SUR-FRIES! :)

Nung gabi ng Jan. 17, mga 11:30 na ako nakatulog nun, may katext pa eh. Hahaha. Basta yun. Tapos nagising ako nung mga 1:40 something kasi may nagbukas ng pintuan ko. Eh syempre, bagong gising medyo malabo yung paningin ko nun. Tapos tiningnan ko yung nagbukas nung pinto ng kwarto ko, hindi ko siya mamukhaan. Basta alam ko nakasuot siya ng polo na green. Tapos napapapikit ako, nung naidilat ko na yung mata ko talaga, lumapit siya sa akin.

Lalaki siya, tapos kiniss niya ako sa forehead, tapos bigla ko siyang niyakap tapos napasabi ako ng "PAPA!" Oo, si Papa nga yung dumating. Kakauwi niya lang galing barko. Grabe, sobrang saya ko nun. Mangiyak-ngiyak na ako nun kasi kiniss niya ako sa forehead ng maraming beses tsaka ang higpit ng yakap niya. Namimiss ko na kasi talaga siya. Eh kapag tinatanong ko naman kay Mama na kailan uuwi si Papa, hindi naman sinasabi ni Mama kung kailan. Tapos yun, sinurprise nila kami ng kapatid ko. Ang saya lang. Hehe. Andito na si Papa. :”>

Ignater. :))

hohoho, eto ang tawag sa team-up ng Ignatius at Peter. yieee, nairaos nman nmin ng maayos ang aming sayaw. at tuwang-tuwa ako dun.. ang saya lngs magsayaw lalo na magprami kayoo! :)) leggo .

paalam :3
  • hindi pa tapos sa napakahabang homework sa environmental biology.
  • wala pang nasisimulan sa problem set.
  • hindi pa nagagawa ang homeworks sa filipino.
  • wala pang naaaral sa math at chemistry.

sino nagsabing tamad ako? nagcconserve lang ako ng energy. sayang e. dejoke. :) oo na ako na tamad. syempre bukas ko na gagawin lahat yun diba. wews. kung may grade lang talaga sa pagccram, siguradong may kwatro agad ako. :D nako~ kaya ko to bukas. ge tutulog na ko. kasi wala na yung ano. (siya nanaman. lechugas) ayun. gudnanayt :3

ANG BEST FRIENDS KO.

Maharot kami minsan. Malakas ang halakhak. Malakas ang trip. Magkakasundo sa halos lahat ng bagay. Magulo kami. We’re wild in a different way. Masaya kaming tatlo. Mahal namin ang isa’t isa. <3

image

Malakas trip:

image

Weird dance:

image

Pa-cute:

image

Pambara:

image

Malandi:

image

Bang:

image

Best GIF ever:

image

Long Distance Relationships.

Distance is just a test to see how far love can travel.

It’s not the distance that counts, it’s the love.

Maraming kasabihan patungkol sa mga Long Distance Relationships. Marami kasing nasa ganitong klaseng relasyon ngayon. Base sa mga nakikita ko, kasi dito sa tumblr, may mga couples na magkaka-LDR talaga. Eh base lang sa mga nakikita kong posts nila sa isa’t isa, kahit gaano kalayo sila sa isa’t isa, hindi pa rin nawawala yung ‘love’ na sinasabi natin. Oo nga, sabihin na nating mahirap ang sumabak sa ganitong relasyon kasi wala yung salitang ‘presence’ sa inyo. Presence, yung lagi kayong nagkikita ganon. Pero wala eh. Kahit wala yun, ayos lang. Kung mahal niyo talaga ang isa’t isa, kahit gaano pa kalayo yan, keri niyo lang yan. Diyan masusukat kung gaano kayo katibay at masusukat din diyan yung trust niyo sa isa’t isa. Hanga ako sa inyo eh. Hehe.

Titig pa more.

