She Will Be Loved

Bakit ito title? Kasi she’s the girl with a broken smile.

Tropa ‘ko ‘to eh. Alam niyo, dati kasi huling balita ko sakaniya, one sided love siya, yung siya lang nagmamahal? Yun yung huling balita ko kasi ‘di na kami naguusap, because of.. basta. Tapos ngayon nalang ulit kami nagkausap. Nagopen, ganun nanaman sitwasyon niya.

Nakakainis diba? Kasi tropa ko eh, tapos babae pa, ginaganon lang? Kung kilala niyo ‘to, nakikita niyo, tapos malalaman niyong sinasaktan-saktan lang siya lage, na samantalang siya sobra sobra ‘yung binibigay na pagmamahal.. pag nakita niyo ‘to masasabi niyo “ITO? SASAKTAN MO LANG?” Grabe.

Kakainis may mga tao talagang.. ‘di ko alam kung ganun ‘yung taong nananakit sakaniya ngayon eh. Pero alam niyo yon? ‘yung parang tinatake-advantage porket alam niyang mahal siya o gusto niya. Sige nga, kayo. Malalaman niyo naman kung may gusto isang tao sainyo diba? Kahit ‘di nila sabihin, Kahit bestfriends pa kayo, malalaman mo kasi iba na yung mga tingin nila sainyo, may halo ng pagmamahal, yung mga ngiti nila sainyo.. may tamis. Napakaswerte nung taong mahal ng taong ‘to. Ginagawa niya lahat, sabi niya saken? Ayaw niyang nasasaktan ‘yon, kahit siya nalang. San ba kayo makakakita ng ganon? Meron pa bang ganong babae? Meron pa? Eh karamihan ngayon, mga gumaganti na.

Para sa mga lalaking ganto, Isa lang masasabi ‘ko, lalo na sa nanakit dito sa taong ‘to. “PARE, BALANG ARAW.. MALALAMAN MO RIN KUNG ANONG SINAYANG MO. KUNG ANONG BINALEWALA MO.”

Sup nisha. HAHA! Sana maging okay ka na. Kayanin mo ah? Kung ‘di mo kaya text ka, o kaya pag marami kang load tawag ka, o kung tinatamad ka ako nalang tatawag. Andito lang ako palagi para sayo fre. ‘Di ako mawawala promise. Instant karamay mo ko kahit saang problema mo. Simula ngayon, magkahati na tayo lagi sa problema mo.
Ayoko na makikitang nagkakaganyan ka. Sana sa susunod, yung ikukwento mo saken, masasaya na. yung mahihimatay ka na sa sobrang tuwa, sasabihin mo ulit sakin na naluluha ka na kasi, di mo na kaya yung sayang nararamdaman mo. Darating ‘yon nisha, kayanin mo lang ngayon. Kailangan malagpasan mo ‘yan. Para dumating na siya. :) Ganda ganda mo sinasaktan ka lang? Tss. :*

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video