Wala ng mga text galing sa kanya. Hindi ka na rin magpupuyat para lang makausap siya. Wala nang magsasabi sayo ng "Kumain ka na.", "Ingat ka lagi ha?" at "I love you baby." Malungkot. Masakit. Mahirap makalimot pero kailangan mag move on. Alam mong may kulang sayo eh. Dinadaan mo na lang sa pag ngiti pero deep in side, namimiss mo na siya.  

Kapag nagmahal ka ng taong mas mahal ka..
  • Alam mong mamahalin ka ng taong ito, sa kabila ng mga pagkukulang mo.
  • Pinagdadamot ka niya.
  • Hinding-hindi ka hahayaan.
  • Susuyuin ka niya palagi.
  • Tuwang-tuwa siya sa tuwing mapag-uusapan ang future niyo.
  • Sasabihin niya sa’yo kung nasaan, anong ginagawa niya at sinong mga kasama niya.
  • Ipagmamalaki ka sa mga kaibigan niya.
  • Ipapakilala ka sa pamilya niya.
  • Magseselos siya, kahit na sa maliit na bagay lang. Ganun talaga ‘yun, dahil ayaw ka niyang mawala ka sa kanya.
  • Proud sa’yo!
  • Ipaglalaban ka.
  • Kahit hindi kayo magkasama, ikaw pa din at wala ng iba.
  • Nagagalit siya sa’yo kapag nagpapalipas ka ng gutom.
  • Siya ‘yung taong mag-aalala kapag nagkasakit ka.
  • Hindi kakalimutang i-text ka ng, “Good morning/Good night. Mahal kita.”
  • 'Yung taong iingatan at aalagaan ka.
  • Tanggap ka ng buong-buo.
  • Magso-sorry sa’yo at ipapakitang nagsisisi na siya sa nagawa niyang mali.
  • Sasabihan ka ng “I love you” hindi dahil girlfriend/boyfriend ka niya, kundi dahil ‘yun ang nararamdaman niya.
  • Hindi ka niya ipagpapalit kahit alam niyang maraming hihigit pa sa’yo.
  • Hindi siya hahanap ng iba kahit maraming buwan kayong mawalay sa isa’t-isa.
  • Gagawin niya ang lahat magka-usap o magka-text man kayo araw-araw.
  • Siya ‘yung taong susuportahan ka sa anumang bagay na gawin mo.
  • Sasabihan ka ng “I love you” palagi, pero pinapatunayan niya araw-araw.

Sarap ng feeling kapag ganyan ang taong pinakamamahal mo. Sobrang sarap! Swerte mo kung nararanasan mo ‘yan ngayon

binibisita ko lang ang Tumblr kapag magpopost ako ng gusto ‘ko. Pagkatapos non wala na, exit na. Di ko na natitingnan ang dash. Haha. Salamat din sa mga nagffollow pa rin kahit alam niyo na, puro galing IG na nakikita niyo. Or nakikita niyo lang ako sa suggest blogs at natripan niyo lang na iclick ang follow button. hahahaha. pero thank you ha :)

may isshare ako.. hindi ako mahilig magcutics, dahil nakita ko si Mama na may binili na bagong cutics e hinithit ko yung cutics para high ako. CHAROT LANG. shempre naglagay ako sa may kamay ko. Di ako sanay kaya parang ang bigat ng kuko ko ganern hahahaha. tiis ganda lang. pero kapag nagfade na sya, di ko na uulitin. tinamaan ng katalandian e. hahahahahaha. yun lang. hello. :)

memmoree said:

Many people who are identified as Muslim happen to love someone of their sex. What bothers me about your judgement is that you seem to think you have the authority to decide what real Islam is, or that there is a single understanding of the faith (spoiler: there's not). I bet that homosexual Abbasids still considered themselves Muslims; their sexual preferences didn't change that. Only Allah can judge whether one is a true Muslim. Obvs you have an inflated ego, but to act as God? estaghfrallah

You’re taking offense because you seem to subscribe to the group you defined in the first sentence of your remark.

"To act as God?" I prefixed my title to the post with "MY Thoughts," and concluded the entire post with "But these are merely an explanation of my thoughts on the matter, wa Allahu A’alam Bis Sawaab.”

I agree that I am not the one to judge. What does that last part mean? “God knows best.” 

image

I don’t know why you’re so offended. Not once in the entire post did I say anything anti-LGBTQ. All I did was elucidate the Islamic stance of the topic, and many of my points came from a Shaykh, a Doctor of Islamic Studies, I spoke to while writing it for confirmation purposes. 

The ruling in the Qur’an is very, very clear on the matter… there are “varying” interpretations on certain parts of any scripture, but you can’t “interpret” parts of it that are definitive. But if you have not read the Qur’an in its entirety, you are not one to speak on the contents of it. 

