antoxic

Got home. Bat ba antoxic ng duty ko ngayon?

Guraaaabeh! Nagsama yung supervising pharmacist at senior pharmacist namin ng duty. Eh may previous history sila.

Sabi ni Ma’am Jena kapag sila daw ni Ma’am Cel ang magkasama sa shift, napaka toxic daw talaga.

Ma’am Jena: Alam mo ba karen hindi kami dapat pinagsasama ni Ma’am Cel mo.

Ako: Bakit naman po?

MJ: Kasi nagiging toxic.

A: Ay weh ma’am? Bakit proven and tested na po ba?

MJ: Oo. Hahaha! Kaloka diba?

A: Kaloka nga po.hahaha!

Well, napatunayan ko nga na toxic talaga kapag sila nagsama. Gaya kanina. Ang dami daming ginawa as in. Nakakastress at nakakapagod. Nagsabay sabay pa yung Admission ng patient, Billing, pagrerender ng medicines at supplies, sumabay pa yung pagdeliver ng mga syringes, hotbag, splint, heplock, pati mga medicines. Jusmiyo!

Pati yung pagpost and credit note nung mga nirendered. Pag iinventory pa. Kaloka diba? Nakakapagod tumayo buong araw. Nakakangalay sa binti. Pero busog much naman ako buong araw. Hahahaha!