Day 1

Since 1:42 am na naman ngayon at hindi ako makatulog sisimulan ko na ang 10 day challenge.

TEN THINGS YOU WANT TO SAY TO TEN DIFFERENT PEOPLE  RIGHT NOW.

1. Mame: Sana naman po buksan niyo yung isipan niyo sa ibang paniniwala, hindi yung nakasentro lang kayo sa nakasanayan niyo. Paano magkakaron ng Pagkakaintindihan kung walang Pang unawa at Respeto? Pero mahal ko po kayo.

2. Karen: Bes, alam mo ba miss na miss na kita. Namimiss na kitang pagkwentuhan ng mga bagay bagay, pero natatakot ako laging lumapit kasi parang ang layo layo mo na. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ko gustong bumalik ng High School. Haha

3. Cathy: Masaya ako para sa iyo. Haha. Kinikilig ako sa inyong dalawa ni You-know-who, pasensiya ka na kung hindi kita ma PM sa ym, hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang conversation sayo, pero masasabi kong isa ka sa mga may sense at nakakawiling kausap. :)

4. Ma’am Madonna: Sana naman po magpakita na kayo or magreply man lang, kasi kelangan ko yung classcards ko. huhuhu. Sana po mahiram ko ulit yung Swimfins niyo. 

5. Kenneth: TENGENA MO! IBALIK MO NA SA AKIN YUNG SANTA CLAUS NA BALL PEN KO, KASI KINUHA KO LANG DIN YUN SA KAPATID KO. HAHA

6. Ate Thel: Hi ate, kamusta ka na ba? Sana magkita na tayo ngayong bakasyon para makabonding man lang ulit kita. Alam mo, ikaw ung pinaka maunawaing ate na nakilala ko, alam mo agad pag may problema ako o kung ano ang nakakapagpatawa sa akin. Miss na kita. :3

7. Sanse: Ikakasal ka na, iiwan na akong nag iisa. Chos! Masaya ako at malungkot kasi ikakasal ka na. Masaya ako kasi finally, magpapakasal na kayo after 6 years niyong mag bf/gf. Nalulungkot ako kasi, nito lang tayo naging close tapos lilipat ka na agad ng bahay. Wala na kong pagnanakawan supply ng chocolates, pringles, nuts at kung ano ano pa mula sayo :(

8. Para sa mga Lalaking nagpapaiyak ng Babae: OI, umayos po kayo. Ang babae minamahal hindi pinapaluha. Sabi nila, ang bawat patak ng luha na nalalaglag, sampung beses na paghihirap daw ang magiging katumbas na kapalit para sa lalaking nagpaiyak sa isang babae. Kaya kung ayaw mong maghirap, wag kang magpaiyak. Bahala ka, pag yan NATAUHAN, baka wala ka nang paiiyakin kasi INIWAN ka na niya.

9. Para sa mga Babaeng nagpapaiyak ng Lalake: Girls, ang mga lalaki kahit tigasin tignan, deep inside umiiyak din yan pag nag iisa na. Wag po natin silang saktan at paiyakin. May classmate ako nun High School na, talagang mahal na mahal niya yung girlfriend niya, pero nun nalaman niyang niloloko lang siya, simula nun wala na siyang sineryosong babae. Kaya Girls, walang MAWAWALANG lalaki, kung magaling MAG-ALAGA at MAGPAHALAGA si babae.

10. Duhdeh: Alam kong galit ka at masama ang loob mo sa akin, ganun din po ako. Alam kong nasaktan kita, pero ang sakit lang talaga nun sinabi mong hindi mo ko kilala at wag kitang kausapin at yung isa pa. Tulad nga ng sabi ko kanina sa chat na joke, Ang Panty parang Pride, kung hindi mo ibababa walang mangyayari. Kaya po SORRY kanina. :( Hayt. Sorry kung binanggit ko siya para mainis ka, kasi naman eh. Hayt. Sorry. Pero kung ayaw mo po talaga akong kausapin at hindi mo talaga ako kilala. Iginagalang ko po yun.

Day 6

FIVE PEOPLE WHO MEAN A LOT.

Dapat kahapon ko pa ito nagawa, pero sa kadahilanang pagod ako at badtrip, hindi ko na nagawa yung challenge ko.

