Inspirasyon

Noong nasilayan mo ang unang liwanag

Ng mundong akala mo’y isang bihag.

Pero matapos ng sandaling pagmulat

Mga surpresa pala ng buhay ang kumalat.

Sa una, hindi mo lang maintindihan.

Marami ka pang tanong - sino, ano at kailan.

Bakit, paano at kung nasaan,

Sa pangarap lang pala mayroong kaligayahan.

Kaya ngayong araw, iyong pakakatandaan,

Pagpili sa saya, liwanag at kabutihan.

Maging inspirasyon sa pangarap ng kahit ilan,

Para ang sinag mo’y magningning kailan pa man.

~ Marcelo Santos III

"Saka mo lang malalaman yung tunay na halaga ng isang bagay kapag nawala na ‘to sa’yo." Tunay na nasa huli ang pagsisi kung kaya’t dapat lang ay maging wais tayo pagdating sa paggawa ng mga desisyon. Subalit gayunpaman, hindi na kinakailangan ng isang bagay na mawala pa, malaman lang ang kanyang halaga. Dahil kung alam mong mahalaga ‘to sa’yo, sisikapin mong hindi ‘to mawala sa’yo.

Maaring may mga bagay na hindi sinadya para manatili sa’tin. Pero kung tutuusin, ang pagkawala ng ilang mga bagay sa atin ay isang paraan lang sa pagmumulat sa’tin sa kung ano ang totoo.

image

Buhay Commuter sa Kalakhang Maynila
ni: JRenzBarrios              

                Pipila sa sakayan ng jeep. Pipila sa terminal ng bus. Pila ulit sa ticket booth ng LRT. Pila na naman sa pagsakay ng tren. Pila sa daan. Mahabang pila ng mga sasakyan sa EDSA. Walang katapusang pag-pila.  Walang katapusang pasakit. Walang katapusang hirap. Kung isa kang commuter sa kalakhang maynila, naging hobby mo na siguro ang pagpila. Sa dami ba naman ng kailangan mong pilahan di ka pa ba masasanay? Inet, polusyon, pawis hindi lang ng sarili pati ng katabi, at gutom ilan lang yan sa mga dinadanas bawat araw ng mga commuter sa kalakhang maynila upang makarating sa kani-kanilang trabaho, eskwelahan o kung saan man ang kanilang destinasyon paroroonan. Sa laki ng bilang ng mga Pilipinong walang  sariling sasakyan at umaasa lamang sa mga pampublikong paraan ng transportansyon, tila isang malaking problema pa din ng bansa ang pagbibigay ng matinong transportasyon sa mamamayan nito. Napag-iiwanan na nga ba tayo ng ating mga karatig bansa sa timog-silangang Asya pagdating sa aspeto ng transportansyon.

image

image

                Gigising sa umaga kahit hindi pa nakasikat ang haring araw. Diretso na sa banyo. Ihanda ang gamit. Wala nang kain-kain, sa byahe na lang papuntang trabaho. Kailangan na magmadali kahit tatlong oras pa bago magbukas ang opisina kasi paniguradong traffic na naman. Ganito ang karaniwang simula ng araw ng isang dakilang commuter araw-araw. Kahit anong aga ng gising mo siguradong mahuhuli ka pa din sa trabaho dahil sa napakatagal na oras na kailangan mong gugulin para lamang makapasok. Kung ikukumpara ang estado ng transportasyon ng Pilipinas laban sa mga mauunlad na karatig bansa natin tulad ng Singapore, Malaysia, China at Japan napag-iiwanan na tayo. Kumbaga sa karera ng mga hayop masasabing tayo ay isang pagong na matagal umusad at sila ay mga kabayong kay bilis ng takbo. Abot-kamay na nila ang finish line, tayo nasa start pa lang. Malaking salik ang transportasyon sa Ekonomiya. Kapag mabagal ang transportasyon, mabagal din ang pag-usad ng ekonomiya. Bilyon-bilyon ang nawawala sa atin dahil sa mabagal na transportasyon. Maraming naisip at naipatupad na solusyon daw sa problemang ito ng bansa pero nauuwi lang rin ito sa wala. Parang ang mga nasabing solusyon ay siya pang nagpalala ng problema.

