bumagal

Nageenjoy nako tumingin ng updates tungkol sa #tamu2 kaso biglang bumagal ang net. Tapos forever loading na. Hay

Kanina habang naghihintay ng jeep
  • Mommy:Ganda mo naman anak! Napapalingon sa'yo lahat ng dumadaan e.
  • (may dumaan na neon green na car, hindi tainted ang window kaya kitang kita, mejj bata pa yung driver, mag-isa
  • Ako:HAHAHAHA. *sabay turo dun sa car* Ayun mommy oh, ay shet bakit bumagal ang takbo nun? Nakita ata ako sa side mirror na nakaturo. HAHAHA. Yung leeg niya mababali sa paglingon e, hahahaha.
  • Mommy:Sexy mo daw kasi.
  • Ako:AY waht? HAHAHA. Payat ko nga po e.

Nakakainis. Ngayong summer parang bumagal ako sa panonood ng anime. Ang isang series lang, kalahating araw na. Eh ngayon, inaabot ako ng tatlong araw. Jusko. Tangina mo james dami mong kwento. Ge.

Earlier before i go to work, I saw him riding on his bike. He did’t nnotice me. Natulala ako. Literal. Parang bumagal yung oras. Muka akong tanga. Boyfriend ko sya since Oct 18, 2011 up to present pero parang bumalik ako sa unang araw na nakita ko siya. HAHAHA leche muka akong tanga talaga. Pakiramdam ko nasa isang eksena ako ng pelikula. Paglagpas nya sakin parang gusto kong tumili. Leche! PBB teens ang feeling!  Tas biglang naisip ko nalang “Shit! Ganto ko talaga kamahal tong taong to?”.   Ako kaya may ‘Slow-mo’ moment sa mata nya? 

Nais

Many, many thanks to you who inspired me to move forward and give my life direction. You urged me not to limit myself and to go beyond what I think I could do - and realize that I can do more. Now that I’m low and could go no further, now that the only way to go is up, I just want to share with you this little baby of mine which I conceived during the time I felt so empty and absolutely hopeless. I miss you, but this is probably (keyword: probably) the last time I’ll be writing about you publicly. I guess this is goodbye. (Ew, drama. Haha.) Thank you for everything! You very well know who you are, Mr. Unicorn. This is for you. And thank you for being the inspiration behind this.

Tila bumagal ang daloy ng mapaglarong panahon
Nagbigay-pugi muli sa ika-ilang pagkakataon
Sa lahat ng paligsahan, mistula’y nagwagi
Ngunit tahimik palang lumuluha ang pusong sawi
Tila’y may kulang, ngunit ano nga ba ito?
Bawat bahagi naman ng buhay ay kumpleto
Hindi malaman, lalong hindi mapagtanto
Kung bakit kumpleto naman, ngunit hindi makuntento
Nag-aalangan, at nag-dadalawang-isip rin
Nangungulila lamang ba sa dagat at buhangin?
O ‘di kaya’y sa pagmamahal at pag-aaruga ng pamilya?
O sa pangarap na makita ang pangalan sa takilya?
Maaari ring hindi na masaya sa trabaho
Ngunit hindi rin naman, pagka’t mahal naman ito
Kailanman, ni minsa’y ‘di sukat-akalain
Na ang kaligayahan pala’y kay hirap ngang maatim
Kahit pa tila lahat na ng bagay sa mundo’y na sa ‘yo
Minsan talaga’y kukulangin at may hahanapin ang puso.


Til we meet again. When we’re older and wiser, or when we’re finally meant to be together. Joke lang. :P I love you!


