December 2nd. 2nd Day.

HAPPY RUBADABANGO DAY! hahahahaha de jokes, so eto na yung 2nd day of Spreading Good Vibes Challenege ko. So syempre malamang dapat positive tong post ko.

Masasabi ko na hindi naging ganun kaganda ang umaga dahil sa bruha kong kapatid pero na GV pa din naman bago pa man makaraying ng novaliches kasi binigyan akong pera ng lola ko lol. Tapos pagdating pa dito ang pagkain kagad bumungad sa akin.

Ewan ko ba, masasabi ko na talaga naman tumataba na ako kahit ang lumalaki lang eh ang tummy at face ko pero ewan ko ba, dati nasasarapan lang ako kapag kunakain, ngayon sumasaya na din. Food makes me happy.

Ako yung tipo na kapag may problema at pinagdadaanan, dinadaan ko yun sa pagkain hindi sa inuman. Itanong niyo pa sa mga naka inuman ko dito sa tumblr na talagang tirador ako ng pulutan. HAHAHA

So yeah, feeling a bit sad? Ikain na lang yan!

Day 22, 23 and 24.


ADVENTURE TIME.



So alam niyo naman na nag swmiing ako nung 22 with my college friends, no need to explain, nagpuyatan lang naman kami, lumangoy at kumain. After nun, umuwi ako sa bahay ng lola ko at natulog lang ng 2 hours.

After nun, Diretso prepare at ligo ulit for Tyemu(Kung nalilito kayo, overnight swimming kasi kaya hanggang 23 ng morning.) Grabe, kahit na pagod pa, diretso Tungko to meet kaye. Then Trinoma para naman kitain si Bry, Ace at kebong.

image

Then ayan na, ATC na. AYun, Picture DIto Picture diyan, makigulo sa ibang section at kung ano pa. Kwentuhan, Harutan at tawanan.

image

WOOOT! After 1 year, eto talaga yun eh! Maiinggit ka kuya Cris! HAHAHA

image

Pangalawang Meet Up na namin neto ni Kups Christian pero di pa kami close nung una, Kaya ayun, kabitin nga lang kahapon kasi naman.. HAHAHA 

image

COOOOOLET! Advance Happy Birthday!

image

Ganda noh? haha Hi Ate Camille!

image

Ay eto talaga yun eh! Wallpaper na ito! Pinagsamang Ganda ni Ysh at Chy sa iisang Picture. <3 wooooot! May Na cross out na ako sa bucket list ko hahahaha!

image

Kilala naman siguro toh ng lahat? Woot! SO glad na nagkaroon ng chance magpa picture at makipag kwentuhan kahit saglit lang :D

image

(Insert sergeantpepperoni sa space between namin ni Dex! Ganyan ang tunay na magkakaptid, di nagkakalimutan! miss ka na namin Brader Emman!)

image

Bry! Mag balik ka na sa tumblr! Wooot!

MORE PICTURES HERE

(Na realize ko na wag na lang mag photospam. hahaha basta ayan ang Link XD)

image

Pero eto Highlight eh! hahaha Thank You Ate nelsie! <3

Ayan, Summary na lang. Medyo pagod pa ako kasi..

After nung Tyemu, diretso kami Trinoma para mag Dinner. Then ayun, sleep over kila ella. Ayan kwentuhan nanaman hanggang sa makatulog na ang lahat. Pagkagising, kain at kwentuhan, tapso nag stay kami kila ella hanggang 2PM. Kamusta naman, anong oras na kami naka alis eh nag aya pa si kaye pumunta ng SM Fairview para bumili ng Gifts. Kaya ayun, kamusta naman nandun kami kanina pakalat kalat ng di pa kami naliligo! hahaha then ayun, kakarating ko lang at eto, blog blog din XD

Woooot. Tatlong araw bago mag pasko eh naging sobrang busy ako pero super saya naman! Napaka Productive ng 3 days ko na toh. SUper Good Vibes. Magandang Way para i End ang 2012! Sana ganito din Kasaya ang mga susunod na araw ng Buahy ko!