Nakakainis. Sa tuwing nakikita ko siyang titingin sa akin, napapatingin rin ako. Parang timang lang. Natural na tumingin ako kasi akala ko may kailangan siya, eh wala naman. Tapos yun, tititig lang pala. Nakakainis. Di ko alam kung natatawa ako kanina o kinikilig eh. Leshugas naman kasi. Ano ba. Walang ganyanan, parang may mali sa mukha ko eh. Haha. Chos. Grr. :”>

Globe/8888.

Bakit ganon, lagi nalang namomroblema yung mga subscribers kapag magpa-Pasko at magba-Bagong taon. Ang hirap kasing magregister sa mga Unlitxt and other promos eh. Pahirapan na naman ngayon. Gumagana ba kapag rewards? Sana gumana. Marami akong itetext. Chos.

Nakakaadik na amoy.

Ewan ko ba pero gustung-gusto ko yung amoy ng:

  • Gas sa gasoline station
  • Isopropyl Alcohol
  • Minsan pa nga rugby eh

Pero hindi naman ako adik na gustong makaamoy ng mga ganyan parati. Nababanguhan lang ako sa amoy nila lalo na sa alcohol. Ang weird ko. o_O

Close

Breakeven (Cover) 

Di ko na tinapos, sabi sainyo panget. Haha. Di ko pinaghandaan yan. Bahala na kayong humusga. Sorry kung pangit quality ng face, ng camera, ng voice, ng guitar, etc. Haha. Charot. Enjoy. :)))

*Dahil bagong tuli ang kapatid ko*
  • Papa:(through skype) Abe, patingin nga.
  • Brotha:Ito oh. (sabay pakita ng putuytuy)
  • Ako:(Nakataklob sa ilalim ng unan)
  • Mama:Ito oh si Jan Marie, diring-diri ayaw pa tingnan.
  • Papa:HAHAHAHAHAHAHAHA
  • Papa:Sus, nandiri pa. Balang araw makakahawak ka rin niyan.
  • Ako:O________________O
  • Mama:Gagu. Haha
Defense na namin bukas.

Lord, tulungan niyo po kaming masagot yung mga tanong na ibabato ng mga panel tsaka po sana hindi kami ma-reject. We’ll do our best. We need Your guidance, oh Lord God. Thank you. Amen.

Sana talaga. Nako. *CrossFingers*

TRUE LOVE WAITS.

Ang tunay na pag-ibig, nakakapaghintay ‘yan. Darating ‘yan sa tamang panahon. Ang pag-ibig kasi hindi ‘yan minamadali. Kailangan lang muna sa ngayon ng thrill sa paghihintay. Mabubuhay ka pa naman kahit wala pa ang ka-partner mo sa buhay mo diba? Kaya, hintay lang babe, parating na ako. Haha. Charot.

Picture namin ni Jerome, after 3 mos. Ajeje. Sobrang thank you Ju! :”> Oo, titigan niyo nalang. Madilim kasi sa lugar na ‘yan. Bawal pa flash. Tadhana nga naman. Ayos na ‘yan. Wag nang demanding. :”“”>

Araw ng mga Puso. ♥ ♥ ♥

Pagdating ko sa school, parang wala lang. Okay, Valentine’s Day, yehey? Hahaha. Eh ganon reaksyon ko eh. First subject, kinginang Math. Ang hirap ng lesson. Enebe. Wala pa yung katabi ko na si Rommel, absent kasi. Sabi kasi niya kagabi, aabsent raw siya, pupunta raw ng Maynila kasama magulang niya. Edi yon, wala akong makausap kanina sa room. Nung nagrecess na, nagpustahan kami ni AJ, 50 pesos kung papasok ba si Rommel o hindi. Eh siyempre, pinagdidiinan ko talagang hindi siya papasok kasi alam ko yung rason niya. Kaya yun, deal for 50 pesos. Eh si AJ talagang confident na papasok siya kahit half day lang.

