As life goes on we also go cause the going is a goer.

Its been freakin’ too long since I blogged. Oh well, too much has changed I tell you. I’m college na, and I know that I kinda adjusted na but iba pa rin yung High School. 

This first semester was full of twists and turns, it was one of a freaking roller coaster ride, my mom died, I cried, some lied, and I’m tired (Lol, I tried my best to make it more rhyming). Anyway, yes I’ve been quite busy, at first I missed the busy-ness that high school has given me, but never thought that I’ll still be like that in college. I expected that I will just be crazy nerd, but it turns out I became normal again, but I am still weird because the characteristic cannot be taken away from me no matter what you fucking do. 

All through out the week, I was literally studying my ass off. Knowing that I have one failed subject last midterms, I FUCKING GAVE MY BEST! Help me! OM! “Computer na nga lang ibabagsak pa” fucking fuckery righttt! UGHH! But I’m still proud because kakarelease lang ng grades for FILI AND PUTANGINA PASADO AKO. So party party! But you know I kinda think that my dreams on being a dean’s lister is slowly fading out, I don’t know why, but I’m starting to think that I’m not DL Material, loljk, deep inside syempre oo. Hahahaha 

I’m missing high school a lot, all those random moments with Nicole and Bea. Directing and making freaking projects, all those things, yes I know it was hard but I miss it all! 

But yeah, I miss my mom. I still remember that day. It was like a mini heart attack came to me when I saw her there, yes I know it’s creepy forgive me. I miss me and mom going everywhere just to go eat and shop. Browsing every sales catalog, ebay-ing, and all our bonding moments when we’re just talking in bed. Nothing can ever compare to the feeling when I’m with mom. I can say that I was ready but do you know the feeling that I was still expecting her to be with me all through out knowing that me and dad are not good together, leaving me with him will be a mess. But it turns out, now that Mom’s gone. Me and dad had been quite good. 

Ok. Bye

Jusko po, kelangan ko pong makabili ng . . .

1) Chinos na red 

2) Espadrilles na bago

3) Denim Long Sleeves 

4) Aztec Print Tees

5) Mala-Keds na Sapatos

6) Knapsack 

7) Pastel Colored V-Necks 

8) Colorful Sweaters

9) Necklace na maayos

10) Gym Baaaag 

Oh ngayon, sino gusto sumama sa akin patungong Divisoria. The land of my dreams. Wooh. Parteh!

As always I'm being this dramatic again. Well if you really know me, I;m the type of person that you can stereotype as the Melodramatic.

Oo, madrama talaga ako, tanong mo pa mga kaibigan ko, pero Oo iyakin ako, kaso masasabi kong di na ako iyakin siguro since last year kaya pag nakita niyo akong umiyak dahil nagpatong patong ang lahat ng problema at punong puno na ako at simple tip - Wag na wag niyo akong kakausapin, kasi gusto ko mapag-isa, a simple pat would do.

Going back, Oo, madrama ako lalo na sa blog. Well I believe that there is still Freedom of Speech

Assuming, one thing siguro na napansin ko sa sarili, pero para sakin ang tawag doon ay pagpapatasya. Kaya, para sa akin hindi naman masama iyon dahil ikaw lamang ay nag-iisip ng maganda ukol sa kinabukasan. Yun lang.

Alam mo ba na miss na miss na miss na kita.

Oo, eto na naman ako. Di ko alam kung ano na naman nangyayari sakin. Pero kung gagawa ako ng Indirect Patama baka sabihin na nagpaparinig ako so, eto, kakausapin na lang kita. 

Alam mo bang miss na miss na miss na kita, yung tipong bawat segundo nasa isipin kita. Namimiss ko yung mga panahon dati, hindi naman katagalan pero alam mo yun! Yung talaga nagpapa-buo ng araw ko eh. Kahit isang salita mo lang, oks na. Pero ngayon, para na ata akong nanglilimos ng pansin mula sa mga celebrity eh. Ano kaya nangyari? Ang tanong ko na lang, ba’t ganun yung dati? Naglaro lang ba? Hay, basta masaya ako nun sa kinatatayuan ko, pero di ko naman alam kung anong mangyayari, ngunit di ko naman akalain na mala-ganito na ang eksena. Nag-expire na ba? Kumalas na ba? o sadyang wala lang talaga.

Oo, inaamin ko akala ko maaring may mangyari, pero sorry nagkamali ako. Oo, ako lang naman ata ang nabubuhay sa isang pantasya, isang mundo kung saan ako lang ang tao at ako lang din ang nakakaintindi sa sarili ko. Doon, naninirahan akong masaya. Doon, naninirahan ka palagi sa isip ko. Doon. Pero kathang isip lamang iyon, at tanging ako lang ang masayang nagpapantasya sa magandang mangyayari, at hindi iniisip ang mga kinatatakutan kong mangayari sa kinabukasan.

Ayan, di mo ba naramdaman? Di mo ba naramdaman lahat ng ginagawa ko? Effort ata yun eh. Pero sariwa pa rin naman sa isipan ko ang lahat ng kasiyahan na aking nadarama noong mga panahong iyon. Di’ ko alam kung di mo napansin o di mo lang pinapansin, kasi iba nga napapansin eh.

Di mo alam kung gaano kita kagusto, kung gaano ako nasisiyahan pag nakikita ka(?) Pero alam ko naman na isa lang akong regular na tao para sayo. Di naman ako ispesyal kung tutuusin diba? 

Dati sa mundo ko natutulog ako at iniisip kung saan ka dadalhin, alam mo ba kung saan, gusto kitang isama sa isang lugar kung saan mo makikita ang paglubog ng araw at ang paglitaw ng buwan, bakit? Sa totoo di ko alam, pero para sa akin ang gandang tingnan, parang ikaw. Gusto ko ipadama sa iyo na espesyal ka, di tulad ng iba. Unique ika nga, bihira ka lang, nag-iisa ka lang sa mundong ito. Di ba?

Hay kung joke lang ito lahat, sana mabuhay na lang ako sa isang joke, at least dun ako makakapag-saya, pero hindi eh, nakatira tayo ngayon sa isang mundong hindi sang-ayon sa ating kagustuhan. Hiindi natin nakukuha ang lahat. Siguro kaya na rin hindi kita nakuha.

Hindi ko ginustong masaktan, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Kung tutuusin c&uSh lang naman ata to eh. Pero di ko alam, di ko talaga alam.

Di ko makakalimutan yung isang araw na umiyak ako, oo umiyak ako. Ikaw yung unang babaeng iniyakan ko. Kaya nga naguguluhan ako, kung bakit eh ganon lang naman. Pero, alam kong plano to ni Papa God. Hindi natin malalaman kung anong mangyayari sunod.

Ang alam ko lang na sa pinaka ilalim-ilaliman ng puso, miss na miss na miss na kita. Kahit Oo, inaamin ko walang nangyari pero, namimiss ko yung nararamdaman ko pag kausap kita. Yung masayang masaya ako pag sinasabi mo pangalan ko. Well, alam ko masasabi niyong ang kapal naman ng mukha ko kasi wala naman talagang nangyari tas masasaktan ako, kaso di ko naman alam kung anong nangyayari SAKIN.


Friendzoned
tama ba? Sana kung may MTV dito sa Pinas, aba siguro ang yaman ko dahil binabayaran na ako para mag-rant sa mga nangyayari sa buhay ko. 

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video