December 15. Day 15

Simbang Gabi :3

Oh yeah. Jgh. And yes maaga kasi ang simbang gabi dito, gabi talaga.

Masasabi ko na official na talagang feel ko na ang pasko. Daming tao. Kahit sa lanas madami.

Ang napansin konlang eh yung mga babae na grabe mag make up, kala mo aattend ng prom. Tsaka syempre yung mga couples na nakatambay lang sa labas. Ayun, grabe lang.

Ako, aminado ako na di ako palasimba. Di ako yung tipong linggo linggo eh nag aattend ng mass. Pero nandiyan yung Faith ko kay God, hindi yung tipong ginagawang excuse yung pagsisimba para maka gala at makipag date.

C’mon people, respeto naman kay Lord.

December 3. Day 3.

Well, ngayong araw eh medyo di ganun ka Good Vibes. Or siguro kung ilalagay yung sitwasyon ko sa ibang tao eh matuwa sila ng bongga pero ako talagang mixed emotions eh.

Kasi may ino offer sa akin na Work. To be honest, gusto ko naman talaga mag work para naman kumikita ako ng sarili ko tsaka hindi naka nganga lang sa bahay. Pero syempre bga nakapag set na ako ng plans this month.

Syempre andiyan ang TYEMU. Tapos may christmas party pa kami ng mga ka block ko dati.

So bale, dec. 22 yung party, overnight then kinabukasan eh pupunta lang ako saglit sa lola ko para mag ayos then punta na ng atc para sa TyeMu (23) then mukhang mapapa overnight pa after so kailngan free ako ng 22-24.

Kapag nagka work ako by this week or next week talaga naman ma dedehado ako sa mga plans ko.

Okay, parang ang babaw lang ng reason noh? Ang gusto ko kasi sana mangyari eh next month na lang mag work kung baga talagang last month na toh ng pag tengga sa bahay. Haha whew. Help me Lord.

Imba talaga ang December sa akin :))

December 8. Day 8.

late post

ADVENTURE TIME.

Kamusta naman ang Mall hopping namin ni kaye? Ang Usapan kasi manunuod kami ng Rise of the Guardian sa may Starmall Palmera pero napunta kami sa SM Fairview tapos Trinoma naman with ella.

Dumaan kami saglit sa timezone para makita yung mga nag mini MU. Then nag Dq kami. After nun eh simama sin saglit sa amin si Gio para magkwentuhan.

Nung pauwi ma akala ko naman eh makakapag paginga na ako pero ning nasa bus kami ni kaye eh nakasabay namin mga ka block ko dati at sinama nila ako.

So tumulong ako sa paggawa nila ng thesisz haha oh diba? Ang bait ko lang.

So yeah, yan ang araw ko kahapon. Super duper saya :3

December 4. Day 4

Kung may comfort food, meron din akong comfort place. At yun ang bahay ng lola ko sa bulacan. At nandito ako ngayon.

Kasi naman nung nasa novaliches ako medyo di ko maiwasan ma bv for some reasons and the only place na talagang tahimik lang eh dito sa lola koz pagdating na pagdating ko pa lang, meron na kagad sense of relief. Gumaan kagad pakiamdam ko. GV din dahil gusto ko talaga luto ng lola ko. Haha at inaantok na ako sa kabusugan :))

Ikaw, saan ang comfort place mo?( tamaan na ng kidlat magsabi ng comfort room! Haha jokes )

December 20. Day 20

Kung mag end man ng mundo bukas, i would really like to thank all my friends here on tumblr.

Ayoko ng ilagay pa sa tags or banggitin ang names dito kasi baka may makalimutan ako, magtampo pa.

Kilala niyo na kung sino kayo at mahal na mahal ko kayo lahat.

At kung di mag end ang world bukas, (hopefully) sana mas tumagal pa lahat ng nabuo kong friendship dito :3

December 9. Day 9.

Kung gaano ka bongga ang araw ko kahapon, kabaliktaran ngayon.