As for you telling me to educate myself how the “Gay Imams read the Qur’an,” the only one I’ve heard of is Daayiee Abdullah, and his practices are in direct contradiction of Islamic law… so… not sure what you’re trying to tell me there… 

BEYOND ALL OF THAT, I said this towards the end of the post:

I will abridge what I said initially and say this: There is room in Islam for gays, just like there is room in Islam for any other person, who is inherently a sinner.

But there is no room for people who will ignore, tip-toe around or outright refute the words of the Qur’an.

The entire post is written about the Islamic view of the topic and I have several credible scholarly sources which confirm those views…

I personally don’t care what you do, or who you love, or anyone’s private affairs. One of my closest friends is bisexual… what I wrote is purely an analysis of the contents of the Qur’an from a scholarly perspective lent to me from a few sources, and an explanation of them with regards to the subject matter.

Akala ko malabo na ako makakilala ng taong katapat ng pagmamahal ko. Kasi naaalala ko lang dati palagi nalang ako masasaktan. Ang akala ko habang buhay na ako mapapako sa taong ang alam lang gawin eh saktan at ireject ako. Pero lahat ng akala ko pinatunayang MALI ng taong nagmamahal sakin ngayon. Dahil sa lahat ng luhang naipatak ng mga mata ko, nabigyan ng rason ng taong minamahal ko ngayon. Kaya naniniwala ako na hindi lahat ng lalaki, manloloko. Dahil isa sa sampung lalaki, may isang tao ang handang manindigan para sa pagmamahal na sinayang ng taong nakasakit sayo

Unahin ang dapat unahin. Magtira ka na lang ng oras para sa ibang bagay. Hindi mo rin naman alam kung anong mangyayari bukas o mamaya. Na baka mapagkaitan ka pa ng oras para gawin yung importanteng bagay na iyon. Mas mabuti nang sigurado, wala ka pang pagsisisihan.

anonymous said:

hi :) nagback read ako sa blog mo. and i found you hurting. alam ko wala pa ko alam sa kalahati ng kung anong nararamdaman mo pero iniwan din ako at alam ko masakit tas ipapamukha nya pa sayo na naka move na pala sya kahit kayo pa. makaka move on din tayo tiwala kang kay Lord, hope to be your friend someday

I am. I am really hurting. Hindi ko kasi mailabas sa personal lahat ng nararamdaman ko kaya dito ko binubuhos. Hahahaha. I know, I know. Kaya natin ‘to. :) And yes, we can be friends. :)

Dear Kuya Eco,

HAHAHA. Ugh-zar. Pa-special pa. Chareng. Hahaha. Na greet na kita eh, pero may pahabol ka pang kailangan ko mag long post. Eh tutal, nagpaganito din ako nung birthday ko, sige na nga. Alam mo namang may pagka tamad ako eh. Pero dahil isa ka sa mga naging kuya-kuyahan ko kahit hindi ko alam kung paano nangyari yun, ito na. Hahaha.

Ang pagkakatanda ko sa Free Hugs meet up tayo unang nagkita. Tapos ilang beses tayo nagkakasalubong then magpapakilala ulit yung grupo niyo. Hahaha. Then paulit ulit kong tinanong kung lasing ka ba or what pero normal ka naman ata nun, di lang talaga ako sure. Waht. Hahaha. Next na yung sa ATCMMU yun di ba? Tapos matino ka na nun. Hahaha. Picture picture, ayun. Pero di ko talaga alam paano tayo naging mag kuya. Basta alam ko kuya kita. Hahahahaha.

So ayun nga, ang gusto ko lang talaga sabihin is Happy Happy Birthday! Sana nag enjoy ka today. Hihi. God Bless! Mag-iingat ka ho palagi. Mag pray po palagi. Nandito lang kaming mga tropapeeps mo. See you ulit soon. Blow out! Chareng. Miss you, Kuya! Keep Safe always. 💙 HAPPY BIRTHDAY!!!!!!

Hindi naman naging tayo, pero inaamin kong minahal kita. Iniyakan ng sobra nung umalis kang bigla. Oo, nasaktan ako at alam kong wala rin akong karapatang pigilan ka dahil yun ang pinili at kagustuhan mo. Sayang no? Sayang tayo. Kung hindi ka sana nang-iwan, malamang hanggang ngayon, masaya pa rin tayo.

Isang beses,
tinuruan ako ng guro ko sa sining
na ipinta ko raw asa aking laman
ang lahat ng aking nararamdaman.

Kung kaya ay pagkauwi ko,
bumili agad ako ng pintura
at isinulat ko sa aking dibdib na

hindi ako halimaw.