Chai Tea

10

Habang nakatingala, dahan dahan kong ninamnam ang bawat pagkakataon. Lumiwanag ang madilim na kalangitan sa mga fireworks. Ang mga kapwa ko PNUan ay nakangiting tinitingnan din ang mga iba’t ibang kulay na sumasabog sa itaas. Biglang bumagal ang lahat sa paningin ko. Ninamnam ko ang kalagitang masiglang masigla. Saka ko napagtanto na kahit naging mahirap ang proseso ay napagtagumpayan ko. Oo, marahil ito na ang huling kabanata ng buhay kolehiyo ko ngunit ang susunod na libro at kwento ay mabilis na magsisimula. Hindi madali dahil patunay ito na kailangang umusad sa paglalakbay gaano man kalayo. Hindi ko man mabalikan ang kwentong ito, patuloy ko naman itong nanamnamin sa paglipas ng panahon. Gagawin ko itong inspirasyon na maglakad pa para sa susunod na destinasyon.  Hindi ako titigil dahil marami akong kasama. Hindi nila ako iiwan sa daan.

Sa aking pamilya na hindi tumigil sa paggabay, maraming salamat! Pinatunayan nila na hindi hadlang ang antas sa buhay para magtagumpay. Tinuruan nila ako na maging matatag sa lahat ng oras. Magtiis kung kinakailangan. At ang magsumikap hindi lang para sa sarili kundi para sa iba. Kaya sa araw na pinakahihintay, nasaksihan nila ang lahat ng bunga nang kanilang pagsisikap. Ma! Pa! Moymoy at Karya, Maramiiiiiing Salamat! At sa mga kapamilya ko na walang sawa na sumusuporta sa akin at sa aking pamilya, Maraming Salamat! Higit pa sa utang na loob ang lahat ng ito.

Para sa dalawang tao na nagbigay ng 100X na saya sa bawat araw na namalagi ako sa pamantasan, Ted April at Ted Lee, Maramiiiiiing Salamat! Kayo ang nagturo sa akin ng totoong samahan. Sa inyo ko natutunan ang totoong tagumpay dahil nakamit natin ito nang hindi nag-iisa dahil sama sama tayong inaabot ang lahat. Hindi man tayo nagmula sa iisang magulang, magkakapaTED tayo sa lahat ng bagay. Salamat sa pagmamahal at pagtanggap! Hindi man naging perpekto ang mga bagay bagay, ang mahalaga ay napagtagumpayan natin. Mula noong una nating pagsasama tayo ay halos mga yagit pa. Nakita natin ang pagbabago sa isa’t isa. Gumanda. Yumaman. Tumalino. Haha! M3ness nga diba? Naniniwala ako na hindi dito magtatapos ang ating pagkakaibigan dahil may Forever diba? Ted Forevs ika nga.

Sa aking mga kapwa PNUan, Juanten, Famous VI BEEd, at sa lahat ng mga taong nakibuo sa akin ng magagandang kwento at tagpo sa minamahal nating Inang Pamantasan, Maramiiiiing Salamat! Mula 1st yr hanggang 4th yr at sa katatapos lang na Graduatin Ceremony, kitang kita kung paano tayo hinubog ng pamantasan para maging ganap na guro sa hinaharap. Hwag natin kalimutan kung para saan ang ating pinaghirapan sa loob ng apat na taon. Patuloy nating paalabin ang apoy sa sulo. Maging gabay sana ang bawat isa sa mga susunod pang henerasyon. Sabay sabay tayong bumubo ng alaala sa ating mahal na Inang pamantasan. Sabay sabay tayong umalis. At sabay sabay tayong bubuo ng pagbabago para sa bansa! Kaway kaway para sa mga bagong Guro ng Bayan! Mabuhay tayong lahat! *Top/Pass the LET* HAHAHAHA!

Habang nakatingala, dahan dahan kong ninamnam ang bawat pagkakataon. Lumiwanag ang madilim na kalangitan sa mga fireworks. Ang mga kapwa ko PNUan ay nakangiting tinitingnan din ang mga iba’t ibang kulay na sumasabog sa itaas. Biglang bumagal ang lahat sa paningin ko. Ninamnam ko ang kalagitang masiglang masigla. Kasabay nito ang pagtanggap ko sa hamon ng aking pinanggalingang pamantasan at sa hamon ng ating lipunan. Pagtatagumpayan ko ang lahat! Hindi ito pangako dahil gagawin ko ito gaano man kahirap ang proseso. Ako ay aangat at hindi titingin sa ibaba. Dahil sisiguraduhin ko na sa aking pag-angat, isasama ko ang lahat!


