chrager

Find.

Kanina habang nahihirapan akong hanapin yng chrager ng laptop at ipod ko may narealize ako. Buong buhay nalang ba akong maghahanap? Lalo na sa mga bagay na para sa ibang tao napakadali lang hanapin at makuha. Parang ang unfair naman. Hirap na hirap akong mahanap ang mga simpleng bagay tulad ng kasiyahan at pagmamahal. Ang kasiyahan na permanente yung palaging andyan, yung walang expiration date. Ang pagmamahal na dapat nararamdaman at nakikita ko sa mga magulang, kapatid at kaibigan ko. Pero bakit sila? Bakit yung iba? Bakit madali lang mahanap para sa kanila? Bakit ako nahihirapan maghanap? Habang buhay nalang ba ako maghahanap?