi lang ngayon kundi araw araw. May topak lang talaga minsan e. I love you! :*

WAG TANGA PLEASE.

May isang babae, may isang lalaki at may isa pang lalaki ulit. 

Mali na pagselosan ko yung taong may gusto din sa kanya. Alam mo kung bakit? Una, “HINDI KAYO”. Pangalawa, hindi lang ikaw ang pwede niyang kausaping lalaki. Pangatlo, Wala kang karapatan kasi hindi nga kayo. Panghuli, Sinabi mo sa kanya na hindi ka nage-expect in return kaya bakit ka magseselos? Akala mo siguro pag nagselos ka, susuyuin ka niya. Tanga ka ba? HINDI NGA KAYO! Ba’t ka niya susuyuin? Tsaka wag ka na mag-expect. Sinabi mo na ngang hindi ka nag-eexpect diba? Ang tanga neto. Wag mong sabihin sakin yung rason na, “Mahal ko siya eh! May nararamdaman ako kaya may karapatan akong magselos.” Di ganun yung friend. Saksak mo sa baga mo yan. Ano bang mangyayari pag nalaman niyang nagseselos ka? Susuyuin ka ba niya? Ititigil niya ba yung pakikipag-usap niya sa ibang lalaki? HINDI. WAG KANG TANGA. MABUHAY KA SA REALIDAD. Nasasaktan ka? Edi masaktan ka, pakialam niya sayo? In the first place ikaw naman tong may gusto sa kanya. Sinabi nya bang gusto ka din niya? So tanga naman this guy! Part yan ng pagmamahal. Masasaktan at masasaktan ka pero chill ka lang. Pag nalagpasan mo yan, mas magiging matibay ka at matapang. Kaya sa susunod alam mo na gagawin mo. :)

ANG FRIENDZONE (at kung ano pang mga usong zone ngayon)

(09Aug2014; 8:43am)

Madalas na karugtong na emoji ng *insert word here*-zoned ay ito: </3. BROKEN HART HART.

 Well, oo, hindi naman ako magpapakasanto at sabihing hindi naman masakit ang one-sided love. Masakit yun. Siguro masakit ang one-sided love kasi “we humans are social beings” and we always have the desire “to love and be loved”.

Nahihirapan ang karamihan na tanggapin na mahal sila ng minamahal nila as a friend, kuya/ate, tatay/nanay, blockmate, textmate, callmate, o kapitbahay lamang. Siguro nag-eexpect sila ng something more, na magiging equal ang pagtingin nila sa isa’t isa.

Oo, masama sa pakiramdam ang masegregate ka sa zones na iyan. Pero hindi ba mas masakit na kaya ka niya sinabihang mahal ka niya kasi napilitan lang siya? Kasi pinagsiksikan mo na sarili mo sa kanya?

Tapos anong mangyayari? In the long run, masasaktan din kayong dalawa kasi lalabas ang katotohanan na minadali lang niya feelings niya sayo (note: hindi ito applicable sa lahat ng tao.)

Sa totoo lang, minsan mas okay na yung mga zone zone na yan (at least alam mo kung anong lugar mo sa kanya). Di’ba atleast, may consolation prize ka? Atleast hindi niya pinutol ang connection mo sa buhay niya.

Hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam na na-aappreciate mo yung pagmamahal na kaya niyang i-offer sayo kaysa naman sinabi nga niyang mahal ka niya kahit hindi naman siya sigurado (trust me it will just lead to more cuts and bruises)

LAGING TANDAAN: Ang pagsasabi ng “I Love You” ay hindi pampalubag loob lamang. Say it just when you really really mean it.

-Y2014

Expect the unexpected

Yung feeling na ikaw yung naging Highest sa lahat ng sections sa Medtech :) ang sarap sa feeling yung tipong sinbi ba naman “GUIAMBANGAN” nagulat ako! Akala ko nung una nagbibiro lang si sir tas idagdag mo pang nag palakpakan yung mga kaibigan mo o classmate mo. Na feeling mo sila yung naka top score! Ang sarap sa feeling. Yung tipong proud din sila:) Alhamdullilah. Such achivement :)

Mas maganda nga yung wag kang mag eexpect kasi kung mag eexpect ka masasaktan ka, eh kung hindi ka nag expect tas may magandang nangyare double double parin ang saya!:)

Salamat sa pag-alala na malapit na birthday ko. Hindi ko sinasabing nag-eexpect ako. Pero nag-eexpect ako. Hahahahaha.
Si Mamu kasi. Nakakatuwa lang. Sinabi sakin na nung nagpunta sila ng Yvan Navy sinabi niya na sa susunod daw isasama nila ako at si Tors. Tapos ililibre daw niya ako. Ako lang. Hahaha. Ang cute lang. :)))))
Napangiti ako dun.
Sorry forever awkward talaga ako whenever na nagkikita kami.
Si Mamu kasi ulit e. Sinabihan ako Hanna si ano o. O diba. Wag kang ngumiti okay. Hahaha.

Bakit kasi ang hirap? Alam mo yung feeling na nag-eexpect ka na pansinin ka niya? Wala eh. Useless lahat ng ginagawa mo. Tinry ko na nga magmature kahit papaano sabi nga nila blooming daw ako pero wala wala talaga. Parang feeling ko kinarma ako kasi hindi ko pinapansin yung dalawang nagkakacrush sa akin. Huhu

092214. After lang ng event ko narealize na (almost) relevant pala yung statement sa shirt ko sa naging unexpected experience ko ngayong araw. Haha. No regrets naman kahit may shock effect yung pagkakapili sa akin/amin. Haha. Remembrance ko tuloy ay yang yellow na tali, masakit na binti, at super enjoy na experience. Pagoda at Haggardo Versoza pero super fun. Sana maulit! Nag-eexpect pa naman kami na gugulong kami sa putik o kaya mababasa o kahit diretso ligo challenge. Charot lang. Hahaha. Salamat, Mamir sa pagtitiwala kahit kami’y first lamang (sa huli. HAHAHAHA 😂😂😂) at sa LSSC sa inyong activity na ito, na unang station pa lang nalaman na namin kung bakit karamihan samin ay course na in line sa medicine/science ang kinuha — kasi hindi kami pang-Math. Lol 😂😂 We have tried, and we survived! 💪haha. CEAS FTW! 👊 #AmazingRaceLPUBEdition #StudentsDay2014

To pass or not?

Di ko alam kung bakit. Pero gusto kong maging DL. For what? Again, di ko alam. Parang normal lang kung makapasok o hindi. Pero mas dama ko yung bunga ng paghihirap kapag nakapasok ako. Kapag nakapasok na ako, ano na? Ewan ko ba. Parang wala naman kasing pumapansin sa achievements ko. Just for example, noong nakapasa ako sa PLMAT. Nung nalaman ng family ko, “Good.” Hindi naman sila masyadong nag-eexpect sa akin. Bakit? I’m not as good as my ate. I’d rather do what they like. At least, wala silang masasabi sa akin dahil sinunod ko sila. If the outcome is bad blame theirselves.

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video