1. My Mom.

Para sa’kin siya yung tumayong ‘magulang’ ko talaga. Siya yung bestfriend ko, lalo na nun panahong nasa elementary pa lang ako at high school. Alam niya kung sino ang mga naging crush ko at kung sino yung mga nang aaway sa’kin. Naalala ko dati nun nasinturon ako ng Daddy ko, nilapitan niya agad ako at niyakap saka hinipo niya yung may ‘latay’ na part ng puwitan at binti ko. Sabi niya, masakit ba? Tengena, hindi hindi masarap po kaya po naiyak ako sa tuwa, chos. Pero kitang kita mo yung sincerity niya. May one time na nag away kami at hindi ko siya kinakausap for almost one week. Siya pa yung unang lumapit at humingi ng tawad. I love her so much.

image


2. My Favorite Cousin - Monet

Lagi kaming magkasama nito nun mga bata pa kami. Madalas din akong magbakasyon sa kanila at sa tuwing aalis na ako. Lagi siyang ngumangawa, hindi iyak. Hahaha. Siya yung pinakaclose kong pinsan, she’s like a sister to me. Siya yung tagapagtanggol ko dahil mas matapang at mas mataray siya sa’kin. Lagi kaming may kagagahan. Ako rin yung sabihan niya ng mga secrets at problema. Ito yung favorite kong photo niya. It never fails to make me laugh.

image

3. Karen

Siya yung una kong nakilala nun high school. Nagkasundo kami agad dahil lagi niyang tinatawanan yung jokes ko. Lagi niya akong naiintindihan at lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa dahil pareho kaming nahihirapan sa MATH. She’s my buddy during my high school days.

image

4. My Brother

Siya yung pinakafavorite kong kuya, si Kuya Jojo. Kasi naman, lagi niya kong kinukunsinti. At lalo ko siyang favorite pag pasko na. Alam na. hahaha. Hanggang ngayon niyayakap niya ko at inaasar. Nun bata pa ako ang hilig niyang kagatin yung pisngi lalo na tuwing natutulog kaya naman pag naramdaman ko na yung kagat niya, Tang ina nagigising na ko agad at umiiyak kasi ang baho nun laway. HUHU.

image

At syempre, ang love of my life.

5. Jose Dominic C. Olaguer

Kilala niyo na siguro siya, dahil lagi ko siyang nababanggit sa mga previous challenges ko. Una ko siyang nakita sa Filipino room nun first year college. At ang sama ng tingin niya sa’kin, aba sabi ko ang suplado naman nito. Then nun nagkaroon ng seminar at nangangalap ako ng mga numbers ng mga classmates ko. Bigla niya kong nilapitan at hiningi yung number ko, pagkatapos nagkwentuhan na kami at nagkikilitian. Tengena, kilig. Later ko na lang nalaman na, alam na pala niya talaga yung number ko mula sa isa pa naming classmate. Nilapitan niya lang ako that day para makuha niya atensiyon ko at para makipagkaibigan na rin. 

Siya lang yung nakakapagparamdam sa’kin ng sari-saring emosyon. Siya yung dahilan kung bakit gusto ko laging pumasok sa school at gumising sa araw-araw.

image


Day 4

SEVEN THINGS THAT CROSS YOUR MIND A LOT.

1. Pag da-DIET

Kailangan ko nang mag diet para magkasya sa’kin yung isusuot kong gown sa kasal ng kapatid ko. Isang buwan na lang ang nalalabi sa’kin pero, tuwing naiisip ko to TINATAMAD ako. Ang sarap kasing kumaen. hahaha

2. Fried Ice Cream

Sana sa susunod naming pag e SM ni Duhdeh eh, makabili ulit kami nito. Hindi lang kasi siya pampatanggal init kundi nakakatuwa rin panoorin habang ginagawa siya. At lalong sumasarap ang fried ice cream dahil kasalo ko siya. :D

3. Classcards

Sana makumpleto ko na yung classcards ko para mai-apply ko na siya sa DL. At para magkaroon na rin ako ng pera. Ang dami ko kasing gustong bilhin at nalalapit na rin ang kaarawan ng mahal ko.

4. GIFs

Nakakatuwa dahil sanay na akong gumawa ng GIF dahil na rin sa tulong ng better half ko. Iniisip ko kung ano pa yung pwede kong gawing GIF na maganda. At kung ano pa yung pwede kong gawin sa tumblr. Tulad ng kung paano ko pa mapapaganda yung writing style ko at kung paano gumawa ng mga typos.