                Paypay doon, papay dito. Mainet na nga masikip pa at matagal pa ang byahe dahil sa matinding trapik. Sa dami naman kasi ng lokasyon sa mundo ang swerte-swerte natin para mapadpad pa ang bansang Pilipinas na malapit sa ekwador na direktang nasisikatan ng inet ng araw at damang-dama ang sinasabing “Global Warming”. Maswerte na kung matino ang aircon na sinasakyan mong bus ngunit parang kahit anong lakas ng aircon wala pa rin itong panama sa dami ng taong nagsisiksikan sa loob nito. Hindi na kataka-taka kung bakit tagaktak ang pawis ng mga manggagawa at estudyante sa tuwing oras ng pagpasok. Pero kahit anong gawin nating reklamo wala rin tayong maggagawa kung ayaw mong magtiis sa inet bakit hindi ka magtaxi o kaya sana bumili ka na lang ng sarili mong sasakyan.

image

               Hindi na rin ako magtataka kung bakit nagiging hindi kaaya-aya ang amoy na sumisingaw sa loob   ng mga tren ng LRT at MRT tuwing rush hour. Milyon-milyong pilipino ang dumidipende sa mga tren para makapunta sa kanilang paroroonan. Sa haba ng pila mula sa pagtse-tsek ng dala mong bagahe papasok sa estansyon hanggang sa pila ng bilihan ng ticket at hanggang sa platform o hintayan ng tren aabutin ka na ng siyam-siyam. Kapag masusulyapan na ang paparating na tren, nagtratransform na ang mga pasahero sa isang mandirigma. Gagawin ang lahat para lang makapasok. Bawal ang babagal-bagal at dapat mabilis ang bawat galaw. Magbubukas ang pintuan ng treng kanina pang hinihintay ng mga naipong pasahero. Mag-uunahan ang mga mandirigma sa pagpasok. Swerte ka kung makakapasok ka bago tumunog ang alarma na hudyat na magsasara na ang mga pintuan. Kung mamalasin ka, maghintay ka na lang ulit at humandang makipagdigma muli. Kapag nasa loob na, ang mga kaninang mandirigma ngayon ay mistulang sardinas na. Siksikan sa loob ng tren. Ang pawis na tumatagaktak ang nagsisilbeng sauce medyo maasim nga lang isipin na lang natin na sinigang flavor. Ang sardinas ang mga tao. Ang bagon ang nagsisilbeng lata na naglalaman ng sardinas. Bawal manigarilyo, uminom at kumain sa loob. Sa sobrang sikip ba naman sa loob maiisip mo pa bang kumain at mag-ayang makipag-inuman sa katabi mo.

image

               Kung ayaw mo sa masikip at mainet na byahe subukan mong magtaxi, problema nga lang ay mas mahal ang iyong babayaran. Ang taxi ang sasakyan para sa commuter na medyo nakakaluwag-luwag at hindi para sa pasaherong sakto lang ang baryang dala para sa pamasahe. Pero kahit ganun hindi ka pa din ligtas sa problema ng transportasyon sa bansa. Katakot-takot na trapiko pa din ang iyong kakaharapin pero kahit papaano ay komportable ka, may musika mula sa estasyon ng radyong palaging sinasabeng sila raw ang numero uno hindi lang sa kalakhang maynila kundi pati na sa buong bansa o kung gusto mong makipagchismisan kay Manong driver tungkol sa paborito mong artista o tungkol sa lovelife mo pwede rin.

               Hinding-hindi mawawala ang traffic sa bawat pangunahing kalye at daan sa Metro Manila. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit tinanghal ang lungsod ng Maynila bilang “World’s 3rd worst city for driving” ng CNNGo.com noong taong 2012. Trapik na nga mas lalo pang naging trapik dahil sa mga inaayos na daan na ayos naman talaga pero sinira para ayusin ulit. Mas lalala pa ito lalo kapag umulan. Ang problema sa mga kalsada sa atin kaunting buhos lang ng ulan babaha na agad. Wrong timing pa ang pag-ulan at pagbaha sakto sa uwian ng mga estudyante at manggagawa. Dahil sa baha, maiistranded ang mga pasahero dahil maiipon ang mga pampasaherong behikulo dahil nga sa traffic na bunsod ng baha. Mas lalong hihirap ang pagbyahe. Paniguradong pahirapan ang paghanap ng sasakyang masasakyan. Kumbaga sa isang laro naglevel-up ang challenge naging level 2. Kung wala ka pa ding mahanap na sasakyan, wala kang ibang pedeng pagpilan kung hindi ang maglakad pauwi.

image

               Buhay commuter ay hindi madali. Madaming hirap ang kailangan mong danasin sa bawat araw. Kung ngayon ay mahirap na paniguradong sa mga susunod pang taon ay lalala ang problema sanhi ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa bansa. Dadami ang mga pasahero at dahil dito mas lalo pang iinet at mas lalo pang sisikip. Hanggat hindi nabibigyan ng matinong solusyon ang problema sa tansportasyon ng bansa mananatiling alipin tayo ng problemang ito. Patuloy pa rin nating dadanasin ang hirap. Patuloy pa rin tayong magtitiis sa mabagal na sistema. Mananatili pa ding hadlang ito sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya sa bansa.

