Friends.

Marami ako niyan. Ewan ko. Siguro feeling ko lang yun. 

Tumblr friends. Cyber friends. School friends. 

Para sakin, basta friends, forever hidden treasure. Hidden kasi hindi mo agad makikita yung pinagsamahan namin. :)

Realnacloseatneverakongiiwansabuhay?

Si Abby, Telle, Jette, Tofi, Nicole, Ayi, Steph, Kath, Pau, Nolasco, Cham, Gina, Kath, Ced, Jhelyn, Ruth, Sherissa, Sitti, Adan, Elein, Thea, Star, Nick at AM. Sila yung masasabi kong forever kong ilalab. Chos. Pero seryoso, mahal na mahal ko sila.

Kung nabanggit kita at nababasa mo ‘to, I love you. Thank you kasi never mo kong iniwan, at minsan mo lang ako awayin. At lagi mo ko pinapatawa, at sinusoportahan sa buhay at pagkain. :-) Ingat ka, ihohog pa kita. 

Banat.

Mahilig ako sa ganyan, nakakatuwa kasi. Pero this time, guuurls ang bumabanat sakin at super benta naman so far.

This one, between me and my anak anakan, Cristelle

Cristelle: NAY! KAILANGAN KO NG TULONG MO!

Me: O bakit? :O

Cristelle: TUMAWAG KA NG AMBULANSYA DALI!

Me: Hala! Hala! Ano nangyari?!

Cristelle: Inaatake ako!

Me: NG ANO? :O Omg

Cristelle: Ng pagmamahal mo. :”>

GRABE HA. Ako na yung aatakihin sa’yo ‘teh! HAHAHAHHAAHA. Tawa ako ng tawa pagkatapos kasi muntikan na talaga ako mapatakbo sa nanay ko para humingi ng tulong. Muntikan pang mapahiya, diba? Pero syempre, benta talaga siya sa’kin kasi nga pawang tanga ako kanina. Nabawi naman. Mahal naman daw niya ako. O diba? Motherly love eh. :>

Itong isa naman kay Loves. Abbey trip ko tawag sakanya kahit Abby lang talaga dapat. 

Abbey: Dugo at Oxygen ka ba?

Me: Kasi I can’t live without you?

Abbey: Hindi, kasi ikaw lang nilalaman ng puso ko.

Me: ~*KiLiEgZ*~

Abbey: O may isa pa. Galing to lahat sa tumblr.

Abbey: Loves, Ok ka lang?

Me: Bakit?

Abbey: Nasagasaan ka kasi…. ng puso ko.

Me: LONDEH! =))

Abbey: Ito pa. Sabi ng pusa Meow Meow. Sabi ng aso Arf Arf. Alam mo sabi ng puso ko?

Me: Ano?

Abbey: “Ikaw! Ikaw!”

O ‘yan mga girrrlz. Natuwa na ako sa mga banat niyong iyan. Cute cute lang. :”> 

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video