12/14/12 ♥ Christmas Party. *Long Post*

Kahapon, Finals ng Carol Fest at Christmas Party na din namin.. Nung umaga hanggang 12NN. Nasa Covered Court kami may program e yun ngang Carol Fest, di ako kasali ayaw ko e. HAHA. Eto mga kaklase ko..

image

Maganda ang kinalabasan ng pagkanta nila, 3rd Place kami out of 9. Contestant #6 ulit kami. Kagaya nung nag-Speech Choir. Swerte samin yun. HAHA.

Tapos nung hapon. Christmas Party namin. Masasabi ko na ito ang pinakamasayang Christmas Party ko, kung kelan kami 4th Year na saka kami nagsaya! HAHA.

Edi nagsimula na ang party. Ang President namin na gusto laging mag intermission number.. Are ohh. Pinagbigyan na laang namin at hindi magpaawat. HAHAHAHA.

image

Pagkatapos niyan mag-intermission number, nagpalaro na.

  • Saluhan ng itlog.
  • Yung sa kalamansi, yung nasa kutsara.
  • Paper Dance.
  • Palakihan ng Plastik Balloon.

Pagkatapos ng mga palaro, nagkaroon kami ng Ms. Gay! Amp! “Gays Everywhere daw.” HAHAHA. (Walang KJ e) Ang ginamit pang outfit ay yung sa Carol Fest.

Ms. Gay Competition.. GAYS EVERYWHERE.

image

image

Ang aarte pa. Grabe, PAK NA PAK e. Napaos ako jan sa katatawa at kakasigaw. HAHAHAHAHA! Yung First runner up ay yung katabi nung may walis. Naalala ko yung motto niya. “Ang beauty ko ay parang lobo… *Sabay paputok dun sa lobong hawak* PAK NA PAK!” HAHAHA. Ang lakas ng sigaw namin dun. HAHA.

Ang saya diba? Walang hindi nag-enjoy dyan. Wala kasing KJ kaya super saya. Solid na Solid ang section namin diba? HAHAHA. Hinding hindi ko makakalimutan ang section kong to’ grabe ang saya e.

Advance Merry Christmas & Happy New Year! =))

Community Confession.
  • Ako:Pagkatapos ko magconfession, di muna ako gagawa ng kasalanan o iimik ng kawalanghiyaan.
  • Barkada:*sunod sunod na nagsalita* Ako rin.
  • *After Confession*
  • Girl1:Tang*na nyo! Iniwan nyo ako.
  • Ako:Tanga! Nagdadasal ka pa e. Ayan, kakakumpisal pa lang nakapagmura agad. HAHAHAHA! Sorry po. Sorry po. *sabay palo sa bibig*
  • Girl1:HAHAHAHAHA.
Barkada nga diba? Walang iwanan hanggang sa kalokohan. ♥

Ang saya talaga pagkasama mo sa kalokohan yung barkadamo. Tuwing recess kumakain na kami ng kanin lagi kaming ganun, pati yung iba naming kaklase. E kanina late na naman kami pinalabas e di late na naman kami sa next subject. Late na late na talaga kami nun nakain pa kami tapos bigla naming nakita yung terror na teacher namin sa physics e di dali dali.. “uy! si mam oh, naninita na! late na daw. HAHAHAHA” tawanan pa kami. kuhh, tatakbo na kami sa room. Nung naglalakad na kami medyo di pahalata na tumatakbo, basta sabi samin e.. “kayo gang mga bata kayo ay mga walang klase? Kumain na lamang kayo wag na kayo umattend ng klase.” HAHAHA, dedma na at talagang hindi na magkaintindihan pano ibibilis ang lakad. HAHAHA. Pagdating sa room kami na lang yung wala. Late na naman daw kami. HAHA.

Nung filipino time naman recitation, e ako namang si tamad hindi nagbasa nung pinababasa sa el fili. HAHA, nung tinawag ako. Hala natulala ako, wala akong masagot. Tapos yung katabi ko e barkada ko talagang lumipat dun sa tabi ko. Sabi sakin “Sabihin mo yun dalii.. Si Rizal ay binaril sa likod……. tapos nahulog sa Laguna lake.. HAHAHA” Hindi ko alam gagawin ko nun, akoy tawang tawa na pigil pigil ko lang at mamumura ni maam ay nasa harapan pa kaming 2. HAHAHA..

Masaya lang gawin ang mga bagay na ganyan pagkasama ang barkada mo mga sira ulo. ♥♥

Yeeeeheeeey! 11/23/12

Woohoooooo, LYF @ 11 sa De La Salle Lipa. Ang saya lang ng araw na to’ jusko. Ang daming Epic ngayon e. HAHAHA, pero okay lang. Sulit naman ang pagsama. Sabog nga laang kami nung nag-aanimation. HAHAHA, Sayang kasama ng mga Lasallians, pati na rin yung ibang schools. 

Graduation Practice.

