diwara

December 15 2014; Salamat po sa araw na to, hinayaan nyo po ako na simulan at tapusin ang araw ko na isang S ang kasama ko.

Monday. 5:00 AM gumayak na kami ni mama para sa panata mamayang 5:30. Pumunta kami dun ng 5:10. Nakakatuwa kasi nakikipagpanata na si Vince. Para di na sya pasulpot-sulpot sa kapilya, kaya sya napapagalitan ni C1 tsaka ng lola nya eh. Anyway, antok na antok ako sa school pero nung matutulog na sana ko, biglang dumating si sir Quiday, nagquiz kami sa speech. Filipino, long bond pala dapat lalagay yung yung project hahaha kainis di ko naman kasi naaalala. Recess, matutulog sana ako kaso ginawa namin ni Abby yung eco na ang baba ng score namin nakakaasar kasi ang diwara ni Maam Tuliao. Physics, pinagbrainstorm lang ng tungkol sa broadcasting bukas. Tinamad nanaman siguro si sir Hanz. English, tinuloy namin yung quiz kaso wala naman akong maisagot sa IPAs kaya nagdrawing nalang ako ng giraffe sa paper ko, at least alam ni sir na may effort at dedicated ako sa subject nya. Nagpractice kami ng Trail kasi sa wednesday na yun. Si maam di na nagklase napakatamad. Gusto kong matulog kahit buong lunch na ko tulog. Kaso nagroom samin yung Courage kaya nasa gym kami. Hindi naman ako ganun katulad ni Justine para matulog sa bleachers. Di masaya yung araw na to sa school. 

Masaya lang kasi umulan nung uwian, pagdating ko sa bahay, andun si Vince tsaka si Vincarl. 8 na yata sila umalis. Nakakainis nga si kuya Baj eh sobrang ingay hahahaha sumama sakin manuod ng DVC si Vince, naghanap pa ng horror movie kasi napanuod nya na daw yun. Haha kung ako lang, lagi naman akong komportable kasama yun, ewan ko dun bat nagiinarte hahaha ayaw kunin yung pagkain nya kasi andun ako, kaya pinaabot ko nalang kay Vincarl at panigurado di kakain yun. Hahaha Vince ka parin bangag na bangag. Okay na pala S5 nya puro call of duty naman laman. Hahaha ngayon, matutulog na ko kasi may panata pa bukas.