Lasing.

Bakit hindi lasingin ang mga akusado at testigo.

Bakit nga ba? Napatunayan ng siyensya na ang alcohol ay may epekto sa inhibition center ng ating kamalayan. Malamang syempre, dahil sa korte ay bawal ang nakainom, dahil may mga taong hindi natin alam ang timpla at baka na lang biglang manapak.

Pero kung tutuusin, kahit naman sabihin natin na “under the oath” tayo, malalaman ba ng ibang tao na nagsisinungaling ka sa harap ng hukuman? May natural na kakayahan ang tao na gumawa ng mga bagay na hindi nila sukat-akalain ay kaya nila, lalo na kung nakasalalay dito ang kalayaan niya.

May mga inosenteng nahahatulan at may mga akusadong nakakatakas kahit na sila ang gumawa ng sala. Katotohanan, baluktutin mo man ang time-space continuum. Maraming dahilan, magaling ang abugado ng isa, kaysa sa isa. Mas nahumaling ang lupong tagahatol sa mga inilatag na kaso ng kabilang lupon.

"Drunken words are sober thoughts", hindi alam kung saan nanggaling ang kasabihang ito. Siguro isang grupo ng mga lasenggong siyentipiko. Dahil nga napagalaman na naapektuhan ng alak ang inhibition center ng isang tao. Isang parte ng utak na nagbibigay kakayahan sa isang tao na limitahan ang isang bagay. Kaya kung minsan napapansin natin na madadaldal ang mga lasing, ito’y sapagkat nakompromisa ang parte ng utak niya para siya’y patahimikin. Parang gripong nasira at tuloy tuloy lang ang daloy ng tubig.

Kaya minsan marami ring pusong nabibigo kapag lasing. Yung tipong lasing na lasing ka at kasama mo sa inuman yung crush mo tapos hindi mo na mapigilan ang sarili mo bilang nilunod na ng serbesa ang inhibition center mo, tapos napaamin ka sa crush mo. Kaso malas mo, hindi pala umiinom crush mo, nasa tamang pagiisip pa siya. Kaya ayun, nagulat yata at nasampal ka. Kaya tandaan, dapat lasing din si crush bago umamin.

Mabalik sa usapan, bakit nga ba hindi lasingin ang mga kriminal o akusado.

Proposal: 

1. Ilagay sa isang kwarto. 

2. Maglagay ng alak.

3. Makipaginuman.

4. Maging ka-close.

5. Pag umamin sa kasalanan, e di guilty. Tapos. Umamin na e.

Ewan ko. Suggestion lang naman.

Pero kasi sabi nga nila, 3 uri lang ng tao ang nagsasabi ng totoo. Ang bata, ang lasing at ang galit.

Hindi naman sumasailalim sa paglilitis ang mga bata. Mas lalong hindi mo naman pwedeng gawing bata yung kriminal na pumatay nung edad kwarenta na di ba? Hindi mo rin pwedeng galitin yung tao sa korte.

Iba ang lasing sa galit, at lasing sa alak.

Yung lasing sa galit, nakakapatay ng mahal niya yan e. Crimes of passion ika nga. Itapat mo kay misis ang lango na mister, si mister pa mapapatay at magmamakaawa kay kumander.

Ewan ko ba. Alam naman nating lahat na bulok ang sistema.

Bukas

Sa salmo ng tandang,
napabangon si Juan.
Panibagong simula, panibagong kahapon.

Pawis at dugo,
alay sa pamilya.
Pagod at lumbay,
hindi iniinda.

Ahon, sa kahapon ay bumangon.
Ahon, sa bukas ay sumulong.

Tanghaliang hinanda ng misis ni Juan.
Unang kagat, puno ng pag-ibig.
Tapos na ang kalahati, painom naman ng tubig.

Dapithapon ay sumapit,
Kagalakan at pananabik.
Ligayang natamo, tila hindi masambit.
Sumalubong kay Juan, makukulit niyang bulilit.

Sa papag ng pag-asa, si Juan ay nagpahinga.
Ipinikit ang mga mata, bukas ay nakahain na.

 

- Andrei Lim 2013

I wanted no one.


1. Denial.


Suppression, repression.
Same thing, different expectation.
This is not happening,
Someone wake me up, am I dreaming?


I call bluff, but with those eyes,
striking like a spear with deadly accuracy.
Poker face, it’s real, mind you.
This is real, I can’t believe it too.


2. Anger.


Lashing out, projection.
Clouded rationale, hypertension.
Why is the world unfair!
Don’t blame it on circumstance.


Why do you want to see me suffering?
You’re just looking at it differently,
unneccessary tantrums.
You’re just barking at the wrong tree.


3. Bargaining.


Coping with rationalization.
It’s for the better, it’s your decision.
It’s not a long wait, sure.
Keep telling yourself, re-assure.


This will do. I think not, don’t settle.
But you’re getting more, than what you bargained for.
This is not what I want. But it’s better than nothing.
It’s pointless, you’ll get tired from fighting.


Maybe this is your destiny.
This is how it’s drawn.
What is there to die for?
I can’t think of another metaphor.


4. Depression.


As if the curtains closed,
and the host said goodnight.
We’ll see you again next year,
Hope you all had a great night.


The darkest day is yet to come.
Don’t forget the days where you were so calm.
It’s your leverage to pull through,
It’s your leverage, we can do it too.


Sleepless nights will just get longer.
It’ll be an illusion that will seem to last forever.
No point in crying over spilled milk,
Get up, get out, pull yourself, quick.


I can’t seem to think straight,
everytime I realize how long I would wait.
But just like another hard day, I’ll survive.
Next thing you know, it’s the end of the drive.


5. Acceptance.


What?

—  Do Bye, Do Hi - Andrei Lim 2012
Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video