Syemre pagod kaya halos natulog lang ako maghapon at kumain. Plain boring.

Parang sa buhay, di pwedeng masaya lang. Sadness is inevitable part ng buhay yan eh. Parang Yin and Yang.

Kaya wag mag alala kung nalulungkot ka now, sasaya ka din. Tiwala lang.

December 6. Day 6

Ang Lovelife parang extrang scoop lang ng ice cream yan sa halo halo, pwedeng wala pero mas masarap kung meron.

Pwede naman maging masaya kahit walang bf/gf eh. Nandiyan ang mga kaibigan mo (well, sorry na lang kung lahat ng friends mo eh taken na, parang sampal sa mukha na single ka haha) , ang pamilya mo.

Pero syempre aminado naman ako na kapag may lovelife ka eh talagang para bang yung buhay mo na black & white eh nagkakaroon ng kulay.

Kung single ka, wag kang malungkot, be productive na lang, madami din naman perks ang pagiging single like mas marami kang pera, mas maraming time sa ibang bagay. Ganun.

Ako, nag li lo na muna ako sa kalandian at pag ibig. Gusto ko kasi long term relationship, pero nayon ewan, parang ayoko pa muna ng lovelife, parang mas gusto ko muna mag focus sa buhay ko. Pero kung meron man dumating, welcome naman siya :)

December 5. Day 5

#Nakakamiss

Nakaka miss kiligin. Yung tipong makakatanggap ka ng mga sweet sms galing sa taong special sayo.

Pero mas namimiss ko yung mga araw na hanggang crush lang talaga ako. Yung mga araw na makita mo lang siya, buo na kagad araw ko.

Pero mali, (oo, mali, kasi sabi ko naman sa inyo bawal muna ang medyo malungkot na post eh haha) di ko naman pala namimiss talaga kiligin, kasi napi feel ko naman yan.

Alam ko na iblog ko na yun dito eh, yung tungkol kay ultimate crush. Sarap kaya sa pakiramdam kahit isang Ta/fanmail/text lang galing sa kanya, buong buo na araw ko.

Nung isang araw nga nag text yun eh, aba nagpa load kagad ako haha kasi nung nag reply na siya ulit di na siya nasundan, pero di naman ako nalungkot nun mas nangibabaw kilig ko eh.

Tsaka di lang siya crush. Inspirasyon yun eh. Loyal na loyal pa ako diyan, wala pa akong bagong ultimate crush hahaha siya pa din since march2012 :))

December 12. Day 12

Hooray. Ang awesome lang kasi its 12/12/12. Actually my day is hmm, boring I guess, tanghali nanaman gumising at kumain lang ng kumain.

Actually ngayon ang kasal ni Ate Yuki at Loonie at si papa lang pumunta dun, di ako sinama huhu. Edi siya na, syet baka madaming fliptop stars dun! Baka andun pa si abra! Haha sayang papa picture ako eh :))

Uhmm, pero di naman yata ganun ka boring tong araw na toh for me. Kasi ngayong 12/12/12 may ‘spark’ ! Well sa akin na muna toh for now. Basta imba ang December ko lagi :))

December 1st. Day 1.


Iba pa din talaga ang epekto sa akin ng december, alam mo yung Good Vibes lang lagi? yung tipong kahit ma badtrip ka man sa umaga o sa hapon eh sa gabi hanggang sa matulog ko, may ngiti ka pa din sa labi na walang kaplastikan.

Gusto ko as much as possible, ganito araw araw kahit hindi december. Pero kung magiging ganito lang ako tuwing december, eh talagang eenjoyin ko na toh. Kasi may mga pinag iisipan na akong balak next year. :D

December 25. Day 5



To be Honest. Di ko feel yung Christmas today. Actually buong year eh, para bang hindi ko toh year. Maraming nangyari at kung anu-ano pang shits. Kung ayaw mo mawala sa mood eh wag mo na ipagpatuloy ang pagbabasa medyo nakak ewan at lungkot ang post na ito. Pero..