RIVERA, JOYCE ANN E.
Bachelor of Elementary Education
Philippine Normal University - S.Y. 2014-2015

Sabi ng mga binatilyo dito tambay  ..

narinig ko lang hahhaha ...may nakiki po .

so napisip ako tiningnan ko kung ilan naka connect sa wifi , aba aba hahahah ayos kayo huh kaya pla tambay kasi nakikiwifi hahah ,

dahil maldita ko pinalitan ko yung password namin well ayoko bumagal yung net nuh hahahha bleeehhhhh!!!!!

Punks

“Isang tagay sa mga pangks na hindi bumibitaw sa kanilang mapaghimagsik na kabataan kahit na kailangan maging responsableng matanda sa sariling pamilya at sa opisinang nagpapsahod nang buwanan.” (excerpt from Lourd De Veyra’s book “Little Book of Speeches”) 

Paano nga ba sisimulan? Paano magtatapos? ano ang konsepto? san patungo? 

Sa kalawakan, sa malawak na kalawakan. Sumikat ang araw, gumalaw ang mga tao, mabilis, nagmamadali. Umandar ang mga sasakyan sa kalsada. Sa kalawakan, isang panibagong araw ang nagumpisa. Nakatingin sa kawalan, habang nakasakay sa isang umaandar na sasakyan, pinagmasdan mo ang mundo. Ano na nga ba ang mga nagbago? Meron nga ba ? umunlad ba ang mundong ginagalawan mo? Nagsimulang bumagal ang takbo ng sasakyan. Dumami ang bilang ng mga koteseng nasa paligid. Expressway. Ngunit puno ng mga nagmamaneho na inip na inip na sa bagal ng usad ng byahe. “Express”way daw. Nakakatawa. Napangiti ka sa naisip na ideya. Muling mong ibinaling ang iyong tingin sa labas ng bintana. Isang magandang umaga ang bati sayo ni Haring araw na bahagyang nagtatago sa kumpol ng mga ulap sa langit. Panibangong araw. Ano ang pwedeng mangyari? Marami. Maari rin na ito na ang huling araw na lumakad ka sa mundong ibabaw. Hwag naman sana. Napatingin kang muli sa iyong paligid. Ano nga ba ang mga nag bago? Noon hindi ganon katindi ang dami ng mga kotse sa syudad na nagiging dahilan ng mahaba at mabagal na trapiko. Dati may mga puno pa sa mga kalsada. Sa mga “center island” ba yun? yung tawag sa hilera ng mga puno sa gitna ng kalsada. Yung hangin. Hindi ganon ka “polluted” kung ikukumpara sa nakaraan. Napakarami nang nagbago, pero diba sabi ng mga pilosopo, “CHANGE is the only thing that’s permanent”. Nasa mundo tayo kung saan walang hanggan ang pagbabago. Si Change lang ang may Forever. sya lang ang may karapatan na gamitin ang salitang iyon. 

Npansin mo ang biglang pagtigil ng iyong sinasakyan. napansin mong mabilis na ang takbo ng mga kasabay nyong sasakyan ngunit ang sa inyo ay nanatiling nakahinto sa isang gilid ng kalasada. bigla napukaw ang atensyon mo sa nakasulat sa may poste kung san nakahinto ang inyong sasakyan: “Emergency Bay”. Hinanap mo ang nagmamaneho ng pampasaherong sasakyan at nakita itong nakasubsob sa may makina. Maasim ang mukha. Alam mo ng may mali at mukhang matatagalan pa ang pagaayos ng nasabing sasakyan. Ang mga kasabay mo ay nagdesisyon ng sumakay ng ibang sasakayan. Nagmamadali. Inis. Nagaalala. Naiwan kang nakatayo sa gilid ng kalsada. Nakatingala sa langit. Para bang tumigil ang mundo ng makita mong malinis ang kalangitan mula sa mga nakakalat na mga ulap. Malamlam na asul ang bumati sa iyong mga mata at para bang naging maayos ang lahat. Tumigin kang muli sa sirang sasakyan na kanina’y lulan ka, sira pa rin. Ngunit alam mong walang pwedeng sumira sa araw mo. Isang bagong araw ang ibinigay sa iyo, at hindi mo ito sisrain ng dahil lang sa isang sirang sasakyan. Pumara ka ng bus at sumakay. 