Limang taon. Malamig na papag.
Madilim. Hindi ko alam kung saan.
Tatlo, apat, limang tao na naglalaro,
ang gusto ko lamang ay maglaro
ngunit ako ang naging laruan. Ramdam ko
ang pagkasulasok sa init,
ang paggapos sa leeg, ang pagpilit
na paglunok ng kamunduhang
gumuguho ang aking kamusmusan
at mula noon. pinilit ko nalang na ikulong
ang aking sarili sa apat na dingding,
hindi na lumabas, takot, at sa kahit
anong sabihin ng magulang ko
na makipaglaro ako, hinding hindi
na magiging pareho ang lahat
sapagkat hindi ako katulad nila,
na alam kona ang sakit, ang hapdi,
ang sugat sa mga sulok ng katawan,
pasa, at hinding hindi na ako
magiging katulad ng ibang mga bata,
sapagkat iba ang larong alam ko,
sa larang kinakalakihan nila.

Pero, hindi ako halimaw.

Nagsimula akong mag-aral,
at pinili kong umupo doon sa likuran
kung saan pwede akong mapag-isa 
sa aking sariling mundo, sapagkat
hindi rin naman nila ako maiintindihan.
Sa halip, mga matang mapupusok
ang siyang tumutupok sa akin
na para bang nilalamon ako ng silya
at ang aking natutunan ay ang mga
salitang ibinabato nila sa akin -

Ngunit, hindi ako halimaw.

At nang ako ay lumaki,
tinupok ko ang balat, ang baga,
ang bawat nalalabi sa aking
pagkatao ng alak, usok at
ng init ng naghahalong mga laman,
sapagkat gusto kong makalimot,
mula sa pagtingin ng mga tao
na ako raw ay mali, na ako
raw ay isang kasalanan, na
malaking kamalian na maparito
sa iisang espasyo na kahit ako
sana ay gusto kong maglaho, 
sapagkat sa bawat pag-usad
na gagawin ko, babalik at babalik
ang lahat at ako ay guguho,
basag, bubog, at sa tuwing
titingin ako sa salamin, malalaman
kong wala na pala sa mga bangungot
ang mga halimaw kung hindi ay
nanuot na sa aking isipan,
at wala na sa ilalim ng kama ang
mga halimaw sapagkat sila
na ay nasa aking harapan,
at gusto ko lamang na hindi
na lamang magising sa magulong
mundo,

Pero hindi ako halimaw.

Nagmahal ako ng tao na sabi
ng lipunan ay mali, at ako ay hinusgahan
sa ano ang aking nararamdaman
at ang pagdikta raw ng puso
ay malaking kasalanan ngunit ito ang
tanging ilaw na natagpuan ko sa dilim,
ang pag-asa ngunit mali na naman daw
sapagkat ang mahalaga ay ang mga
pangalang pinagdudugtong, sa kung
ano ang binubulong ng mga diyos-diyosan
na ang pag-ibig daw ay hindi para sa atin,
kung hindi ay sa dikta ng anatomiya ng katawan,

Hindi ako halimaw.

Ang lipunan ang halimaw,
ang mga matang nakatutok, nakakatunaw,
mga salitang binibigkas na nanunuot
sa mga lamat, basag na bahagi ng katawan,
mga bulungan sa kung ano ang nakikita niyo,
ngunit hindi niyo ako kilala.

Hindi ako halimaw.

Pero sinta, isang araw,
dahan dahang kung tutuklapin ang
mga pinturang inukit mo sa iyong
laman, hindi ako halimaw,
hanggang mabuo natin ang
mga letrang pinagtagpi tagpi,
na kahit ano pa man ang sabihin
ng mundong gilingan ng laman

Oo, hindi ikaw ang halimaw,
Oo,
ikaw
ang aking mahal.

-Isang Tula Para sa Iyo; Zakk Habitan

11:38pm | Ako, ang entablado, at kayo

Aanhin ko ang pagpapagal
Ito nama’y hindi magtatagal
Makita lang ang inyong mga ngiti
Sapat na upang pagod ay mapawi

Aanhin ko ang magdusa
Kung kapalit ay ligaya
Marinig ang inyong palakpak
Sa puso’y masayang halakhak

Ngunit alam kong ito’y panandalian
Maningning na kislap ng kasikatan
Daigdig ko ay kayo
Daigdig niyo ang mundo ko

Ang entabladong aking tahanan
Mababawi rin at mapapalitan
Kaya’t sana’y sa aking mga saliw
Alaala ko sa inyo’y hindi magmamaliw

Magsasara ang telon
Lalamlam ang mga ilaw
Maglalaho ang mga palakpak
Mababakante ang bulwagan

Salamat sa inyo at sa musika
Malimot man ako’y hindi alintana
Kahit man lamang sa awitin
Pagsasama nati’y sasariwain

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video