Photographs by: Gary Salova

Dear Tumblr,

Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapag-blog, ni hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling lumandi dito at nagkalovelife sa kapwa tumblrista.de joke lang. HAHA ibig kong sabihin hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagblog, ni hindi ko na nagagawang i-kwento yung mga masasaya, malulungkot, nakakatuwa at mga kalandian at kaharotan na nangyari sa buhay ko. de joke lang yung dulo.HAHA. Sa ngayon Li-low muna ako sa panlalandi at sa pagpapalandi este sa paghahanap ng True Love, wala munang lovelife sa ngayon, pero bukas pwede na. de joke lang ulet. HAHA. Kailangan ko munang magfocus sa magandang oppurtunidad na ipinagkaloob saken ng Diyos. Geh ba-bye na. HAHA.

P.S. Nakakamiss pala talaga yung pagbablog.

Eh kasi buong araw akong nakaharap sa laptop tapos pinapabayaan ko nalang mga kailangan kong ireview tapos yung mga art shts na kailangang tatapusin. Tinatamad pa ako eh pota. Walang pumapasok na inspirasyon sa buhay ko. Nakakaburat. Tsaka wala pa akong kausap. So sahd

Ang buhay ay parang isang lrt at mrt na may kanya-kanyang estasyong kailangan na hintuan para makarating sa pupuntahan. Minsan pa nga ay walang kasiguraduhan kung ano ang maaring mangyari dahil nga masikip, mabaho, mainit at lalong puno ng pakikipagsapalaran, bago ka makatungtong sa iyong destinasyon dahil maraming nakaharang na bida pero kontrabida sa pintuan kaya kung maari kalma ka lang kasi kung hindi mahaba ang iyong pasensiya sa pagmamadali mong maka-usad agad sa buhay na pinili mo baka makasapak ka na lang bigla sa pagkaasar mo. May mga pagbabago na kailangan nating tanggapin sa ating sarili, dahil sabi nga sa kanta ay “Di lang ikaw” ang maaring masaktan, mapagod, mangalay, mabagot, at magreklamo puro reklamo wala naman gustong making. Pero ang iba ay nanatiling kalmado pa rin dahil Masaya mabuhay na walang iniisip na problema. Nandiyan man ang mga alagad ni lupin kailangan nating mag-ingat sa mga mapanlinlang na mga mata dahil maari kang maisahan kapag tanga-tanga ka at pag-uwi mo ay iiyak-iyak ka ang sakit di ba? Maari ka naman bumawi bukas dahil laging may pag-asang naghihintay sayo na dahil sa nangyari lalo kang naging matapang at lumaban sa hamon ng buhay.  Kahit sa mabagal na usad ng pila ay gusto pa rin nilang sumakay dahil ito lang ang alam nilang pinakamabilis na paraan at daan, higit sa lahat ito’y pinakaswak sa laman ng iyong bulsa maging masaya kana sa kung anong meron ka pagkat kaysa naman sa pagtitiis mong wala kang magamit kaya nga naman saludo ako sa mga pinoy na kahit magulo ay tuloy pa rin sa pagsakay agos ng buhay makikita mo rito pa lamang, tayo’y tinuturuan na kung gaano kasakit pero Masaya ang kapalaran ng tao. Upang  di kaya para masiyahan ka gumawa ka ng paraan para masulusyonan parang pagpunta sa  Baclaran marami kang pagpipilian kahit made in china pa. Pag ika’y naliligaw naman at di mo alam kung saan ka bababa subukan mong magtanong kay manong guard na Gil palaging nga lang puyat pero laging nakabantay na hinihintay kang magtanong ka at idaing ang iyong problema agad ka niyang tutulungan.

THANK YOU Lord, you’ve granted the desire of my heart, i made it, i passed the 10th EPS-TOPIK Exam. At sa mga teacher’s ko na walang sawang gumabay at nagturo saken ng Korean Language na sobrang nagbigay saken ng inspirasyon at motivation na pag-igihan ko pa lalo ang pagrereview at nagturo saken na magtiwala lang sa Diyos..SOBRANG THANK YOU PO TALAGA SA INYO. Yung totoo hindi ko po talaga ini-expect na makapasa ako kasi para saken sobrang hirap talaga ng exam, mas mahirap pa sa pag moMOVE-ON. HAHA! Pero natutunan ko na wala palang imposible sa Diyos, lahat ng naisin natin ay maaaring mangyari basta naniniwala tayo sa kanya. Kailangan lang ay maniwala ka, manalig ka na ang pinaka-mainam para sa iyo ang ipagkakaloob ng Diyos. Walang rason para magduda sa mga plano niya para sa atin. Napaka-makapangyarihan po talaga ang pagdarasal. See you soon KOREA. 

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video