Natutuwa ako, kasi kahit ganitong year eh meron pa rin mga moments this year na natutuwa ako kapag naalala ko. Nandiyan yung mga bago kong friends. Basta kialla na nila kung sino, di lang kaibigan mga TUNAY na kaibigan.

Anyway, Alam ko na makakabawi kami next Year. Pipilitin kong maging masaya muna for now hanggang matapos ang taon, Alam ko din naman na lilipas din lahat toh or should I say mao-overcome ko :D

So yeah, Kahit di ganun ka okay. MERRY pa din ang Christmas ko. Daming nagmamahal sa akin eh <3

December 7. Day 7

Motivation x Inspiration.

Minsan tinatamad lng naman tayong gawin ang isang bagay dahil lang nag mo-motivate sa atin.

Sa ngayon naghahanap ako ng momotivate sa akin para sa mga plano ko next year, gusto ko kasi Next year yun yung year na babawi na yung family ko, makakabangon na din kami sa natambak na problema.

Siguro kung wala man mag motivate, gawin ko na lang yun para sa akin, para sa pamilya ko. Ako na lang din mismo mag mo-motivate sa sarili ko dahil di lang naman toh para sa pamilya ko, pati na rin sa akin.

Hmmm. Pero talagang ang masasabi ko lang para ganahan kayo, humanap ng motivation :)

December 16. Day 16

Positive Vibes.

All fired up for 2012. Nakakatuwa kasi nabasa ko yung caption sa isang IG photo ni ate Corinth at talagang na inspired ako na to do good and well next year. Okay baka sabihin ng iba, bakit next year pa, kung pwede naman ngayon?

Di naman kasi ako nagmamadali, wala naman shortcut patungong success. Slowly but surely kumbaga. Ayun, masaya ako na ganito mood ko ngayon di katulad nung mga nagdaang gabi. Ginaganahan nanaman ako.

2013 will be my Year.. hopefully.

December 19. Day 19

Yay. Happy kid coz I got new shirts straight from japan.

Haha dalawang 3/4 lang naman. Pero natutuwa ako kasi yung sa mga pinsan ko ang weird ng design like may skull and glitters! Wahaha pero yung akin plain lang na black and white 3/4 shirt from converse then yung isa medyo over decorated yung likod pero okay naman.

Wooot. Aside sa food at books, clothes makes me happy at alam kong marami din sa inyo ang napapasaya ng damit :))

December 10. Day 10.


Less Friend, Less worries.


Mas okay na yung konti lang kaibigan mo pero lahat naman tapat sayo kesa sa ang dami mong friends, yung iba naman backstabber. Hindi porket marami eh mas better, kapag ganyan nga mas madami pang issues eh.

Kaya wag masiyadong mainggit s aiba na madaming kaibigan. DI naman porket marami yun eh lahat yun mag aalala sa kanila kapag nagkasakit sila, yung iba pa nga baka pasikretong natutuwa na naghihirap ka.

Kung konti lang friends mo, just be happy at ingatan mo sila :D


December 17. Day 17



Happy Birthday sa jejemon ko na kapatid! loljk XD

This day is pretty Much about Food. Konti lang naman ang handa at wala naman gaanong bisita. Pero masaya kasi kumpleto kami. Ayun, really nothing much to say.

hmm.. Basta kao, kahit lagi kami nagaaway ng kapatid ko na toh, kapag may nang away dito, aba talagang reresbak ako :D

December 11. Day 11

Nakaka Goodvibes kasi nagkita na uit kami ng tita Grace ko. Sa Singapore na kasi sila ngayon nakatura pero bumisiga lang siya para ayusin mga gamit sa bahay nila dito sa pinas.

Ayun nothing much to share. Basta ako eh happy dahil nakita ko ulit tita ko, sana si tito naman pati yung iba kong couz.

Ang masasabi ko na lang eh love your family and relatives, dahil kapag iniwan ka na ng mahal mo at kaibigan mo, sila ang matatakbuhan mo :)

Text
Photo
Quote
Link
Chat
Audio
Video