5. How to be a Tumblr Famous. Haha

Well, pareho naming pangarap ni Duhdeh yan. Hahaha, madalas ko na siyang naiisip ngayon kasi parang ang sarap pag tumblr famous ka. Biruin mo, simpleng post lang nakakahakot na agad ng sandamakmak na notes. Bilang blogger kasi (kakaumpisa ko pa lang) ang sarap sa pakiramdam kapag maraming naglalike sa post mo. Noong nagpost ako at nakareceive ng 14 notes pakiramdam ko Tumblr famous na ako. hahaha.

image

6. Beastly

Ewan ko ba kung bakit pero, gustong gusto ko talagang panoorin yung movie na to. Para kasing maganda. Ahahaha. Simula pa nun April 21 iniisip ko na yung movie na to.

image

At syempre, ang taong laging umookupa sa buong puso’t isip ko, ang taong lagi kong iniisip sa bawat paggising ko sa umaga at bago matulog, ang taong inspirasyon at pinagkukunan ko ng lakas.

7. My future husband Jose Dominic C. Olaguer.

Lagi ko siyang naiisip, lagi ko siyang namimiss, lagi ko siyang mamahalin at lagi kong iniisip ang future kasama siya.

image

Ang aming scandal bow. hahaha. LOLjk

Day 3

EIGHT WAYS TO WIN MY HEART

1. May Sense of Humor

Lahat naman ata, ito yung hinahanap sa isang lalaki eh. Kasi sabi nga, daig ng funny ang gwapo. Masarap tumawa ng tumawa dahil ang gaan sa pakiramdam. Lalo na kung ang katawanan mo ay yung taong mahal mo. 

2. Dapat Makwento ka

Gusto ko yung hindi ako mababagot pag kasama ko ang isang tao. Dapat marami siyang alam na kwento para maraming mapag usapan, mapa social problems man, religion, love, music, life and syempre kung ano yung plano niya sa future para sa aming dalawa.

3. Maginoo

Sa panahon ngayon, bibihira ang ganitong klase ng tao. Bibihira yung bibigyan ka ng upuan para makaupo ka. Yung magpapaypay sayo dahil naiinitan ka. Yung papaunahin kang sumakay ng jeep. Ang sarap lang pag gentleman ang isang lalaki.

4. 'Yung Matalinong Lalaki

Gusto ko kasi yung may malalaman ako sa iba’t ibang bagay. Yung meron siyang maise share na bago sa akin. Ayoko naman kasi na ako lang lagi yung magse share eh. hahaha. Pogi points din pag matalino yung lalaki.

5. May pagkaMakata

Simula High school, mahilig ako sa mga tula, lalo na kung tungkol sa pag ibig. Lagi kong iniisip na may magbibigay sa akin ng tula at isasalaysay niya ang kanyang pag ibig. KORNI man, pero makaluma talaga ako. Mas lalo akong kinikilig pag nakakatanggap ako ng tula.

6. Mapagkakatiwalaan

Isa to sa mga gusto kong characteristics ng isang lalaki. Yung mapagkakatiwalaan mong hindi niya ibebreak yung puso mo. Yung parang magiging bestfriend mo siya na pwede mong sabihan ng sikreto at problema. Parang siya yung magiging diary mo na nagtitiwala kang sa inyong dalawa lang yung mga inilagay mong kwento sa bawat pahina.

7. Maawain, lalo na sa matatanda

Hindi ako agad nagbibigay ng limos lalo na sa mga pulubi. Pero iba itong lalaki na ito. Lahat ata ng barya na makita niya sa purse niya eh ibinibigay niya agad lalo na sa matatandang pulubi. Parang nasabi ko na lang na, may ganito pa palang lalaki. Nakakatuwa lang.

8. 'Yung sobrang sweet

Ang sarap sa pakiramdam pag napakasweet ng taong makakarelasyon mo. Dahil maasahan mong araw-araw, eh may bagong mangyayari sa inyo. Yung mga surprises, yung nakaw na halik, yung mga yakap mula sa likod at yung mga halik sa noo. Para kang mamamatay sa sobrang kilig.

P.S. Na win na kasi yung puso ko, kaya lahat ng andiyan eh ways/characteristics ni Duhdeh

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video