alalas

Sinunod ko naman lahat ng sinabi mo. Hinintay kita. Alam ko sa sarili kong kaya kong hintayin ka basta andyan ka lang para sakin. Basta alam kong okay tayo. Basta alam kong hindi ka pa rin bumibitaw. Pero di mo naman kinaya. Ni hindi mo sinubukan. Sunukuan mo ko agad. Binaliwala mo yung pinagsamahan natin. Eh ano kung maiksing panahon lang yun? Ni minsan hindi yun naging dahilan para sumuko ako. Alam natin pareho yun. Kaya nga sabi natin, mag aantay lang tayo. Para magbalik mo, magsisimula tayo ulit. Kaya lang, wala na e. Iniwan mo na ko. Baka na miss mo yung feeling na walang iniintindi. Walang commitment. Wag kang mag alala, naiintindihan ko. Hindi ko lang kayang isipin na kaya mo kong isuko ng ganon kabilis. Asan na yung mga sinabi mo dati?

words-of-everything asked:

Paano mo masasabing pagod kna?

Everytime naman nararamdaman natin ‘yong pagod. Mas pinipili lang natin huwag ipakita sa kanila ‘yong pagka pagod natin dahil ayaw natin silang mag-alala. O kaya naman kung wala silang pakealam? Sinasarili mo na lang. Haha!

Someone wants to invalidate something we experience every day? That’s fine. They can have their [incorrect] opinion. But that doesn’t mean we’re going to stop experiencing it. We live it every day and not by choice. So really, their invalidation of us is invalid. 

Alala

#TeamAbangerz

Para sa mga taong naghihintay at nag aabang ng “the one” nila, at sa mga inuban na sa kakahintay sa taong inilaan ng Diyos para sa kanila.

Kalma! Darating din un. Wala namang masama sa paghihintay diba? Oo, nakakainip, nakakabagot, pero ang mahalaga eh darating sya sa tamang panahon. Ung hanggang kasalan na. Ung wala ng break-break pa. Abangerz ka lang. Wag ka mag alala, marami tayong abangerz. Di ka nag iisa. Ngayon, habang naghihintay ka sa “the one” mo, mag aral ka muna, maglinis ng bahay nyo para makatulong ka naman sa magulang mo, o kaya magtrabaho ka, magsikap ka para umunlad ung pamilya mo. Para pag dumating sya, alam mo na kung pano magpahalaga at magmahal.

anonymous asked:

Iingatan kita wag kang mag-alala.

Sus. Sabi rin yan ng ex ko tas nung naglalakad kami pauwi natamaan ako ng motor. Asan ang iingatan don???!!!

Mahilig akong magbasa ng mga libro pero huwag mong hahanapin sa katauhan ko si Hazel Grace dahil wala pa akong lung cancer sa ngayon. Huwag din si Margo Roth dahil hindi pa naman ako nawawala. Huwag din si Alaska Young dahil hindi ko pa natry mag yosi. Maging Si Eleanor Douglas ay huwag dahil hindi pa naman pula ang buhok ko.

Huwag kang mag-alala hindi ko rin naman hahanapin sa'yo si Augustus Waters dahil ayokong mamatay ka ng maaga. Hindi rin si Quentin Jacobsen ayokong paghanapin ka. Hindi rin naman si Miles Halter dahil hindi mo kailangan mabaliw sa akin o si Park Sheridan dahil hindi mo ako kailangan ipagtanggol sa mga nambubully sa akin.

Hindi tayo mga karakter sa mga nobela. Hindi tayo perpekto. Pero alam kong totoo ka at totoo ako. Bumuo na lang tayo ng sarili nating kwento. Hindi man yung kakikiligan katulad ng Kathniel o Jadine pero dapat yung tatatak pa rin sa puso

Sa dami nang dinaldal ko may natandaan ka ba? Teka, Nasaan ka na ba? Bilisan mo, hinihintay na kita.

Kaya mahal, gumawa tayo ng kasunduan. Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at papatawarin kita sa hindi mo sakin pagpili. Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitaw at patatawarin kita sa hindi mo sakin pagkapit. Patawarin mo ako, sa hindi ko paglimot sayo, at patatawarin kita sa hindi mo sakin pag-alala. Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo, at patatawarin kita sa hindi mo paglapit. At patawarin mo ako sa hindi ko pagmumuhi sayo, at patatawarin kita sa hindi mo pagmamahal sakin.
—  Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo

Wag kayong mag alala, u-upload ko lahat ng pictures natin. Ita-tag ko na lang kayo. Kahit na tawagin akong papansin, hay. Ganyan ko kayo kamahal. Hahahajk. Pero teka, bibili muna akong charger ng iPad. Di na kaya ng charger ko, naghihingalo na siya.

Wag kang mag alala friend. Mararamdaman mo ulit kiligin na parang binibulate buong katawan 😂😁✌️
Yung nakasanayan mong andiyan sa tabi mo lagi. Tapos sa isang iglap, bigla na lang nawala. Huwag kang mag-alala, masasanay ka ding wala siya.

Magandang gabi! :)

I’m scared of you. Dahil ikaw lang yung nakagawa sa akin ne'to. Ikaw lang yung kahit sobrang sakit ng ginawa mo sa akin di ko magawang magtanim ng galit sa kaibuturan ng puso ko. Kapag tinitignan kita nagsisimula ‘to sa lumalagablab na galit ngunit unting unting humuhupa sa nanlalamig na pakiramdam na nangangailangan ng yakap at init mo. Hindi ko alam pero gusto kong pumunta diyan upang ayusin ang lahat.

Pero hindi pwede.

Hindi pwede dahil mismong magulang mo na ang pumipigil. Oo, galit ako sa'yo. Oo, hindi ko siya masisisi kung kakampi siya sa iyo kahit tutuusin mas grabe ang ginawa mo sa akin.

Huwag kang mag-alala, napatawad na kita.

Pero kung tawad ang gusto mong marinig sa akin, naubos na. Dahil sa mga panahon kung saan halos mawala ang pride ko at halos kunin ko na pati pride na panlaba may masabi lang na may pinanghahawakan pa akong “pride” at halos lumuhod ako sa harap mo tuwing pumupunta ako sainyo upang humingi ng tawad, may nagawa ka ba? May ginawa ka ba? Sinaraduhan mo ko ng pinto sa puso.

Kaya mahal, hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam. Bahala na talaga.

Basta, mag ingat ka. Tandaan mo yan.

Sabihin mo lang din sa akin if may pag-asa pang maayos. Dahil sa ngayon isa lang ang paraang naiisip ko para magkaayos tayo. Hindi ko nga lang alam kung papayag ka o kakayanin mong magbaba ng pride.

Kaya paalam na.