busilak

Senti
  • Senti
  • Moonstar88
  • Todo Combo
Play

Moonstar88 - Senti

Tumugtog ‘to kanina sa sinakyang pampasaherong bus & nangilid ang luha habang bumababa ako. Ang tindi ng hugot nung tinig ni Maychelle & syempre marahan ‘yung arrangement sa Yano gem na ‘to. Pero ngayon ko lang talaga nadama kung gaano ka-solid ‘yung pagkakakanta. Tatagos sa buto ngunit hindi ka iiwang lantad & hubad, kundi yayakap sa’yo, isang banayad & masiglang yakap.

Pausbungin

Ama naming mapagmahal

Ika’y aming dinarangal.

Alay sayo aming dasal,

Buhay sayo’y nakasandal.

Panginoon ay purihin,

Buhay ay sa kanya pa rin.

Kabutiha’y pausbungin,

Dahil siya’y laging kapiling.

Amang makapangyarihan,

Busilak ang kalooban.

Siya ay dapat pagtuunan,

Sa lubos niyang kabutihan.

Ama naming, aming gabay.

Patnubayan aming buhay.

Ika’y maging aming tulay,

Patungo sa paghuhusay.

Diyos natin, Ama’y sa langit,

Nagpapaalis ng sakit.

Tayo ay napapalapit

Sa hawak niyang mahigpit.

. Pagranas ng malasakit,

May naghihintay sa langit,

Para sa taong aakit,

Sa pasensiyang nananaig.

Huwag sana tayong mapatid.

Kaisipa’y huwag makitid.

Maayos sanang ihatid

Ang dasal sa daang tuwid.

Tao mang nagkakasala,

Tayo pa’y pinagpapala.

Libu-libong pagdurusa,

Diyos pa rin ang minumutya.