Nagseseatwork kami nung Physics. Seryoso namin, nang biglang may pumasok sa pintuan, eh sa dulung-dulo pa man din ako nakaupo malapit sa pinto, nagulat ako, andiyan siya, pumasok si Rommel. Eh katabi ko pa man din si AJ non, biglang kumanta si AJ ng Rolling in the Deep. Tapos ako, "Shemay AJ, may 50 ka na." Oyes, talo ako sa pustahan. Grr. Haha.

Edi nung Anatomy time, wala kaming ginawa, pinapunta lang kami sa Gymanasium para manuod nung sayaw ng mga 2nd year, yun lang kasi naabutan namin. Edi yon, nanunuod ako, tapos si AJ at Joxh nagsasalita sa likod ko. Biglang may lumapit sa akin, si Rommel pala, ay shet, may dalang bouquet ng pink flowers. Kingina, ang laki. Para akong nanalo sa beauty contest eh. Joke lang. Syempre nagpasalamat ako no, di ko kasi inaasahan na may ganon pala yung nalalaman. Zz. Akala ko talaga absent yon.

Nung uwian na, edi kasama ko sina Abby, AJ at Joxh nun pabalik na ng service, biglang salubong sa akin ni Luis, binigyan niya ako ng Reese’s na may nakasulat na Bolding. Haha. Adik eh.

Ayun, magbabalik na sana kami ng Class Register, tapos nakita ko sina Vinnz, Chepi, Joemar, Osis at si Esca nagkaharap kami, parang nakaharang sila sa daan, tapos si Chepi natugtog ng gitara. Si Esca naman lumapit, tapos binigay ni Vinnz kay Esca yung hawak niyang bouquet ng orange flowers sabay bigay sa akin. OHEM lang, di ko na naman inaasahan. Tapos si Chepi parang sinasabi na parang kakanta daw yata si Esca, eh kaso ayaw. Shemay, sayang harana din yon. Joke. Haha. Ang dami kong thank you sa kanya, kasi naman nagpaparinig siya ng “Thank you ah.” Eh alam ko namang pabiro lang yon. Ayun. Sinamahan na niya ako magbalik ng Class Reg tapos nagusap ng saglit tapos bumalik na ako ng service.

Nakakaloka lang ‘tong araw na ‘to. Di ko alam kung kinikilig ako o ewan. =))

3

1st day dito sa dorm. :)

  • Mag-isa lang sa kwarto ngayon
  • Namili ng gamit sa SM Harrison
  • Nag-ayos ulit ng gamit sa dorm
  • Nagpunta ng MOA
  • Nagkita kami nina AJ at ate Jeni
  • Kumain kami sa Chowking
  • Nagpunta sa Seaside thingy
  • Namangha sa MOA eye
  • Biglang umulan ng malakas with matching kulog at kidlat
  • Nag-taxi pauwi
  • Naglakad papunta sa Dorm
  • Puro putik ang binti at paa, gandang binyag. Haha

Share lang.

Gusto ko ng KUYA.

Kuya sa totoong buhay. 

Yung tipong mabait sa’yo, mapagbigay, yung nag-aalala sa’yo, yung pinoprotektahan ka kapag may nananakit sayo, yung sweet na aakalaing boyfriend mo pero hindi kasi nga kuya mo siya, at yung mahal ka talaga.

Gusto ko magkaroon ng ganito. Kaso wala eh. Alangan namang mag-ampon sina mama at papa. Lels. Pero gusto ko talaga ng ganyang kuya kung sa next life ko eh magkaroon man ako. Kasi base sa mga nakikita ko at naririnig ko sa mga kaibigan ko na may mga kuya, hindi lahat ng “kuya” ay talagang “kuya” ang kilos kasi yung iba parang kung kumilos ay mas bata pa sayo. Lels. Eh tapos yung iba, talagang kina-career ang pagiging “kuya” nila kasi minsan pag isa lang computer niyo sa bahay, di ka pa papagamitin. Tapos yung iba naman aawayin ka pa (hindi lambing ah). 

Para sa akin, hindi pala lahat ng kuya na inaakala nating mabait, protective, sweet ay ganon. Swertihan lang pala yung mga babaeng may kuya na mabait. Hehe~

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video