Isang bagong araw sa opisina. Wala naman nabago. Umupo ka sa iyong upuan at nagumpisa na harapin ang hamon ng bagong araw na ipinagkaloob sa iyo. 

11:11

maraming kwento na kong narinig tungkol sa 11:11 na to yung pagka raw napatingin ka sa relo mo at nasaktohan mo na 11:11 na yung oras pwede ka raw mag wish malaki raw yung tsansa na matupad yung wish mo . 

naisip ko lang noon paano kaya pag nangyari sakin to ., pano kaya pag natsempuhan kong 11:11 na yung oras sa relo ko ., pano kung i-wish ko na sana makakita ako ng unicorn :3 matutupad kaya yun ?

at ayun! last week lang nangyari na nga sakin to ., 11:11  

pagtingin ko dun sa screen ng laptop ko nakita ko yung apat na magkakaparehong numero na nahahati sa dalawang panig na pinagigitnaan ng dalawang maliliit na tuldok 11:11 

bigla nlng pumasok sa isip ko yung mga kwento na naririnig ko sa mga kaibigan ko mejo bumagal yung oras sa paligid ko . `mag wiwish ba ko ?` pero kahit na nag aalangan ako hindi ko na napigilan yung sarili ko ginawa ko rin yung isinisigaw ng puso ko kahit na sa isip-isip ko paaasahin ko na naman ba sarili ko .

`this time , just this once gusto ko pong maging selfish ., bago ko mag wish naalala ko lang bigla na sa twing birthday ko o magsisimba ako at sasabihan ako ng mama ko na` o anak magwish ka na ., ` iisa lang yung palagian kong hinihiling sa panginoon iisa lang paulit-ulit ko lang hinihiling sa kanya yung iisang salita., yung “HAPPINESS”  mejo pang miss universe pero yun ung palagian kong naiisip kasi nga naniniwala rin ako sa kasabihan na “be careful for what you wish for ” pero nung nakita ko yung 11:11 sa screen ng laptop ko biglang nag iba , nakakatawa man pero isang salita lang din yung hiniling ko sa panginoon . hindi ko alam iisipin ko sa sarili ko pero gaya nga ng sabi ko just this once 

`boyfriend` yun! yung iisang salita na pumasok sa isip ko .. sana po magka boyfriend na ko . yung lalaking mamahalin talaga ko yeah I know pathetic me 

 11:12 pm isang minuto yung lumipas nang bigla ko na lang naalala. one hour late nga pala ang oras dito sa laptop ko .. ..



pero nang maalala ko yun ., di ko parin maiwasan na umasa sa 11:11 na yun . yung pag-asa na yu na nga lang ata yun natatanging bagay na pinag kakasunduan ng puso at isip ko .. 

sana

sana matupad 

kahit ngayon lang

MAY INTERNET NA LTE!!!

wala pa pala HAHAHAHAHAHAHHAHAHA pota loser globe dito sa cdo ugh 5days ng walang internetttt!! ugh pinaghahatian namin yung wifi sa smart dito sa bahay ang bagaaaal. sabi nung kaibigan ko hindi daw pero nababagalan ako chette nasanay ako dun sa globe ang bilis kasi ajuju. oki di ako sanay na isa lang wifi namin kasi yung smart pangwork lang ni kuya aris yun tas yung LTE pangstream talaga namin yun para di bumagal yung internet nya pag nagwwork sya. ugh kaazar nakailang tawag na kami sa globe gustong gusto ko ng awayin kung sino man ang sasagot hahahahahaha paker erset. akala ko may internet na kasi nagbblink yung modem HAHAHAHAHAHAHA in-off pala nung pinsan ko tas in-on ulit hahahahahahha ang loser mo forever kai K.