Jusme, mula March 1 nagpapractice na kami ng Graduation at Recognition, pero hindi pa rin okay. Bakit? Kawawalanghiya ng mga boys, hindi kasi sineseryoso, minsan pag song practice may mga mkikita kang mga tulog na pano kaya mahuhusay? Tapos kahapon dapat may practice din buti at nakipagdeal ang mga boys na magtutuga na sa monday. Nung friday nagpapractice ng pagkuha ng diploma aba may mga nagsasabing get one and pass na lang daw. Jussssssssskoooooooo! Maluluka na ang mga teachers sa kasasaway. Pero sana talaga maayos na bukas.

Laughtrip.

Grabe, nakakagood vibes yung blog ng isa kong barkada. Tuwing nababadtrip ako magtitingin ako ng baong post niya habang binabasa ko yung mga kwento niya sa blog niya tawa ako ng tawa, tuwang tuwa ako sa kanya. Kaya mamimiss ko yun e. Sana wala kaming kalimutan.

Multi-Tasking ♥ Rak ang section namin \mm/

February 22, 2013 grabe first time lahat ng nagyari sakin/samin ngayon as in sa buong High School life namin ngayon lang talaga. Umaga pa lang, 6:45am na ako nakarating sa room grabe puro mga nakaupo na lahat at may kanya kanyang mga ginagawa. Pagkarating ko nagsimula na din agad ako kasi  super dami ko talagang gagawin, kada may natatapos akong gawain may dadagdag sa ibang subject. Haggard na ang mga itsura namin, pero nakakatawa at nakakapagbiruan pa rin. Multi-tasking na ang ginagawa namin para makatapos lang sa mga gawain. Super dami kasi,

  • Term Paper sa English
  • Nagsasaulo pa ng talumpati sa Filipino
  • Nag-aaral para sa quiz sa SS at El Fili
  • Outline sa Filipino
  • Project sa CAT at MATH -_-“
  • Work Sheet sa Physics at Computer
  • Project sa Values Ed.
  • Accounting na mga Work Sheets
  • Mini sculpture sa Arts
  • Assignment sa Health
  • Nag ta-try nung Electromagnetic sa Physics

Sa sobrang dami naming gawain mga hindi na nakakain, time ng Recess at Lunch ay walang nalabas ng classroom, tapos sigawan pa, tawanan, may uli ng uli, kagulo ang silya nagkalat ang mga basura. May ibang mga studyante pang napunta sa room namin nung Lunch may mga hinihiram, may tinatawag na mga kaklase namin, ala hindi na namin naintindi at kagulo nga ang room sa sobrang dami ng gawain. Tapos nung labasan di pa agad nakauwi dahil nga nung presentation sa PE ay bago umalis ng room ay pinaglinis at pinaayos ang room namin kasi finals na ng mga Honor at Graduating Students sa Tuesday. Sanay kami na nag-iiwan ng libro sa room (walang locker e) ay sabi nung teacher itatapon daw ang mga libro na makikita niya ay di lahat ay kanya kanyang kuha ng mga libro dun sa may veranda. HAHAHA, kasaya laang ng araw na to’ kahit sobrang daming ginagawa may time pa rin magbiruan at tumawa. ST. PETER kami e ;)

February 14, Valentines Day/Family Day/Birthday Party Ni Angel.
  • Gumising ng 4:30
  • 6:10 pumasok
  • Kinilig sa mga kaklaseng may lovelife
  • Nag-mass ;)
  • Break Time
  • Program hanggang 12nn (magic show, puppet show) Parang birthday no? HAHAHA.
  • Lunch
  • BINGO hanggang 4pm
  • Uwian
  • Dumeretso kina Angel
  • Kumain
  • Uwian

Bongga ng Valentines ko, nakatapat ko lang sa pila si Crush at biglang lumipad ang isip ko. HAHAHA :”“> Okay na kahit walang nagbigay ng kung anu-anong pa-sweet kasi nakita ko naman si Crush. GBFDJUDBNLSIUFHXVF.

HAPPY BIRTHDAY ANGEL, salamat sa pakain ;)

Even though I pretend that I've moved on, you'll always be my baby.

Ano naman daw konek ng title sa kwento ko? HAHAHA. Masaya ako e. Hayaan nyo na,  Yieee. Proud na proud ako sa section namin kagagaling e. Hataw sa stage  kanina e (di ako sumali dun sa contest) HAHA. Tamad ako magpraktis gusto ko laban agad. HAHA, Kakatuwa talaga. Sya! Congrats sa inyooo! Pati dun sa ibang nanalo. =))

Test. >:D
  • *Ako:nagtutumblr*
  • Ate:Aba?! Akala ko may exams ka pa bukas?
  • Ako:Ohh?
  • Ate:Monthly yun diga?!!
  • Ako:Oo, Bakit ga?
  • Ate:Bakit di ka nag-aaral?
  • Ako:ABA!! E SA MATALINO NA AKO E. DI KO NA KELANGAN MAG-ARAL!!!
  • Ate:MATALINO???? MUKAAA MO! PATYIN MO NA YAAAAN!!!
  • Ako:LUH! MUKAAA MO din!
  • Ate:MATALINO PALA HUH???!!! BAKA GUSTO MONG PAKITA KO SA PAPA ANG MGA QUIZ MONG MABABABA??!! ANO?
  • Ako:JOKE lang naman, eto di na mabiro. Wait lang maya-maya ng konti mag-aaral na ako.
Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video